5: Her new found Home

1.8K 33 3
                                    


  (K E V I N)


Buti nalang at hindi ako na-late sa klase ko. Naging magaan ang pakiramdam ko sa araw na 'yun, ginanahan ako ng pagsagot sa professor namin. At kahit na nasa kalagitnaan ng discussion ay hindi ko pa rin mawala sa isip ko ang mukha ng kutong-lupang babae'ng 'yun. Nakakatuwa siya'ng pagmasdan na namumula dahil sa galit. Napasaya niya ang araw ko. Kahit na medyo malas nga pero nabawi naman 'yun nang mapikon ko siya.

     “Kevin.” pagtawag ni Clark sa’kin.

     “Bakit?”

     “Kanina ka pa nakangiti ah, ano ba'ng iniisip mo?”

     “Wala.”

     “Wala raw, posible ba'ng wala?”

  Hindi ako sumagot.

     "Hoy. 'Wag ka'ng madamot."

     “Kasi...kasi kanina may napaglaruan lang ako.”

     “Hmm?”

   Ngumisi lang ako.

     “Basta, isa'ng nakakatuwa'ng pet na masaya'ng paglaruan.”

     “Ano'ng pet yun?”

     “Basta.”




( H A  N  I )

Isa'ng buo'ng araw na naman ang natapos, sumasakit na naman ang binti at likod ko. Gusto ko nang humiga sa papag ko.

   Kaso nang naglalakad na ako sa eskinita ay nadatnan ko si Ate Rana sa labas ng apartment. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko na katabi niya ang mga bag at maleta namin.

     “Ate, ano'ng nangyari?”

     “Pinaalis na tayo ng may-ari.”

     “Ha? Bakit? Nagbabayad naman tayo ng upa diba?”

     “Nagkasagutan kasi kami, balak niya kasi'ng taasan 'yun'g upa, eh hindi naman masyado'ng kagandahan 'yun'g apartment niya.” paglabas ni Ate ng hinaing niya.

     “Eh 'yun'g binayad natin'g upa para sa buwan na’to?”

     “Sinuli niya. Oo nga—" may dinukot siya sa bag niya, "Ito pala 'yun'g parte mo sa upa.”

   Nang nasa kamay ko na ang pera ay malungkot ako'ng tumingin kay Ate Rana.

     “Sa’n na tayo pupunta ngayon?” tanong ko.

     “Maghanap nalang tayo ng matutuluyan kahit ngayon'g gabi lang, bukas nalang natin planuhin kung sa’n tayo lilipat.”

     “Sige, Ate.” pagsang-ayon ko at dinampot ko na ang mga gamit namin.

   Sa isa'ng mumurahin'g hotel muna kami nagpalipas ng gabi ni Ate. Yun lang kasi ang kasya sa pera namin at 'yun nalang din ang bukas na mga lugar sa oras na ‘yun. Ni hindi nga ako nakatulog sa gabi'ng 'yun, oo maganda at malambot nga ang kama'ng hinihigaan ko, pero alam ko naman na isa'ng gabi lang 'yun. Alam ko na hindi magtatagal mag-uumaga na at kailangan na namin'g mag check out. Hindi naman kasi namin kaya'ng tumira dun nang pangmatagalan kaya kailangan namin'g maghanap nang iba'ng matitirhan, at 'yun ang gagawin namin pagputok ng araw.

   Hindi talaga nakakaenjoy ang isa'ng bagay lalo na't alam mo'ng hindi naman 'to magtatagal sa'yo.

   Emote pa, Hani, emote pa.

 

(K E V I N)

Habang nagsusulat ako sa isa'ng notebook ay nakatanggap ako ng message sa Yahoo Mail ko—galing yun kay Monique. Napangiti ako nang makita ko ang mga pictures na pinadala niya.

BOOK 1: The Him who loves HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon