6: Her living with Him

1.7K 32 2
                                    

( H A  N  I )

Hindi ko talaga akalain na makakarinig ako nang ganoon'g balita kanina habang nag-aalmusal ako kasama ang pamilya nina Ma’am Danita. Ngayon'g nasa loob na ulit ako ng kwarto na tinuluyan ko sa nagdaan'g gabi, hindi pa rin talaga nagsi-sink in sa’kin ang lahat.

   Sa araw na ‘to, dito na ako titira?

   Sa isip ko nun, parang sobra-sobra naman ata sa jackpot ang natanggap ko. Matutuluyan lang naman ang hinahanap ko, pero ngayon pati isa'ng pamilya natagpuan ko rin.

   Umupo ako sa kama at kumandong ng isa'ng unan habang naglalaro ng Miki’s world sa cellphone ko. Malapit na sana ako'ng manalo pero nakarinig ako ng malalakas na katok sa pintuan. Napatingin ako sa pinto at kumunot ang noo ko.

     “Tiyak 'yun'g ulupong na ‘yun na naman ang nasa labas.” hula ko pagkatapos ay umalis ako sa kama para pagbuksan ang kumakatok.

   At hindi nga ako nagkamali.

     “Si ulupong nga.” ang nasa loob ng isipan ko.

     “Ano'ng kailangan mo?” pagtataray ko nang makita ko ang galit niya'ng mukha.

     “Ikaw kutonglupa--”

     “Hani ang pangalan ko.”

     “Ah basta, kutonglupa ka pa rin. Hindi ko alam kung ano'ng ginawa mo'ng panglilinlang sa parents ko, pero ito'ng tandaan mo, hindi ako madadala sa pagbabait-baitan mo.”

   Ganun?

     “Hindi ko kailangan'g magbait-baitan dahil likas ako'ng mabait, at sa tingin mo ba natutuwa ako'ng makasama ka sa bahay na’to?” sagot ko.

     “Eh 'di umalis ka.”

     “Pag umalis ako, ikaw ba ang mananagot sa Mama mo?”

     “Sipsip ka talaga.”

     “Hindi ko kasalanan kung nagustuhan ako ng Mama mo.”

     “Plastic, kapag nandiyan si Mama ang bait-bait mo kunwari, parang hindi tumataas ang boses mo, pero kapag tayo'ng dalawa lang ang tinis-tinis ng boses mo, kaliit-liit mo'ng babae ang lakas ng boses mo!”

     “Hindi ako plastic, ayoko lang maging bastos. Sa tingin mo kapag inaway din kita sa harap ng Mama mo matutuwa ba siya? Para matahimik ka, kung ako sa’yo 'wag nalang tayo'ng magpakialaman, kung ayaw mo sa’kin ayoko din sa’yo. At isa pa, hindi ko papatulan ang Baby boy na kagaya mo. Isip bata!” ika ko at sinara ang pintuan.

     “Hoi Hani! Hani! Buksan mo 'to!” galit niyang utos habang kinakatok ang pinto.

    “Ewan ko sa’yo.” bulong ko sa sarili.

(K E V I N)

Talaga'ng hinahamon ako ng babaeng ‘to. Tumigil ako sa pagkatok at sinuntok nalang ng isa'ng beses ang pintuan bago ako bumalik sa sarili ko'ng kwarto. Hindi ako papayag na maisahan ni Hani kaya dapat mag-isip ako ng paraan para makabawi sa kanya.

   Pagdating ko sa Jacksbridge banda'ng alas diyes ay nakwento ko kay Clark ang tungkol sa ginawa ni Mama.

     “Talaga? Nag-ampon si Tita?”

     “Oo.”

     “Ilan'g taon na ang bata?”

     “Ano'ng bata? Malaki na 'yun'g babae'ng 'yun noh.”

     “Huh?”

     “20 years old na siya, 'yun ang sabi ni Mama. Pero kung titingnan mo siya, hindi mo aakalain na nasa husto'ng edad na pala ang kutonglupa'ng yun, isip bata kasi.”

     “May kalaban ka na pala sa pagiging isip bata mo.”

     “Hindi ako isip bata.”

     “Hindi daw.”

   Mas lalo'ng kumunot ang noo ko, at binuksan nalang ang libro'ng babasahin ko.

Sa pag-uwi ko ng bahay ay wala na naman'g tao ako'ng nadatnan. Ngayon alam ko na kung ba’t sa nagdaan'g mga araw ay halos buo'ng araw si Mama sa pastry shop, dahil pala nandun si Hani.

   Oo ayoko'ng gawin ako'ng baby ni Mama, pero ayoko rin naman na kalimutan niya ako. At ipagpapalit lang pala niya ako sa babae'ng yun.

  

  




Nagkulong ako sa family room at naglaro, nami-miss ko na tuloy si Kuya Kenjie. Wala na ako'ng kasama sa paglalaro. Wala na ako'ng kausap, hindi ko naman maasahan 'yun'g babae'ng kutonglupa'ng 'yun, magkakasakitan lang kami'ng dalawa.

   Speaking of that creature, ay nakita ko nga siya sa may pintuan ng family room ilan'g minuto ang lumipas.

     “Ano'ng ginagawa mo rito?” maangas na tanong ko sa kanya.

     “Bago ka mag-alburoto diyan, inutusan lang ako ng Mama mo. Kakain na daw.”

     “Tapos na siya'ng magluto?”

     “Malamang.”

     “Aba.”

     “Bumaba ka na.” at mabilis ako'ng tinalikuran.

   Bwesit talaga 'yun'g babae'ng 'yun.

     “Kainis! Natalo pa ako!” galit ko'ng reaksyon nang makita ko'ng game over na ang nilalaro ko. Talaga'ng malas 'yun!g babae'ng 'yun.

   Inis ako'ng lumabas ng family room at bumaba para pumunta sa dining room namin.

     “Kevin maupo ka na.” utos ni Papa.

   Sinulyapan ko si Hani at nakatuon ang mga mata niya sa pagkain'g nasa mesa.

     “Mama, ba’t gumawa kayo ng salad?” tanong ko.

     “Eh kasi baby boy, ang sabi sa’kin ni baby girl, mahilig siya sa gulay kaya gumawa ako ng Green Bean and Corn salad.”

   Matalim ako'ng tumingin kay Hani, siya pala ang dahilan ng lahat.

( H A  N  I )

Kung makatingin naman ang lalaki'ng ‘to, parang nakapatay ako ah.

     “Um, Ma’am Danita hi---”

     “Tita, Tita Danita.” pagputol ni Ma'am Danita sa sasabihin ko.

     “Ho? Eh...." talaga'ng nag-aalangan pa ko'ng tawagin siya'ng Tita, nakakahiya naman kasi. Pero nang agad naman'g ngumiti si Ma'am Danita, mas nakakahiya naman kung tatanggihan ko siya. "Um...Tita Danita. Opo mahilig ho ako sa gulay pero hindi po ako sanay sa mga salad salad na 'yan. Fruit salad, buko salad lang po 'yun'g kinakain ko.”

    Ngumiti si Ma’am Danita.

     “Hani, pasensya ka na. Wala kasi ako'ng alam na luto ng gulay maliban sa salad.”

   Oo nga pala, laki sa marangya'ng buhay si Ma’am Danita.

      “Pero masarap naman 'to'ng ginawa ko, kaya kumain ka na. At baby boy, kumain ka na rin.” utos pa nya.

BOOK 1: The Him who loves HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon