10: The Family Dinner

1.5K 27 1
                                    

(K E V I N)

Hindi na ulit kami nagkibuan ni Hani matapos ng insidente sa amusement park. Nakakapikon din 'yun'g babae'ng 'yun, para sa isa'ng carousel lang, grabe na kung makapagtampo. Mabuti na rin siguro 'yun'g hindi na naman kami magpansinan, tutal wala rin naman ako'ng pakialam sa kanya.

   Walang-wala.

   Wala.

   Isang dapithapon, nagkasabay kami'ng dalawa sa front porch ng bahay. Galing ako sa paglalaro ng basketball sa yard namin at siya naman ay galing sa mga bulaklak na tanim ni Mama sa garden.

     “Ba’t ganyan ka makatingin?” tanong ni Hani sa’kin.

     “May masama ba sa tingin ko?!” inis na sagot ko.

   Hindi kumibo si Hani, sa halip ay pumasok na lamang siya ng bahay. Tatlo'ng araw na rin niya ako'ng hindi inaaway. Ni hindi na nga siya nakikipagpikonan sa’kin, kaya tuloy nami-miss ko siya.

   Pumasok na rin ako sa loob at dumiretso sa dining area para kumain ng hapunan. Nadatnan naman namin pareho si Mama na may hawak na card.

     “Ma, ano po 'yan?” tanong ko.

     “Invitation card.”

     “Para sa’n?”

     “Uuwi kasi dito 'yun'g mga kapatid ng Papa mo, at magkakaroon ng isa'ng dinner this weekend.”

     “Ganun ho ba?”

     “Oo, kaya kailangan ihanda mo 'yun'g isusuot mo, dapat kumpleto tayo'ng apat sa dinner na 'yun.”

     “Uuwi si Kuya?”

     “Hindi nga siya makakauwi eh.”

     “O eh di tayo'ng tatlo lang.”

     “Nope, kasama si Hani.”

   Napatingin ako kay Hani at maski siya ay nagulat sa sinabi ni Mama.

     “Ako po?” tangi'ng natanong niya.

     “Yes, baby girl.” nakangiti'ng sagot ni Mama.

     “Ma, hindi naman parte ng pamilya natin si Hani.” pagbibiro ko.

    “Magmula nang tumira siya rito, kasali na siya sa pamilya natin. Kaya Hani, sasama ka sa family dinner.”

     “Bahala kayo. Magbibihis lang po ako.” sabi ko at tumalikod para pumunta sa kwarto ko.





 ( H A  N  I )

Hinatid ng mga tingin ko si Kevin na naglalakad paakyat sa hagdan.

   Napayuko ako. Tama naman siya, hindi ako parte ng pamilya nila.

     “Hayaan mo na 'yun, baby girl, basta sasama ka.”

     “Pero tama po si Kevin, Tita.”

     “Ay naku hindi, isasama kita, anak na kita diba?”

     “Eh Tita.”

     “Hani, ako'ng bahala. Hindi ka dapat matakot, mababait naman ang mga kapatid ng asawa ko, at 'yun'g si Kevin? Wag ka'ng magpatalo ron.”

   Bumuntong-hinga ako.

     “Sige po, pupunta na rin ho muna ako sa kwarto.”

     “O sige. Tatawag nalang ako through intercom kung kakain na ha?”

BOOK 1: The Him who loves HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon