16: Let's Study

1.6K 34 2
                                    

( H A  N  I )

Ilan'g buwan na rin ang lumipas mula nang magsimula ang una'ng semester. Ganun pa rin kami ni Kevin, wala'ng pinagbago—away dito, away dun, at paulit-ulit na nagbabatuhan ng asaran sa isa’t isa.

   Sanay na rin kami sa hobby namin'g 'yun. Milagro nalang kung dadaan ang isa'ng araw na wala kami'ng ni isa'ng awayan na naganap.

   Sa Jacksbridge naman, nagkakaro'n na'ko ng mga kaibigan. May bago na rin ako'ng mundo na talaga'ng kinaaaliwan ko. Dahil first year student pa lang din naman ako, siyempre hindi pa ganun ka-torture ang klase. Kaya 'yun'g oras ko, nilalaan ko sa bago'ng mga tao sa buhay ko.

   Pero hindi ako naghahanap ng jowa. Hindi naman 'yun ang kailangan ko.

   Speaking of, isa'ng beses ay binigyan ako ni Boom nang isa'ng piraso ng rosas na malalaki ang petals. Ecuadorian rose raw ang tawag dun.

     “Hala, ba’t may ganito?” tanong ko nang hawakan ko na ang bulaklak. Akala ko fake 'yun, sobra'ng ganda kasi, parang hindi na totoo.

     “Gusto kasi kita'ng ligawan.” ang nakakagulat na pag-amin ni Boom sa’kin.

     “Ha?!” nalaglag 'yun'g panga ko.

     “Pero hindi naman ako nagmamadali sa sagot mo. Take your time, basta ang gusto ko lang ay malaman mo na gusto kita.”

     “Hindi ka ba tinotopak o ano?”

     “Masama ba'ng mag-express ng feelings?”

     “Hindi naman, depende kung seryoso.”

     “Tingin mo hindi ako seryoso?”

     “Ewan ko, pero teka lang Boom ah? Lima'ng buwan pa lang kasi tayo'ng magkakilala tapos manliligaw ka kaagad.”

     “Kaya nga liligawan kita diba? Para mas makilala mo pa ako, tingnan natin kung compatible tayo.”

     “Kasi, ano, hindi naman ako tumatanggap ng mga manliligaw.”

     “'Yun, 'yun pala ang sagot mo.”

     “Ha?”

     “Basted na ako.”

   Namilog ang mga mata ko.

     “Sige, dun na ako sa upuan ko.” ni hindi man lang hinintay ang sagot ko.

   Sa pag-alis ni Boom, naiwan naman ako'ng nagtataka habang hawak-hawak ang red rose.

     “Weirdo din ng lalaki'ng 'yun... pareho sila ni Kevin.” puna ng isipan ko.

   Buti nalang din siguro 'yun ang nangyari, siya na mismo ang nagsabi na basted siya, kesa manggaling sa’kin na basted nga siya. Ayoko naman talaga kasi'ng pumasok sa mga relasyon'g-relasyon'g ganyan.

   Ang awkward.

   Ay, ewan. Basta mag-aaral lang ako sa Jacksbridge, yun lang.

  






Nagpaalam na ang hari'ng araw. Nasa loob na rin ako ng kwarto ko, habang nakaupo ako sa kama ay napansin ko ang bag na may nakausli'ng bulaklak ng rosas. Hinila ko 'yun at kinuha ang bulaklak.

   Biglaan ba naman'g bumukas ang pintuan ng kwarto ko? Dali-dali ko'ng tinago ang bulaklak sa likod ko.

     “Hmm, baby girl ano 'yan?” usisa ni Tita Danita.

BOOK 1: The Him who loves HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon