21: Da'Moves 2.0

1.5K 27 0
                                    

( H A  N  I )

Tama ba'ng iwasan ko siya? Pa’no kung mahalata niya na umiiwas ako? Baka pagtawanan lang niya ako kapag nalaman niya'ng nahuhulog na ang loob ko sa kanya. Kaya siguro hindi ko siya dapat iwasan.” ang nasa utak ko habang nakasakay na ng tren.

    Sa nagdaan'g gabi papunta na sana ako sa loob ng kwarto ko nang marinig ko'ng sumigaw si Kevin, nagtaka ako kaya papasok dapat ako sa kwarto niya dahil medyo bukas naman ang pintuan. Kaso natigilan ako nang marinig ko ang usapan nila'ng dalawa ni Tita Danita.

     “Asawa? Ma, ba’t naman nasagi 'yan sa isip niyo?”

     “Wala ka ba talaga'ng gusto kay Hani?”

     “Wala, wala'ng wala. Kaya 'wag niyo na ako'ng ipilit sa kanya.”

   Nang marinig ko ‘yun, para ba'ng may tumusok sa puso ko.

   Tumalikod ako at humakbang pero naririnig ko pa rin ang usapan nila.

     “Kung ganun, ba’t lagi mo siya'ng inaasar? Ba’t pakiramdam ko nagmamalasakit ka sa kanya?”

     “Natutuwa lang ako sa kanya, at galing na rin sa inyo mismo, nagmamalasakit lang ako sa kanya, pero hindi ko kailanman inisip na magiging higit pa sa magkaibigan o magkaaway ang relasyon namin'g dalawa.”

   Mas lalo ako'ng nasaktan nang marinig ko ‘yun mula sa kanya. Huminga ako nang malalim at bumalik na lamang sa kwarto ko.

   Para ako'ng nanlumo sa narinig ko at napaupo sa kama habang naluluha at paulit-ulit sa isipan ko ang sinasabi niya. Pinunasan ko ang luha ko at pumunta ng banyo para maghilamos.

   Nang makita ko ang sarili ko sa salamin ay nainis ako at tinalakan ang tao'ng kaharap ko.

     “Ba’t ka umiiyak, Hani? Ano'ng ibig sabihin ng mga luha'ng 'yan? 'Wag mo'ng iiyakan ang ulupo'ng na’yun, sino ba siya sa akala niya? Ulupong siya diba?! 'Yun lang ang dapat na maging tingin mo sa kanya!” sermon ko habang patuloy sa pag-agos ang luha ko.

    





     “Tama, ulupong lang siya. Hindi ka dapat nagkakaganito dahil sa kanyamakakahanap ka rin ng lunas rito sa nararamdaman mo.” 'yun ang pilit na itinatatak ng utak ko sa’kin habang bumabiyahe na'ko papunta'ng Jacksbridge.

(K E V I N)

Naghuhugas ng pinggan si Hani kinagabihan nang lapitan ko siya.

     “Hani, may problema ba?” bigla na lang kasi siya'ng hindi namamansin. At wala naman ako'ng naaalala'ng ginawa ko'ng mali sa kanya.

     “Wala.” mahina niya'ng sagot habang nakatingin pa rin sa mga plato.

   Alam ko'ng may tinatago siya, hindi naman siya ganun kung makipag-usap sa’kin. Kapag nagtatanong ako, palagi naman siya'ng tumitingin sa’kin na nakakunot ang noo at naiinis, pero sa pagkakataong ‘yun, ni ang tingnan ako hindi niya magawa.

     “Ba’t parang mainit 'yun'g ulo mo?”

     “Wala nga sabi.”

     “Galit ka eh.”

BOOK 1: The Him who loves HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon