13: My Mother's Baby Girl

1.8K 30 3
                                    

(D A N I T A)

Kapag naiisip ko ang ginawa ko'ng acting sa Batangas, hindi ko mapigilan'g matawa at bumilib sa sarili ko. Buti nalang at hindi nahalata ni Kevin na joke-joke ko lang 'yun'g pagkakahimatay ko.

   Nang makita ko kasi na si Big Boy ang gusto'ng tumulong kay Hani medyo nataranta ako, hindi pwede'ng mahalikan ni Big boy si Baby girl. Kahit na CPR kiss lang 'yun, considered as kiss pa rin 'yun kaya hindi maari'ng siya ang una'ng makahalik. Kay Baby boy lang si Baby girl kaya naghimatay-matayan ako.

   Kinarga ako ni Big boy at Alfonso papunta sa cottage. Idinilat ko ang isa ko'ng mata at nakita ko'ng hinalikan ni Baby boy si Baby girl kaya napangiti ako.

     “Okay na ako.”  sabi ko sa mag-ama ko.

     “Ma? Sigurado ka ba?” tanong ni Big boy sa’kin matapos nila ako'ng iupo sa bangko.

     “Oo ayos lang ako. 'Wag na kayo'ng tumawag ng ambulansya, acting ko lang naman 'yun'g kanina. Ang medics nalang ng resort ang puntahan niyo, mas kailangan ni babygirl 'yun.” nakangiti ko'ng pag-amin.

   Sabay kami'ng tumingin ni Big Boy kina Baby Boy at Baby Girl at nakita namin'g binatukan ni Baby Girl si Baby Boy kaya sabay kami'ng natawa'ng tatlo.

     “Danita, alam mo ba'ng pinag-alala mo kami?” biglang sabi ni Alfonso sa’kin.

     “Papa, hayaan mo na ako sa diskarte ko. Sumabay nalang kayo. Tsaka tingnan niyo, parang effective naman ang kiss ni baby boy eh.” kinikilig ko'ng sagot at napansin ko na papatayo na si Baby Girl kaya nagtulug-tulugan ulit ako.

   Buti nalang at hindi ako nilaglag ni Alfonso at Kenjie. Dapat ipagpatuloy ko ang nasimulan ko, kailangan sa huli sila'ng dalawa pa rin ang magkakatuluyan.

  


Isa'ng gabi, kumatok ako sa kwarto ni Baby Girl.

     “Hani, pwede ba kita'ng makausap?”

     “Oo naman po, Tita.”

   Ngumiti ako at pumasok sa loob ng kwarto ni Baby Girl.

     “Ano po'ng pag-uusapan natin?” tanong niya at sabay kami'ng umupo sa edge ng kama.

     “Naisip ko kasi, gusto ko'ng magkaroon tayo ng quality time para sa isa’t-isa, kasi alam mo hindi pa tayo nakakapag-bonding.”

     “Bonding po?”

     “Oo, matagal ko na kasi'ng pangarap na magkaroon ng isa'ng anak na babae na makakasundo ko sa lahat ng bagay. Kaya nang dumating ka sa buhay ko ay sobra'ng saya ko. Oo, paulit-ulit ko nalang sinasabi ‘to, pero talaga'ng ang saya-saya ko na nandito ka.”

   Ngumiti si Hani.

   Oh, ang sweet-sweet talaga ng smile niya.

     “Ako rin po, masaya ako’t nakilala ko kayo.”

     “So bukas, pupunta tayo ng mall, tomorrow is our mother and daughter day.”

     “Sige po.”





(K E V I N)

Papunta ako sa patio ng bahay namin isa'ng umaga para magpahangin pero napansin ko sina Mama at Hani sa garahe at parang aalis. Nagtaka ako at lumapit sa kanila.

     “Aalis kayo?” tanong ko.

   Napatingin si Mama sa’kin at nakangiti'ng sumagot.

BOOK 1: The Him who loves HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon