8.3

1.3K 27 0
                                    

(K E V I N)

Bumalik si Hani na may dala'ng pineapple juice at padabog pa na nilapag ang baso sa mesa.

     “Thank you.” may ngiti sa mga labi ko.

   Ngumiti rin si Hani, isa'ng peke'ng ngiti.

     “Kung may kailangan pa po kayo, tawagin mo lang ako.”

     “Sure.”

     “Okay  sir.”  sagot niya sabay talikod.

     “Hani.” pigil ko.

   Napansin ko ang pagbuntong-hinga niya bago ako lingunin.

     “O ano na naman?” pagod na ang boses niya.

     “Para ka'ng uto-uto.”

     “Ano?!”

     “Joke.”

     “Ano ba kasi'ng ginagawa mo rito?” nagtitimpi niya'ng tanong.

     “Nakikigamit ng WiFi, tutal ako rin naman ang may-ari nito kaya makikinabang na rin ako sa WiFi namin diba?”

     “Ah ganun ba? Geh, sana mag-enjoy ho kayo, sir ha?” sarkastiko niya'ng sagot.

     “I will.”

   Ngumiti sya nang pasarkastiko rin at tumalikod na pagkatapos.

   Ang sarap-sarap lang talaga niya'ng asarin.

   Na-miss ko 'yun'g ganun.

   Tiyak pag-uwi na naman namin sa bahay, hindi na naman kami magpapansinan. Pero at least, naasar ko siya kahit ngayon lang.

  



Dumaan ang mga araw mula nun, nang minsa'ng papunta ako sa isa'ng klase na classmate ko si Clark, may nakwento siya sa’kin na siya'ng ikinainis ko.

     “Kibin, kailangan natin'g sayawin 'yun'g Low.” salubong ni Clark.

     “Ayoko, hindi niyo 'ko mapipilit na sayawin 'yun'g ganun, nakakahiya.”

     “Lahat naman tayo mapapahiya.”

     “Ayoko talaga.”

     “Pag-isipan mo, para sa finals din natin 'yun, kung gusto mo'ng grumaduate eh di sumayaw ka.”

   Ang laki pa naman ng merits ng practical exam. Ba’t ba kasi napasok ko ang subject na ‘yun? Magiging balakid pa ‘yun sa pag-graduate ko.

   Sa kwarto ko kinagabihan, napag-isip-isip ko ang tungkol sa sayaw. Nakapag-OJT na'ko, halos wala ng sagabal sa pag-abot ko sa diploma ko. Kaso bakit kailangan ko pa'ng sumayaw?

     “Kung sasayaw ako, mapapahiya ako sigurado at ayoko'ng pagtawanan ako. Bakit ba kasi ang tigas-tigas ng katawan ko?” reklamo ko sa sarili hanggang sa may kumatok sa pinto.

     “Sino 'yan?” tanong ko.

     “Si Hani ‘to.”

     “Ano'ng kailangan mo?”

     “Kakain na, bumaba ka na.”

     “Susunod na'ko.”

   Hindi ko na muli narinig ang sagot niya.

   Sa dining area ko na nga ulit siya nakita.

     “Nasa’n si Mama?” pagtataka ko nang siya lang mag-isa ang nadatnan ko'ng naghahain.

     “May meeting pa siya, at mukha'ng matatagalan pa 'yun kaya sabi niya mauna nalang daw tayo'ng kumain. Inutusan niya ako'ng magpadeliver nalang daw.”

     “Ok.”

     “Good mood ka ata.”

     “Pakialam mo ba?”

     “Sana hindi nalang ako nagsalita.”

     “Sana hindi na nga lang. Kumain ka na nga lang diyan.”

     “Ewan ko sa’yo!”

   Tahimik kami'ng kumain at si Hani ang umubos sa salad na inorder niya sa pizza chain. Mas tinuon ko ang atensyon ko sa pizza at sa Italian pasta. Tingin ko pinaglihi sa kambing ang kutong-lupa'ng 'to, ang hilig-hilig kumain ng dahon. Hindi naman masarap 'yun.

     “Ikaw ang maghugas ng pinggan.” utos ko sa kanya sabay tayo nang matapos na'ko sa pagkain.

     “Ha?”

     “Bakit? Sino ba'ng dapat? Ako? Eh sino ba'ng anak ng may-ari ng bahay na’to?”

   Napabuntong-hinga siya at tumayo. Iniligpit nga niya ang mga pinagkainan.

     “Yun nga ang sabi ko, ako 'yung maghuhugas.” sagot niya.

   Umalis na ako sa dining area at papaakyat na sana ng hagdan pero natigilan ako at bumalik sa kusina para silipin si Hani.

     “Okay lang 'yan, Hani. Makakarma rin 'yun'g ulupong na ‘yun. Mabait ka naman eh kaya tiyak papalarin ka.” narinig ko'ng sabi niya sa sarili habang nagsisimula ng maghugas ng pinggan.

   Napangiti lang ako at iniwan na siya nang tuluyan.

----

BOOK 1: The Him who loves HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon