5.1

1.5K 29 3
                                    


(K E V I N)

Nagbabasa ako sa bureau nang bigla'ng kumatok si Mama. Lumingon lang ako at bumukas nga ang pintuan. Ang nakangisi kong ina ang pumasok.

   Kapansin-pansin talaga na ang saya-saya niya, pero bakit?

     “Baby boy, lumabas ka muna. May bisita tayo.” kinikilig niya'ng pagkakasabi.

     “Po?”

     “Basta, may ipapakilala ako sa ‘yo. Hihintayin ka namin sa sala ha?”

     “Mama.”

     “See you.” pahabol niya nang hindi nawawala ang ngiti habang isinasara ang pinto.

   Napabuntong-hinga ako at tumayo. Kapag hindi ko sinunod si Mama, hindi naman 'yun titigil hangga’t 'di niya nakukuha ang gusto niya.
  

Lumabas ako ng kwarto ko, nasa magkabila'ng bulsa ng jersey shorts ko ang mga kamay at nakasalubong ko si Papa na kasama si Mama.

     “Ma, sino ba kasi 'yun'g tinutukoy mo?” usisa ko na habang pababa na kami ng hagdan.

     “Basta baby boy, matutuwa ka rin sa kanya for sure.”

   May nakita na nga ako'ng isa'ng babae na nakatingin sa mga dingding namin sa sala.

     “Hani.” pagtawag ni Mama dun sa babae.

   At sa paglingon ng babae ay napatayo agad siya sa sobra'ng gulat.

     “Ikaw?!” sabay na sabi namin'g dalawa.

   'Yun!g babae!ng tinutukoy ni Mama, ay 'yun pa'ng mismong babae'ng kutonglupa na nakaaway ko sa ATM booth!

     “Ano'ng ginagawa mo rito?” parehong tanong pa rin namin'g dalawa.

     “Wait lang ha? Baby boy, Hani, magkakilala kayo?” tanong ni Mama sa’min.

     “Ma, siya 'yun'g kutonglupa na nang-away sa’kin sa mall.” pagsusumbong ko kay Mama.

     “Totoo ba 'yun, Hani?”

   Hindi nakasagot si Hani—yun pala ang pangalan niya—tiyak lagot siya ngayon. Baka hindi na siya kausapin ni Mama at baka paalisin pa siya nito sa bahay namin.

     “Akala ko po kasi na siningitan niya 'yun'g babae sa pila, kaya po inaway ko siya, huli na nang malaman ko na pinsan niya pala 'yun.” nahihiya siya sa pagkwento. Pinagtatanggol naman niya sarili niya.

     “O buti at umamin ka!” sigaw ko.

     “Pero nag-sorry naman ako sa’yo diba? Pero ano'ng ginawa mo? Kung ano-ano pa yung pinagsasabi mo sa’kin na kesyo may topak ako.”

     “Talaga'ng may topak ka naman talaga.”

     “Eh ano'ng tawag sa’yo?”

   Aba at naghahamon na naman 'to'ng maliit na babae'ng ‘to.

     “Hep hep, pwede ba'ng kumalma muna kayo?” pigil ni Papa Alfonso sa’min'g dalawa.

     “Sorry po.” mahina'ng sagot ni Hani.

     “Maupo muna tayo.” suhestiyon ni Papa.

   Seryoso ba si Papa sa sinabi niya? Hindi na niya dapat pa inanyayahan 'yun'g kutong-lupang 'yun na umupo sa sofa namin, dapat pinaalis na lang niya ito.

     “Baby boy, umupo ka na rin.” utos ni Mama sabay hila sa kamay ko.

   Nakabusangot naman ako noong pareho na kami'ng nakaupo.

     “Siya si Hani, empleyado ko, wala kasi siya'ng matutuluyan sa ngayon dahil pinaalis siya sa apartment na inuupahan niya.” paliwanag ni Mama.

     “Masama kasi ang ugali niyan.”  maktol ko.

     “Baby boy! Shhh.” pagsita ni Mama sa’kin pagkatapos ay kumalma ulit ang boses niya saka ipinagpatuloy ang sinasabi niya. “As I was saying nga, nawalan na siya nang matutuluyan kaya sinabi ko sa kanya na dito muna siya matulog sa bahay natin.”

   Umigting ang mga tenga ko sa sinabi ni Mama.

     “Ma! Ayoko, ayoko'ng makasama sa bahay natin ang kutong-lupang yan!” galit ko'ng reklamo sa sinabi'ng disesyon ni Mama.




( H A  N  I )

Mas lalo naman ako noh! Kapal ng mukha ng lalaki'ng ‘to.

BOOK 1: The Him who loves HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon