11: Infatuation

1.6K 36 0
                                    

(D A N I T A)

“Papa, kakausapin ko muna sandali si Kevin ha? Babalik din ako agad.” sabi ko kay Alfonso na naghihiwa ng blue cheese.

     “Sige, Mama.”

   Kanina ko pa kasi binabantayan ang kilos nina baby boy at baby girl, at halata'ng hindi sila nagpapansinan. Eh halos palagi naman sila'ng nag-aaway at nag-aasaran nung mga nakaraan'g linggo kaya na-curious ako kung ba’t wala'ng awayan na nangyari sa kanila'ng dalawa. At mukha'ng si baby boy ang may kasalanan kaya kailangan ko siya'ng kausapin.

   Agad ako'ng pumasok sa kwarto ng anak ko nang hindi kumakatok at nadatnan ko siya'ng nagsusulat na naman habang nakaupo sa bangko na nasa study table niya.

     “Ma, hindi na naman kayo kumatok eh!" naaasar na naman sya.

     “Baby boy, umamin ka, inaway mo na naman si Hani noh?”

     “Bakit ba alala'ng-alala kayo sa kanya? Magiging okay din ho 'yan bukas.”

     “Kevin, diba nga sinabi ko sa’yo na 'wag mo nang aawayin si Hani?”

     “Hindi ko siya inaway, pinipikon ko lang siya...hindi ko naman akalain na seseryosohin niya 'yun'g sinabi ko.”

     “Ewan ko na sa’yo! Hindi ko na alam ang gagawin ko! Bahala ka!” naiinis ko na rin'g sabi at agad na lumabas ng kwarto niya.

   Ewan ko nga ba sa bata'ng 'yun kung ba’t napakagulo ng ugali. Hindi naman ganun ang ugali ko nang magdalaga ako at malamang hindi rin ganun ang ugali ni Alfonso. Kaya ewan ko kung sa’n nagmana 'yun'g bata'ng 'yun. Kung tutuusin, eh ang dali-dali lang naman'g maging mabait sa babae kaya ba’t hindi niya magawa 'yun?









(K E V I N)

Pati si Mama naiinis sa’kin. Pinipikon ko lang naman si Hani at gusto ko'ng maniwala na kasalanan niya kung napikon siya. Ayoko'ng tanggapin na sa pagkakataon na 'to, hindi ko maipagtatanggol ang sarili ko.

   Pahiga na dapat ako sa kama pero parang may pumigil sa’kin.

     “Gising pa kaya siya?” tanong ko sa sarili.

   Tumingin ako sa pintuan ko at nag-isip.

   Lalapitan ko ba siya? Kakausapin ko?

   Hindi. 'Yun ang sagot ng isipan ko.

   Pero hindi ako makatulog.

   Iniisip ko siya. Lalo na 'yun'g mukha niya kanina.

   Bumuntong-hinga ako at lumabas ng kwarto para sana kausapin na si Hani at mag-sorry sa kung ano'ng meron man'g nagawa ko na hindi niya gusto.

  



Nang nasa labas na ako ng pintuan niya ay para naman'g naging semento ang buo'ng katawan ko. Ni hindi ko halos maigalaw ang mga kamay ko para sana makatok ang pintuan. Nagdadalawa'ng-isip ako kung kailangan ko ba talaga siya'ng puntahan at humingi ng tawad?

   Hindi na ako kumatok, dahan-dahan ko nalang binuksan ang pintuan at tatawagin ko sana ang pangalan ni Hani kaso natigilan ako nang marinig ko na may kausap siya sa cellphone.






( H A  N  I )

“Hello, Hani, kumusta? Ba’t ka napatawag?” tanong ni Ate Rana nang tawagan ko siya.

BOOK 1: The Him who loves HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon