9: Round Two-She wins

1.6K 32 1
                                    

( H A  N  I )

“Kaya mo 'to Hani. Pinggan lang naman ang mga ‘to, at maswerte ka pa rin naman noh? Nakakain ka ng pizza, tapos pasta tapos may salad pa, o diba bongga 'yun? Kaya 'wag ka'ng magpaapekto kay ulupong. Binubwesit ka lang nun kasi boring ang buhay niya."

   Natigilan ako at inisip nga si Kevin.

   Mabilis ko rin'g sinita ang sarili ko at nagpatuloy sa ginagawa'ng paghuhugas.

     "Sana hindi nalang siya naging anak ni Ma’am Danita. Pero kung nandito kaya ang Kuya niya, magiging kasundo ko kaya 'yun o mas masahol pa 'yun kay Kevin?” bigla ko na naman'g naisip.

   Bumuntong-hinga ako.

     "Hanggang tanong lang ako, wala naman'g sasagot sa'kin."



Matapos ko'ng maghugas at malinis ang kitchen sink ay pinatay ko na ang ilaw sa kusina at dining. Pabalik na dapat ako sa kwarto ko pero nakarinig ako ng ingay sa loob ng kwarto ni Kevin. Naging interesado ako at eksakto naman'g hindi nakasara ang pintuan niya kaya sumilip ako.

   Hindi ko halos mapigil ang sarili ko sa kakatawa nang makita ko'ng sumasayaw si ulupong. Para siya'ng timang habang sumasayaw.

   Hay naku, sa tuwing naiisip ko na sumasayaw siya ng Low, para ako'ng mababaliw sa kakatawa. Buti na lamang at hindi niya ako napansin na sumisilip sa kanya dahil kung hindi ay rambol na naman siguro ang mangyayari. Nakatalikod lang kasi siya sa may pintuan habang nagsasayaw. Sinara ko na nang maayos ang pinto niya at pumunta na ako sa kwarto ko habang wala'ng habas pa rin ako sa kakatawa.

     “Nakakaloka 'yun'g lalaki'ng 'yun, may ganun din pala siya'ng talent ha?” nakangisi ko'ng sabi.

   Kapag sumasagi sa isipan ko ang itsura niya. Ay naku, nababaliw ako sa kakatawa.

   Bago'ng araw na naman, habang inilalagay ko sa ref ang mga natira'ng pagkain namin sa almusal ay dumating si Kevin at kumuha ng prutas. Bigla ko'ng naalala ang nakita ko sa nagdaan'g gabi kaya inasar ko siya.

   Chance ko nang bumawi this time.

     “Shawty got low low low low low low low.” pagkanta ko habang nilalagay ang mga pagkain.

   Matalim na tumingin sa’kin si Kevin at pinipigil ko pa rin ang tawa ko.

     “O bakit? Kumakanta lang naman ako ah....low low low low.” sagot ko.

   Hindi siya kumibo at umiwas na ako ng tingin sa kanya para hindi na ako matawa.

     “Hoy, nang-iinis ka ba?” pikon niya'ng tanong sa’kin.

     “Naiinis ka? YES!” nakangisi'ng sagot ko.

   Mas lumala ang galit sa mukha niya at lumapit sa’kin.

     “O, kalma lang, sasayawan nalang kita.”

     “Tumigil ka.” pikon na sabi ni Kevin at mabilis na umalis ito.

     “Uy, Mr. Low low low low!” nakatawa ko'ng pagtawag pero hindi na lumingon si Kevin.

    “Yan, buti nga sa’yo. Akala mo siguro nakalimutan ko na ‘yun'g pagti-trip mo sa’kin kahapon ha? Pwes it’s payback time, bwahahahaha.” litanya ko sa sarili ko at sinara ko na ang ref.






(K E V I N)

Mukha'ng nakahanap ng pangganti si Hani sa’kin. Pagdating sa kwarto ko ay parang nanginginig ang laman ko sa sobra'ng inis! Kinuha ko ang kumot sa kama at hinampas sa sahig saka ko pinagtatadyakan ‘yun.

BOOK 1: The Him who loves HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon