2: Her

2.6K 48 0
                                    

 ( H A  N  I )

Pagpatak ng 4:00 am ng umaga, tumunog na ang alarm clock ko. Buti nalang talaga at hindi ako mahirap gisingin. Mukha'ng nasanay na rin naman ang sistema ko sa pagtulog ng late at paggising ng madali'ng araw.

   Ako si Hani Mirasol, 19 years old. High school graduate ang highest educational attainment ko. Ulila na ako sa mga magulang at tanging ang tiyahin ko nalang ang siya'ng kamag-anak ko na kasama ko sa buhay.

   Madali'ng araw pa lang gising na ‘to'ng diwa ko, normal nalang sa’kin ang matulog ng kulang-kulang anim na oras. Kaya nga siguro hindi ako tumataba at hindi rin tumatangkad kasi kulang ako sa nutrisyon. Eh pa’no, kailangan ko'ng kumayod, kailangan ko'ng kumita.

   4:00 am ang oras na gumigising ako para maghanda na para sa una ko'ng trabaho.

   Oo, una ko'ng trabaho, bakit? Eh kasi lang naman po, marami ako'ng trabaho. Hindi ko naman mapagkakasya ang sweldo ko kung sa isa'ng part time job lang ako dedepende.

   FIRST WORK: Taga-deliver ng gatas at diyaryo sa isa'ng malaki'ng subdivision.

   Pero bago ako umalis ng apartment na tinutuluyan ko, nagluluto muna ako ng ulam na iiwan ko para sa kasamahan ko'ng si Ate Rana. Siya 'yun'g naging kasama ko sa pakikipagsapalaran sa mundo ng syudad ng Marikina at siya din ang kahati ko sa pagbabayad ng renta sa apartment.

     “Bago'ng umaga na naman Hani, kailangan'g galingan mo sa araw na’to, ngiti ka, ngiti ka lang, kaya mo yan!” 'yan ang palagi ko!ng sinasabi sa sarili ko kapag nasa labas na ako ng pintuan ng apartment.

   Kailangan ko'ng e-motivate ang sarili ko, kailangan hindi ako magpadala sa lupit ng hamon ng mundo. Kailangan maging strong ako.

   Naks.

   Quarter to 5 am ay nasa tindahan na ako ni Sir Lotie, and intsik ko'ng amo na siya'ng nagsu-supply ng diyaryo at gatas. Isa'ng buo'ng subdivision ang ibinibigay sa’kin na siya'ng pinagdedeliveran ko ng mga 'yun. Kaya dapat before 7 am matapos ko na lahat 'yun para hindi ako malintikan ng masungit na intsik ko'ng amo.

   Isinasakay ko ang mga supply sa side car ng motor na siya'ng service ko. Hindi naman talaga ako maruno'ng magpaandar ng motor, pero natuto nalang ako kasi kailangan ko'ng matuto para sa trabaho ko.
Halos kilala na nga ako ng mga kasambahay ng subdivision na’yun eh.

     “Good morning, Ate Ganda!” palagi ko'ng bati sa kanila.

   Kung minsan naman kay Manong Guard, Kuya Guard, Security Pogi, Lolo Guard, Macho Guard, Sexy Guard ko iniiwan ang gatas at diyaryo. Hay, maswerte ang mga mayayaman'g ‘to, may guard talaga ang mga bahay, hindi na nakuntento sa sekyo na nasa entrance ng subdivision nila.

   Five minutes bago mag-alas siyete ay nakabalik na ako sa tindahan ni Intsik Sungit, at kailangan na bago ako umalis ay linisin ko muna daw ang service na ginamit ko. Siyempre hindi na ako nagreklamo, ilan'g beses na din niya'ng kinaltasan ang sweldo ko dahil madalas ako'ng magreklamo sa kanya. Ayoko kasi nung inaagrabyado ako at hindi ako natatakot na magsalita kung tingin ko kailangan ko'ng lumaban at ipagtanggol ang sarili ko.

   7:15 am, natapos na ako sa trabaho ko kay Intsik. At kailangan ko nang magsimula'ng maglakad pauwi sa apartment. 'Yun'g pamasahe ko kasi hindi pang back and forth, nagko-commute lang ako papunta sa trabaho ko kay Intsik para hindi ako ma-late pero kapag pauwi na, nilalakad ko nalang kahit na alam ko na kakain ito ng halos kalahati'ng oras ko. Binibili ko nalang ng tinapay ang otso pesos na meron ako kesa sa mag-commute. Tutal may pandesal naman na tigda-dalawa'ng peso, eh di may apat na pandesal na ako nun. Swak na ‘yun para sa buo'ng araw ko'ng baon.

BOOK 1: The Him who loves HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon