17.1

1.4K 27 1
                                    

(K E V I N)

Halos isa'ng buwan na rin ang lumipas mula nang magbakasyon si Mama at Papa sa Brazil. Halos isa'ng buwan ko na rin'g pinipikon si Hani. Sinusunod din naman niya 'ko, at kahit na ilan'g ulit ko siya'ng utusan, ginagawa pa rin niya. Mas lalo tuloy ako'ng nag-eenjoy na asarin at utusan siya.

   Akala ko okay lang si Hani, hanggan'g sa isa'ng gabi, habang naghuhugas siya ng pinggan, at binubuksan ko ang ref para kumuha ng tubig ay narinig ko na sumisinghot siya.

   Nagtaka ako at agad siya'ng nilapitan.

     “Hoy, ok ka lang ba?” habang inaalog siya.

     “Bitiwan mo nga ako!” umiiyak siya sabay waksi sa kamay ko.

     “Ano ba'ng problema mo?”

     “Ikaw! Bwiset ka talaga!”

     “Teka, ano ba'ng ginawa ko?”

     “Pagod na pagod na ako sa paghuhugas ng pinggan! Tapos ikaw mas pinapahirapan mo pa 'ko."

   Lalo'ng namuo ang luha sa mga mata niya at humikbi na parang bata.

     "Di mo ba alam may exam kami bukas at kailangan ko pa'ng magreview? Pero kailangan ko'ng tapusin 'to'ng mga pinagkainan mo!” sobra'ng pula nang buo'ng mukha at maging leeg niya.

     “Para 'yun lang iiyak ka? Eh di bukas mo nalang gawin 'yan.”

     “Hindi mo kasi naiintindihan!” sigaw niya at tinulak pa ako pagkatapos.

   Hinatid siya ng mga tingin ko, at napaisip ako sa nagawa ko.

     “Napuno na siya sa’kin.” at tumingin ako sa mga naiwan'g hugasin sa lababo.

   Huminga ako nang malalim at ako nalang ang tumapos sa paghuhugas.

     “Pagod na pagod na ako sa paghuhugas ng pinggan tapos ikaw mas pinapahirapan mo pa ako.... Di mo ba alam may exam kami bukas at kailangan ko pa'ng magreview? Pero kailangan ko'ng tapusin 'to'ng mga pinagkainan mo!”

   Matapos ko'ng hugasan ang plato at linisin ang lababo ay umakyat na ako sa second floor. Kumatok ako sa pintuan ni Hani pero 'di siya sumagot, kaya pumasok na lang ako sa kwarto niya kahit na wala'ng hudyat galing sa kanya.

     “Hani.” nakita ko'ng nakaupo lang siya sa kama at naglalaro ng games sa cellphone niya.

     “'Wag ka'ng mag-alala, tatapusin ko rin naman 'yun'g paghuhugas ng pinggan.” sagot niya habang nakatingin lang sa screen ng cellphone niya.

     “Tinapos ko na.”

     “'Di mo dapat ginawa 'yun.”

     “Ikaw naman talaga 'to'ng magulo sa’ting dalawa, kanina lang umiiyak ka kasi nagrereklamo ka sa mga hugasin, tapos ngayon'g tinulungan na kita ayaw mo naman, adik ka ba?”

   Natigilan si Hani sa paglalaro at hindi nagsalita. Nakakamatay ang katahimikan niya.

   Napabuntong-hinga ako at kalmado'ng nagsalita.

     “Hani, sorry na.”

     “Para sa’n?” sa wakas ay sagot niya pero iwas-tingin pa rin.

     “Kasi pinaiyak kita.”

   Dun pa lang siya napatingin sa’kin at tumitig. Ngumiti naman ako at inaya siya'ng kumain ng paborito niya.

BOOK 1: The Him who loves HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon