10.2

1.5K 34 10
                                    

(K E V I N)

Hindi ko siya kaya'ng tignan. Ba’t ba kasi ganun ang ginawa'ng pag-aayos ni Mama sa kanya? Sumobra naman ata 'yun, parang nag-evolve sa pagiging prinsesa ang kutong-lupa'ng 'yun.

   Sa hotel, pagpasok pa lang ng sasakyan namin ay napansin ko na ang mga mata ni Hani na nakatingin sa labas ng bintana. Tila nagningning ang mga ito.

     “Tita, dito po 'yun'g dinner niyo?”

     “Oo, Hani.”

     “At sa inyo rin po ang hotel na ‘to?”

     “Yup.”

     “Wow, ngayon lang po ako nakapasok sa ganito kalaki at kaganda'ng hotel, eh dati sa TV ko lang nakikita ang mga ganito.”

   Bahagya'ng tumaas ang isa'ng sulok ng labi ko habang pinagmamasdan si Hani sa rearview mirror.

   She's simply innocent.



Lumabas na naman ang pagiging maasikaso ni Mama kay Hani nang maglakad na kami papunta'ng function hall.

     “Baby girl, isuot mo na ‘to, baka magkasakit ka pa.” paalala ni Mama habang iniaabot kay Hani ang maitim na blazer.

     “Thank you po, Tita, medyo nanunuot na nga ho sa buto ko 'yun'g lamig.”

     “Ohh, kawawa naman ang baby girl ko.”

     “Ayos lang po.”

  






Papasok na kami sa pintuan ng function hall at nauna na sina Mama samantala'ng naiwan kami ni Hani sa labas.

     “Family dinner 'to, 'wag mo'ng isipin'g parte ka na din ng pamilya namin, isinama ka lang ni Mama kaya 'wag ka'ng umasta'ng Romero ka rin.” pang-aasar ko kay Hani nang naglalakad na rin kami papasok.

   Gusto ko siya'ng asarin para asarin niya rin ako pabalik. Hindi na kasi niya ako pinakikialaman kamakailan. Nakakamiss ding mag-away kami.

   Kapag naiisip ko ulit ang ginawa ko sa gabi'ng 'yun, naiinis ako sa pagiging isip-bata ko.







( H A  N  I )

Parang dinurog ang puso ko sa sinabi ng ulupong na’yun. Talaga'ng mahilig siya'ng manira ng mood. Ano ba'ng nagawa ko'ng kasalanan sa kanya para ganituhin niya ako? Hindi ko na naman siya pinapakialaman ah? Kaya dapat hindi na rin niya ako pinakikialaman.





(D A  N  I T A)

Nakaupo na ako sa bangko na nasa mesa, nakipagkwentuhan naman ako sa kapatid ng asawa ko na si Rose na kasalukuyan ko'ng katabi sa mga panahon'g ‘yun.

     “Ay ito nga pala si Hani, 'yun'g baby girl ko na kinukwento ko sa’yo habang magkachat tayo.”

     “Ah, hello Hani. I’m Rose Romero-Diaz.”

     “Hello po. Kumusta ho kayo?”

     “Ayos naman. Ikaw? Inaalagaan ka naman ba nito'ng si Danita?”

     “Ay oo naman po. Wala naman po ako'ng mairereklamo sa kabaitan at pag-aalaga'ng binibigay ni Tita sa’kin.”

     “O sabi ko sa’yo diba?” pagbibida ko kay Rose at pareho kami'ng tumawa pagkatapos.

BOOK 1: The Him who loves HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon