18.2

1.3K 31 0
                                    

(K E V I N)


Nilalagnat daw siya, 'yun ang sabi ni Mama. Siguro dahil talaga ‘to sa naulanan siya. Pero ang bilis naman niya'ng madapuan ng sakit, siya nga 'to'ng mahilig sa gulay kaya dapat matibay ang resistensiya niya.

   Patulog na dapat ako pero bigla ko'ng naisip si Hani. Kahit papa'no'y pakiramdam ko may kasalanan ako kung bakit siya nagkasakit.

   Lumabas ako ng kwarto at sinilip siya sa loob ng kwarto niya. Nakita ko'ng magkatabi sila ni Mama sa pagtulog habang may nakalagay na bimpo sa noo niya.

   Ngumiti ako.

     “Buti nalang nandito na si Mama.” mahina'ng sabi ko at sinara ko na ulit ang pintuan.

   Pagdating ko sa kwarto ko ay naalala ko ang sinabi ni Hani sa’kin sa Batangas.

   “...Ni minsan hindi ako nakaranas nang isa'ng buo'ng pamilya, mahirap 'yun'g lumaki ka na wala'ng matawag na Mama. Lalo na nung nagdalaga na ako, wala ako'ng makausap tungkol sa mga pagbabago sa katawan ko at sa mga nararamdaman ko. Kapag may sakit ako, wala ako'ng nakakasama'ng ina na yayakap sa’kin at mag-aalaga….”

   Nang maalala ko ang sinabi niya'ng 'yun, parang may kumurot sa puso ko at bigla ako'ng naluha.

   Ang hirap-hirap siguro nang pinagdaanan niya nun, ilan'g luha kaya ang nailuha niya kapag nagkakasakit siya at wala man lang siya'ng ina na nasa tabi niya?




( H A  N  I ) 

Nagising ako na katabi ko si Tita Danita, naramdaman ko rin ang bimpo na nasa noo ko.

   Ngumiti ako at tiningnan ulit si Tita.

   Unti-unti'ng namuo ang luha sa mga mata ko.

     Buti nalang at sa pagkakataon'g ‘to, nandito kayo. Thank you po.” ang nasa loob ng utak ko habang naluluha'ng tinititigan ang tulog na si Tita Danita.

   Umalis ako ng kama at pumunta ng banyo para maghilamos at magsipilyo. Kaso bigla ako'ng nahilo, ang bigat-bigat talaga ng pakiramdam ko at bigla-bigla'ng umiikot ang paningin ko. Napahawak ako sa lababo at pumikit ng ilan'g segundo. Sa pagdilat ko ay okay na rin naman ang paningin ko kaya tinapos ko na ang pagsisipilyo.

  
    




“Baby girl, ok ka na ba?” tanong agad ni Tita habang bumabangon at kakalabas ko lang sa banyo sa punto'ng 'yun.

     “Medyo mabigat pa po 'yun'g pakiramdam ko.”

   Nilapitan ako ni Tita Danita at dinampi ulit ang palad niya sa noo ko.

     “Mainit ka pa rin, 'wag ka nalang kaya'ng pumasok sa klase, wala ba kayo'ng exam ngayon?”

     “Wala naman po siguro.”

     “Mabuti, magpahinga ka na muna ha?”

     “Opo.”

   Kahit na gustuhin ko'ng pumasok, ang bigat-bigat talaga ng katawan ko. Gusto ko nalang matulog.








(K E V I N) 

Nang bumaba na ako para kumain ay napansin ko'ng wala pa rin si Hani sa upuan niya. Hindi nalang muna ako kumibo at umupo na ako sa bangko ng tahimik at kumuha ng almusal. Di nagtagal ay dumating si Mama na may dala'ng wala'ng laman na baso at balat ng orange.

     “Baby boy, Papa, kumain kayo ng mabuti ha? Kailangan malakas ang katawan niyo para hindi kayo magkasakit.” paalala ni Mama.

     “Ma, hindi pa rin po ba okay si Hani?” tanong ko.

     “May lagnat pa rin siya kaya hindi ko na muna pinapasok.”

     “Okay.” at nagpatuloy na ako sa pag-aalmusal.

   Matapos ko'ng kumain ay bumalik ako sa itaas para silipin si Hani sa kwarto niya.

   Bahagya ko'ng binuksan ang pintuan para silipin lang siya, nadatnan ko nga siya'ng natutulog na nakatagilid.

     “Tinatablan din pala siya ng sakit.” 

   Inakala ko na sa pag-uwi ko ng bahay kinagabihan ay isa'ng masigla at nakangiti'ng Hani ang makikita ko ulit—pero hindi nangyari 'yun. Wala si Hani sa sala, sa kusina, o sa maliit na living room ng second floor—kundi nasa kwarto lang niya siya. Natutulog at hindi pa rin nawawala ang lagnat. Kami'ng dalawa lang ni Papa ang palagi'ng magkasabay sa pagkain kasi ang atensyon ni Mama ay na kay Hani.

   Dalawa'ng araw ko na siya'ng hindi nakikita'ng masigla, dalawa'ng araw ko na siya'ng hindi nakakasabay sa pagkain at dalawa'ng araw ko na rin'g hindi naririnig ang mga inis at pikon niya'ng boses.

   Para tuloy’ng nawalan na rin ako ng gana at parang magkakasakit na rin ata ako.

——

BOOK 1: The Him who loves HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon