16.1

1.7K 34 3
                                    

(K E V I N)

Sabado ng umaga, araw ng pag-alis ni Mama at Papa papunta'ng Brazil at dalawa'ng buwan sila ron. Kaya isa lang ang ibig sabihin nito, kami'ng dalawa lang ni Hani sa bahay sa loob ng dalawa'ng buwan. Ganun ba kalaki ng tiwala ng Mama ko sa’kin para hayaan niya na kami'ng dalawa lang ni Hani ang maiwan?

     “Hani, Kevin, kayo na ang bahala sa bahay ha? At 'yun'g bilin sa inyo ni Alfonso, 'wag niyo'ng kakalimutan.” pagpapaalala ulit ni Mama habang papasok na siya sa taxi na nakaabang sa labas ng gate namin.

     “Opo.”

     “Mami-miss ko kayo, baby boy, baby girl.”

     “Mag-iingat po kayo, Tita.”

     “Kayo rin, at Kevin 'yun'g sinabi ko kagabi ha?”

     “Opo.”

     “Gawin mo 'yun, okay?”

     “Opo.”

     “O sige, aalis na kami at baka mahuli na kami sa flight.”

     “Bye po.” sabi pa ni Hani.


Sa pag-alis nga nina Mama at Papa, nagsimula ang bago'ng yugto sa buhay ko.

   Dalawa'ng buwan.

   Agad na ako'ng pumasok ng bahay at sumunod rin agad ito'ng si Hani habang nang-uusisa.

     “Ano'ng pinag-usapan niyo ni Tita?” pero hindi ko siya sinagot.

     “Hoy, Kevin, bingi ka ba?” habang hinihila ang manggas ng T-shirt ko.

   Napabuntong-hinga ako at nilingon siya.

     “Kailangan kita'ng ihatid at sunduin ngayon.” walang-gana'ng sagot ko.

     “Talaga?”

     “Oo, may magagawa ba 'ko? Eh sa mapilit 'yun'g Mama ko.”

   Napangiti si Hani at medyo kinilig ako nang makita ko ang ngiti niya. Dinaan ko nalang sa pang-aasar ang pagtago ko sa kilig ng puso ko.

     “Pero bago ka pumunta sa group study niyo, maglinis ka muna ng bahay, magluto ka... at maghugas ka ng pinggan.”

     “Ha? Pwede ba'ng bukas nalang?”

     “Hindi pwede, pag-sinabi ko'ng ngayon, ngayon mo gagawin.”

     “Teka nga muna, ba’t ako ang gagawa ng mga gawain'g bahay? Eh ikaw? Ano'ng gagawin mo?”

     “Eh sino ba'ng anak ng may-ari ng bahay?”

     “Gagawin mo ko'ng sunod-sunoran sa’yo?” may pagbabanta sa boses niya.

     “Bakit hindi? May magagawa ka ba?”

     “Bahala ka.” pikon niya'ng sagot at humakbang paalis.

     “Hoy! 'Yun'g mga inutos ko sa’yo gawin mo bago ka umalis, naiintindihan mo?”

     “Oo na! Naiintindihan ko!” maktol niya at padabog na naglakad papunta sa kusina.

   Kung pwede ko nga lang sana'ng utusan siya nang paulit-ulit ginawa ko na. Pero baka makahalata siya na ginagawa ko ‘yun para hindi siya umalis, at para hindi ako maiwan nang mag-isa.

   Habang ginagawa na niya ang mga inutos ko'ng gawaing bahay ay nanatili lang ako sa kwarto ko, nanunuod ng cartoons habang nag-iisip din ng iba ko pa'ng pwede'ng iutos sa kanya para hindi na siya makapunta sa group study nila. Pa’no nalang kung karamihan pala sa mga kasama niya ay lalaki? Baka kung mapano pa siya. Ngayon'g wala si Mama, kargo ko si Hani kaya kahit na ayoko'ng gawin, kailangan ko siya'ng protektahan.

BOOK 1: The Him who loves HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon