7: A Sunday with Her!

1.6K 26 1
                                    

(K E V I N)

Keaga-aga, ginising ako ni Mama sa pagkakatulog ko. Kiniliti niya pa ang tenga ko para masiguro'ng babangon ako.

     “Mama!” pagreklamo ko sa kanya habang inaantok pa ako.

     “Baby boy, bumangon ka na.”

     “Inaantok pa ako, wala naman'g pasok ngayon eh.” sabay takip ng mukha ko gamit ang unan.

     “Pero may lakad tayo.”

     “Sa’n naman po?” pikit-mata ko'ng sagot.

     “Sa grocery store.”

     “Ano naman'g gagawin natin dun?”

     “Manunuod ng sine?” pilosopa'ng tanong ni Mama.

   Kunot-noo ako'ng napatingin sa Mama ko kaya ito natawa at ipinatong ang kamay niya sa balikat ko.

     “Baby boy, siyempre magro-grocery tayo.”

     “Ba’t hindi nalang si Papa ang isama niyo?”

     “Late nang nakauwi at nakatulog ang Papa mo kagabi kaya hindi ko nalang muna siya ginising. Kawawa naman 'yun'g lalaki'ng mahal ko kung kukulitin ko pa siya, diba? Eh andito ka naman na alam ko'ng maasahan ko.”

     “Inaantok pa ho ako.” sabay talikod sa nanay ko pero hinila niya ang kumot at hinila rin ang mga kamay ko.

     “Bangon na, baby boy.”

     “Mama!”

     “Bumangon ka na.”

     “Ayoko nga ho.”

     “Bangon na!”

   Napabalikwas ako at inis na tiningnan si Mama.

     “Bumangon ka na diyan at gisingin mo na rin si baby girl.”

     “Ano? Ba’t ako ang gigising sa kutong-lupa'ng yun?”

     “Para naman maging close kayo.”

     “Hindi, ayoko. Hindi ako makikipag close sa babae'ng 'yun.”

   Isa'ng palo sa balikat ang natanggap ko mula kay Mama nang sagutin ko siya ng ganun.

     “Sumunod ka nalang sa utos ko.”

     “Ba’t hindi nalang kasi kayo ang gumising sa kanya? Tutal expert naman kayo sa paggising ng mga natutulog, diba? At isa pa, nasa katabi'ng kwarto lang naman ang kwarto niya.”

     “Eh sa gusto ko na ikaw ang gumising sa kanya.”

     “Ayoko nga ho.”

     “Baby boy, sa ayaw at sa gusto mo, ikaw ang gigising kay baby girl, dun muna ako sa kusina at ipagtitimpla ko kayo ng mainit na gatas bago tayo bumiyahe papunta sa grocery store.”

     “Kami? Bakit, Ma? Sasama ba siya sa’tin?”

     “Aba of course.”

   Napabuntong-hinga ako sabay higa ulit.

    “Baby boy, hihintayin ko kayo sa kusina ha? Don’t take too long. Bye.” nakangiti niya'ng paalala bago tuluyan'g umalis ng kwarto ko.

  





Nang wala na si Mama ay inilapat ko ang braso ko sa nakakunot ko'ng noo.

     “Hindi ako baby sitter ng babae'ng 'yun kaya ba’t ko siya kailangan'g gisingin? Hindi naman siya kaano-ano ng pamilya namin.” reklamo ko.

   Tumunog ang intercom ng kwarto ko at nakakunot pa rin ang noo ko habang tinitingnan ang nasabi'ng bagay na nasa dingding malapit sa pintuan ko. Napabuntong-hinga ako at sinagot ang tawag.

     “Po.” wala'ng gana ko'ng sagot.

     “Baby boy, gisingin mo na si baby girl. Okay?” malambing na sabi ni Mama.

   Umiling-iling ako at sumagot kay Mama.

     “Opo.” labas sa ilong ko'ng sagot.

     “Very good!”

   Pumunta muna ako ng banyo upang maghilamos at magtoothbrush na rin bago  lumabas ng kwarto.

   Kumatok ako sa pintuan ni Hani ng tatlo'ng beses pero wala'ng nagbubukas ng pinto.

   Inilapat ko ang tenga sa pintuan.

   Mukha'ng himbing na himbing ang tulog ng kutong-lupa.

   Napabuntong-hinga ako at malakas na kinatok nang paulit-ulit ang pintuan.

   Nakakailan'g katok na ako bago tuluyan'g magbukas ang pinto.

   Nang makita ako ni Hani ay napabuntong-hinga siya.

     “Ba’t ganyan ang reaksyon mo? Akala mo ba gusto ko din'g makita ang pagmumukha mo sa ganito'ng kaaga?” agad na sinabi ko, halata naman kasi sa mukha niya na nainis siya'ng makita ako.

     “Ano ba'ng kailangan mo?” tanong niya.

     “Wala ako'ng kailangan sa’yo, pero si Mama meron, maligo ka daw at pupunta tayo sa grocery store.”

   Nanlaki ang mga mata niya at sumagot.

     “Tayo'ng dalawa lang?”

     “Siyempre hindi, sa tingin mo papayag ako na tayo'ng dalawa lang?”

     “At sa tingin mo rin papayag ako?”

   Kamuntikan ko'ng itaas ang kamay ko para sana suntukin o batukan siya pero nagpigil lang ako. Kapag talaga tumataas na ang boses niya, doble ang bwesit na impact nito sa’kin.

   Tumaas ang isa'ng kilay niya habang nakakunot ang noo.

     “Tss, sige na maliligo na ako, titiisin nalang kita.” nasabi nalang niya at sinara na ulit ang pinto.

   At utang ko pa pala sa kanya kung magtitiis siya?


( H A  N  I )

“Ganito nalang ba talaga ‘to Hani? Araw-araw, sa bawat paggising mo, kinakailangan mo'ng makita ang pagmumukha ng ulupong na ‘yun? Hindi ba talaga pwede'ng buo'ng swerte ang makuha mo? Dapat ba talaga may kasabay na malas?” tanong ko sa sarili habang nakaupo sa toilet at umiihi.

BOOK 1: The Him who loves HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon