8.2

1.4K 26 0
                                    

( H A  N  I )

Nililinis ko ang table sa labas ng pastry shop nang makita ko'ng lumabas galing sa isa'ng taxi si Kevin.

   Nalaglag ang panga ko at sobra'ng bilog ng mga mata ko.

   Dali-dali ko'ng tinapos ang paglilinis at tumakbo pabalik sa loob.






(K E V I N)

“Ba’t kaya siya tumatakbo?” natatawa'ng tanong ng utak ko nang makita ko'ng nagmamadali si Hani.

   Pagpasok ko ng shop ay saka pa lang din nakapasok sa loob ng kusina si Hani. Tumaas ang isa'ng sulok ng labi ko at naghanap nang mauupuan.






( H A  N  I )

Nagtago ako sa loob ng kusina at isinandal ang likod ko sa dingding. Nakakainis, 'yun'g shop na nga lang 'yun'g tangi'ng lugar na pwede ako'ng maging malaya, tapos makikita ko pa ang ulupong na ‘yun.

   Grabe na talaga ‘to!

   Isa'ng malawaka'ng diskriminasyon!

     “Hani, ba’t nandito ka?” tanong ng kakapasok pa lang sa kusina na si Sabel.

     “Sabel, pakikuha naman ng order nung lalaking 'yun.” sabi ko sabay turo kay Kevin.

     “Ba’t di nalang kaya ikaw? Remember, cashier ako rito.”

     “Ayoko, danger zone 'yun.”

     “Ha?”

     “Basta.”

   Nag-isip si Sabel at tiningnan ang tinutukoy ko.

     “Ah, alam ko na! Siya si Kevin, diba?”

   Tumitig ako kay Sabel, buti naman at na gets niya agad 'yun. Si Kevin lang naman talaga ang danger zone sa buhay ko.

     “O ano? Siya diba?”

     “Kunin mo na ang order niya at baka mag-amok pa 'yan dito.”

     “Pero cashier lang ako rito.”

     “Palit muna tayo, sige na please?” pagmamakaawa ko.

   Napabuntong-hinga siya.

     “O sige na.” wala rin 'to'ng nagawa.

     “Yes, thank you for saving me. Ipapanalangin ko ang lovelife mo at magiging kapalaran ng next generation of Sabel.” mabilis na pagkakabigkas ko.

     “Ewan ko sa’yo, Hani.” natatawa siya.






(K E V I N)

Nilapitan ako ng isa'ng waitress habang may tinitingnan ako sa laptop ko.

     “Hi, sir! I’m Sabel, may I get your order?”

   Tumingin ako sa kanya at napansin ko sa likuran niya ang pintuan ng kusina, nakasilip sa parisukat na salamin ng pintuan ang kutong-lupa'ng si Hani.

     “Si Hani ba ‘yun?”

     “Po?” tanong nito pagkatapos ay lumingon din siya. “Ay, oo po, bakit ho?”

     “Gusto ko siya 'yun'g kumuha ng order ko.”

     “Ho?”

     “Puntahan mo na siya.”

BOOK 1: The Him who loves HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon