24: Instant Nannies

1.6K 33 1
                                    

( H A  N  I )

Linggo ng umaga, habang nagdidilig ako ng mga halaman ni Tita ay bigla siya'ng lumapit sa’kin at nagpaalam dahil may pupuntahan siya kasama si Tito.

     “Baby girl, aalis muna kami ng Tito mo ha? Ikaw na muna'ng bahala sa bahay.”

     “Opo." Ta's may bigla ako'ng naalala nang patalikod na siya, "Ay, Tita.”

     “Yes?”

     “Kasama po ba si Kevin?”

     “Hindi, nasa kwarto pa siya—natutulog.”

     “Ah, sige po, ako na po'ng bahala sa bahay.”

     “Ok, thank you, baby girl.”

     “You’re welcome po, Tita.”

   Sa pag-alis na ng kotse nina Tita ay dun pa lang ako nainis sa sitwasyon.

     “Kami'ng dalawa na naman nang ulupong na 'yun dito. Sana mamaya'ng hapon pa siya magising para may kapayapaan ako habang naglilinis ng bahay.”

  







Naglilinis na'ko ng bintana, nang bigla na lang may nag-doorbell kaya natigilan ako at bumaba sa tinutuntungan ko'ng stall. Lumabas ako ng bahay at binuksan ang gate. 

     “Hi.” sabi ng babae'ng bumungad sa’kin.

     “Hello po, ano po'ng atin?” 

     “Nandiyan ba si Danita?”

     “Ay, wala po si Tita, may kailangan po ba kayo? Sasabihin ko nalang sa kanya pagbalik niya.” 

     “Ah ganun ba? Um, ikaw ba si Hani?” 

     “Opo.” 

     “Ah, Hani, ako si Mrs. Castro, kaibigan ko si Danita. Tinawagan ko siya kagabi, nagpaalam na ako sa kanya, ang sabi ko na kung pwede ba'ng dito ko muna iwan 'yun'g mga apo ko?” 

     “Ganun po ba? Sayang naman po, wala ho kasi si Tita.” 

     “Di bale, ang sabi naman niya sa’yo ko nalang daw iwan ang mga apo ko.” 

     “Sa’kin ho?”

     “Oo, ok lang ba sa’yo, Hani? Nasa out of town trip kasi ang mga magulang nila, at kailangan ko naman'g pumunta sa isa'ng event na importante'ng-importante sa negosyo ko. Wala kasi ako'ng iba'ng mapagbibilinan sa mga apo ko.”

     “Okay lang naman po sa’kin, nasa’n po ba 'yun'g mga apo niyo?”

     “Nandun sa kotse. Teka lang, kukunin ko.” 

     “Sige po.”

   Magiging baby sitter ako sa araw na ‘to? Exciting ha? Matagal ko na rin'g gusto'ng mag-alaga ng mga bata.

   Nang makita ko ang mga apo na tinutukoy ni Mrs. Castro ay agad ako'ng nanggigil sa kanila'ng dalawa. Dalawa'ng matataba'ng bata'ng lalaki na kambal pala ang aalagaan ko sa araw na’to.

     “Ang cute-cute nila, ilan'g taon na po ba sila?” ang tataba ng mga pisngi, sarap kagatin.

     “2 years old, ito si Pat-Pat at ito naman si Cham-cham.”

     “Ang cute, 'wag po kayo'ng mag-alala, aalagaan ko po sila.” talaga'ng na love at first sight ako sa mga chikiting.

     “'Yun nga rin ang assurance ni Danita sa'kin. Salamat, Hani. 'Wag ka rin'g mag-alala, susunduin ko naman sila mamaya'ng ala una.”

BOOK 1: The Him who loves HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon