25: The HanKe Couple

1.7K 37 3
                                    

( H A  N  I )

Tapos na ang summer vacation, at naghahanda na rin ako para sa pagpasok ko sa sophomore year ng college life ko. Tatlo'ng taon nalang ang kailangan ko'ng bunuin, at pagkatapos nun ay makakamit ko na ang diploma'ng matagal ko nang gusto'ng matanggap.

   Kapit lang!

   Sa una'ng araw ng second year ay si Kevin ulit ang naghatid sa’kin.

     “Salamat sa paghatid.” ngumiti pa'ko kay Kevin.

   Tumango siya kaya lumabas na ako ng kotse. Nasanay na rin ata talaga kami sa isa't isa. Sa isa'ng taon na dumaan, hindi ko alam kung nasanay lang kami na magkasama o talaga'ng nag-mature lang kami pareho.

  

    

“Hani!” sigaw ni Bree nang makasalubong ko sila ni Lea sa lobby.

     “Kumusta ang summer vacation?” tanong naman ni Lea.

     “Ok lang.” sagot ko. 

     “Oy, balita ko nagpunta raw kayo ng Hong Kong, at kasama mo si Mr. Ulupong, ano'ng nangyari?”

     “Awayan, asaran, pikonan, 'yun lang.” pagsagot ko sa tanong ni Lea.

     “Hmm, wala'ng sweet moments?”

   Namilog ang mga mata ko.

     “Ah, wala, wala'ng ganun. Kahit naman may konti'ng ka-sweetan, sa huli ay nagtatalo pa rin kami.”

     “Hay naku, Hani, even the sweetest chocolate came from a bitter kakao seed noh? Kayo pa kaya ni Kevin? Kahit na buo'ng buhay kayo'ng mag-asaran at magbwisetan, I’m sure sa huli, you’ll become the sweetest couple.”

     “I agree with you, Lea.” sang-ayon ni Bree.

     “Kayo'ng dalawa talaga. Baka mahipan nang masama'ng hangin ang sinasabi niyo at magkatotoo pa.”

     “Hmm, I’m sure naman na gusto mo rin'g magkatotoo ang sinabi ni Lea.”

     “Oy hindi ah.”

     “Hay naku, Hani. The more na nagdedeny ka, mas lalo ka tuloy’ng nahahalata.”

     “Alam niyo kayo siguro hindi pa kayo nakakaget over sa summer noh? Gumising na nga kayo.”

   Tinawanan lang ako ng dalawa.

  

Sa isa sa mga subject ko ay naging kaklase ko si Boom. 'Yun'g lalaki'ng binasted ko noon'g una'ng semester at magmula nun, hindi na niya ako pinansin. Palagi siya'ng asar sakin at palagi siya'ng lumalayo, kasi raw sinaktan ko ang puso niya. Nag-iwasan pa rin kami ni Boom, pero nang hinati kami by group para sa reporting ay naging kagrupo ko pa siya. Nilapitan ko siya at kinausap nang sarilinan.

     “Boom, alam ko ilan'g buwan na rin tayo'ng hindi nagpapansinan, pwede ba'ng kalimutan na natin 'yun?” diretsahan ko'ng sabi.

     “Teka nga, gusto mo na 'ko'ng maging kaibigan o maging boyfriend?”

   Napaka-straightforward pa rin talaga niya.

     “Boyfriend? Hindi sa ganun, ayoko lang na may kasamaan ako ng loob. Nakakailang na nasa iisa'ng grupo tayo tapos may issue.”

BOOK 1: The Him who loves HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon