7.3

1.6K 31 4
                                    

(K E V I N)

Nasa chocolate station na kami nang mapansin ko kaagad ang mukha ni Hani.

     “Wooowww.” reaksyon niya habang may ningning sa mga mata niya.

   Mangha'ng mangha siya.

     “Mukha'ng ang saya-saya mo ata baby girl?” nakangiting puna ni Mama, pati pala siya, napansin rin 'yun.

     “Paborito ko po kasi 'yun'g mga chocolates."

   Sarkastiko na naman ako'ng ngumiti at naghanap ng tsokolate'ng kakainin ko.

     “Ako rin! Pareho talaga tayo, sige pumili ka ng gusto mo diyan.” excited na sagot nito'ng Mama ko.

     “Po? Pero wala ho ako'ng pera dito.” tiningnan ko siya, tapos si Mama, ta's balik ulit sa kanya.

     “Ako'ng bahala, libre ko.”

   Hindi naman maipinta ang tuwa sa mukha ni Hani kaya ako nainis.

     “Talaga'ng tuwang-tuwa siya kasi nauto niya si Mama. Kailangan makaisip ako ng paraan para mawala ang ngiti niya.” ideya na naman ng utak ko.

     “Ito gusto mo’to?” tanong ni Mama.

     “Masyado po'ng mahal.”

     “Okay lang, masarap 'to.”

     “Talaga ho?”

     “Oo, so ito nalang ang bibilhin natin? Bibili tayo ng marami'ng-marami.”

     “Sige ho.” nakangiti'ng sagot ni Hani. Napangiti rin si Mama, para kasi'ng bata si Hani nung sumagot ito.

     “Oh that smile, napaka-charming mo talaga baby girl.”

   Charming daw? Kailangan na ata ni Mama ng salamin sa mata.

   Napasulyap ako sa isa'ng pack ng KrimStix kaya ngumiti ako at kinuha 'yun.

     “Hani, ito nalang ang bilhin mo oh, krim stix, halata naman'g ito lang 'yun'g chocolates na nabibili mo.” nakangiti ko'ng pang-aasar sa kanya.

   Tumingin lang siya sa’kin at inirapan pa ako.

     “Hayaan mo na 'yan baby girl.” bulong ni Mama sa kanya, bumulong pa talaga siya eh narinig ko naman. Kaya lumalaki ang ulo ni Hani kasi kinukunsinti naman siya ni Mama.

   Mga babae nga naman.

  







Sa punto'ng papunta na kami sa counter ay binunggo ko ulit ang paa ni Hani at inis na inis naman siya'ng lumingon sa’kin.

     “Bilisan mo kasi'ng maglakad.” pagsusuplado ko.

     “Sorry ha!” pikon niya'ng sagot at nagmadali'ng humakbang. Keiksi-iksi pa naman ng biyas niya.

   Napangiti lang ako habang sinusundan sila'ng dalawa ni Mama.

    






“Baby boy, baby girl pupunta muna ako ng banyo ha?” paalam ni Mama nang nakapila na kami para sa pagbayad ng mga pinamili namin.

     “Sige po.” sagot ni Hani.

     “Kevin, behave, wag kayo'ng magtatalo.”

   Ako pa talaga ang dapat mag-behave? Seryoso ka ba talaga Mama?

BOOK 1: The Him who loves HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon