10.3

1.3K 32 0
                                    

(K E V I N)

Sinundan ko siya nang mag-walk out siya. Gusto ko siya'ng tawagin pero alam ko hindi 'yun ang gusto niya'ng mangyari. Mas lalo ko lang siya'ng masasaktan kung pipilitin ko'ng magpaliwanag.

   Kahit saan naman'g anggulo, tama siya sa sinabi niya.

   Nakita ko siya'ng pumasok ng banyo.

   Nahinto ako sa pagsunod sa kanya at napasandal sa pader na nasa labas ng banyo. Hawak-hawak ko pa pala maging hanggang dun ang plato niya na may lama'ng dessert.

   Napayuko ako't naglakad na pabalik ng function hall.

   Bumalik ako sa mesa pero hindi ako mapakali, halata'ng nasaktan ko siya.

   Ilan'g minuto ng wala si Hani at maging si Mama ay nagtataka na at hinanap pa sa’kin ang baby girl niya.

     “Nakita mo ba si Hani?”

     “Nagpunta po ng banyo.”

     “Kanina pa ba siya dun?”

     “Baka pabalik na rin po 'yun.”

   Tumango-tango si Mama at nakipag-usap ulit kay Tita Rose and Tita Luisa.

   Napatingin naman ako sa plato na may chocolate tart.

     “Nasan na ba siya? tanong ng isipan ko.

   Hindi na dapat ako maghintay nalang, baka kung ano na'ng naiisip gawin ni Hani. Kailangan ko na siya'ng sunduin.

   Tumayo ako at lumabas ng function hall. Dun ay hinintay ko si Hani sa labas ng ladies room.

     “Ang tagal naman ng babae'ng 'yun.” nakasandal ako sa pader habang nakaekis ang mga kamay. Kinakabahan ako. Nag-aalala na'ko sa kanya.

   'Di rin nagtagal ay nakita ko na si Hani. Gusto ko'ng mag-sorry pero hindi ako nakakibo nang makita ko ang namamaga niya'ng mga mata.

   Hindi siya makatitig sa'kin at diretso'ng naglakad hanggang sa malagpasan ako nang hindi man lang niya kinikibo.

     “Oy, kutong-lupa, ba’t ang tagal mo'ng lumabas? Kanina ka pa hinihintay ni Mama.” pakikipag-usap ko sa kanya habang sinusundan siya sa paglalakad.

   Huminto si Hani.

     “Sorry.” matamlay at matipid niya'ng sagot nang nakatalikod sa'kin.

   Mula nang lumabas siya ng banyo, naging matamlay na siya at hindi na halos nagsasalita. Nanatili lamang siya sa tabi ni Mama at paunti-unti'ng tinatapos ang chocolate tarts na nasa plato.

   Matapos ang family dinner ay nagpaalam na ang iba'ng mga kapatid ni Papa kaya naisipan nalang din ni Mama na umuwi na rin kami dahil may pasok pa si Hani sa trabaho kinabukasan.

   Sa paglalakad namin palabas ng hotel ay nasa likod lang ako ni Hani habang siya ay nasa likod lang din ng mga magulang ko. Nakayuko siya'ng naglalakad.

   Sobra'ng bigat nang nararamdaman ko.

   Kasalanan ko kung bakit siya nagkakaganon.

   Maging hanggang sa biyahe ay hindi pa rin kumikibo si Hani. Saka lang siya sumasagot kapag tinatanong lang siya at isa'ng matipid na sagot pa.

   Lumingon ako kalaunan kay Hani at nakita ko'ng nakatingin lang siya sa labas ng bintana ng kotse. Binalik ko nalang ang atensyon ko sa daan hanggang sa marinig ko na tinanong ni Mama kay Hani ang gusto ko rin sana'ng itanong rito.

     “Baby girl, okay ka lang ba?”

     “Opo, inaantok na po kasi ako.”

     “Sigurado ka ba?”

     “Opo, Tita.”

     “O sige, umidlip ka muna.”

     “Sige po.”

   Bumuntong-hinga ako.

   I messed up.

     




“Good night po, Tita, Tito.” paalam ni Hani kina Mama at Papa pagdating namin sa bahay.

     “Good night din, baby girl.”

     “Magpahinga ka na, Hani.” parte naman ni Papa.

     “Um, Tito, salamat po at pumayag kayo na isama ako sa family dinner ng pamilya niyo.”

     “Hani, part of the family ka na rin.”

     “Salamat po ulit, aakyat na ho ako.”

     “Sweet dreams, baby girl.” sabi pa ni Mama.

   Ngumiti lang siya at nagpatuloy na sa pag-akyat ng hagdan.

     “Mama, mamaya na tayo umakyat ha? Samahan mo muna ako'ng uminom ng champagne na binigay ni Gregor sa’kin.” narinig ko'ng sabi ni Papa.

     “Sige, Papa.” sagot ni Mama habang nakatingin ako kay Hani na umaakyat na ng hagdan.

     “Magpapahinga na din po ako, Ma, Pa.” pagsabat ko sa kanila'ng dalawa.

     “Okay, baby boy. Sweet dreams.”

  



Pabukas na sana ako ng pintuan ko pero naisip ko si Hani kaya napatingin ako sa pintuan niya.

   Ang laki ko'ng gago sa gabi'ng 'yun.

   Napabuntong-hinga ako at tuluyan nang pumasok sa kwarto ko para magbihis.

     “Akala ko ba nagpipikonan lang kami?” pag-aalala ko habang nagbibihis ng damit pantulog.

----

BOOK 1: The Him who loves HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon