3.1

2K 40 3
                                    

Isa'ng araw na naman ang nagsimula sa paghahanap ko ng trabaho. May nakita ako'ng isa'ng matanda na sinisigawan ng isa'ng middle-aged na babae'ng naka-maroon at LV pa ang bag. Parang nilamukos ang puso ko sa nakita ko at nakaramdam ng awa sa Lola. Kumunot talaga ang noo ko at 'di napigilan'g lumapit sa kanila'ng dalawa para sitahin ang ginagawa ng babae sa kawawa'ng Lola.

     “Ma’am, ma’am baka naman po pupwedeng 'wag niyo naman ho'ng sigawan 'yun'g matanda.” pangingialam ko. Sa punto'ng 'yun gusto ko talaga'ng mangialam.

     “Wag kang makialam dito ha? Nanay ko  ang matanda'ng to!” sagot niya habang dinuduro pa ako.

   Hala yung tenga ko, umigting! Tama ba ang narinig ko? Nanay niya ang kawawa'ng Lola? So ba’t ganun niya ito tratuhin?

     “O nanay niyo naman pala eh, ba’t sinisigawan niyo? At sa harap pa ng marami'ng tao?” sagot ko naman sa pagmamaldita niya.

     “Wala kang alam sa kakulitan at katigasan ng matanda'ng to, kaya pwede ba asikasuhin mo nalang ang buhay mo at wag ka'ng makialam sa’min? Wag kang bastos!”

   Aba, ako pa ‘tong bastos ha?!

     “Ma’am mawalang galang na po ha? Pero sa tingin ko ikaw 'yun'g bastos sa atin'g dalawa, kayo na mismo ang nagsabi na nanay niyo siya. Sa tingin niyo ba gawain ng isa'ng mabuti'ng anak ang pahiyain at sigawan ang sarili niya'ng magulang sa harap ng napakaraming tao?

     "Kung naging makulit man siya sa inyo, sana naman isipin niyo na tiniis niya ang pagiging makulit niyo nung bata pa kayo, maawa naman kayo sa magulang niyo, baka nakakalimutan niyo utang mo ang buhay mo sa kanya! Bago niyo siya ipahiya at sigawan sa harap ng marami'ng tao, sana isipin niyo na ni minsan ba sinigawan at ipinahiya niya kayo nung bata pa kayo?” pangongonsensya ko.

   Natahimik ang babae, mukha'ng natamaan nga sya.

     “Nay tara na, umuwi na tayo.” sabi ng babae sabay hawak sa nakalaylay na balat sa braso ng Lola. Sa tono ng boses niya, halata'ng napahiya sya.

     “Salamat, ineng.” pagpapasalamat ng matanda sa’kin.

   Nang marinig ko ‘yun, parang gusto ko'ng umiyak. Napakaswerte pa nga ng babae'ng 'yun kung tutuusin. Kasi kahit na medyo may edad na rin siya, may nakakasama pa rin siya'ng ina. Eh ako? Ni minsan, hindi ko naranasan magkaroon ng isa'ng Nanay. Kaya sana naman pahalagahan niya ang nanay niya habang nabubuhay pa ‘to kasi hindi madali'ng gumising isa'ng araw na wala ka ng magulang.

   Hinatid ng lumuluha ko'ng mga mata ang naglalakad na Lola at ang anak nito. Lumingon sa’kin ang Lola at ngumiti habang kumakaway. Napaluha ako lalo nang makita ko 'yun. Sumingot-singot ako hanggang sa may nakita ako'ng nakaabang na panyo sa’kin.

     “Pampunas ng luha mo.” sabi ng nag-abot ng panyo.

    Tinanggap ko ang panyo at tumingin sa may-ari.

     “Salamat po Ma’am.”

   Ngumiti siya habang nakatitig sa’kin na nagpupunas ng luha ko. Ang bango nung panyo niya.

     “Salamat po rito.” sabi ko at ibinalik sa kanya ang panyo.

   Tinanggap niya ito ulit at wow akala ko sasabihin niya na sa’kin nalang 'yun'g panyo'ng 'yun kasi ginamit ko na. Pero hindi, napaka-genuine ng ngiti niya at parang balewala lang sa kanya na ginamit ko ang panyo niya. Matapos niya'ng ibalik sa loob ng bag niya ang panyo ay tumingin siya sa’kin ulit.

BOOK 1: The Him who loves HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon