Akiexhia's Pov
Palabas na ako ng room ng bigla akong tawagin ni ma'am, wait bakit naiwanan din itong unggoy na ito?
"Ms. Collins at Mr. Scott pinaiwanan ko cause I want to talk about your behaviors, and the your punishment as well" sabi ni Ma'am kaya nagulat ako. What punishment? Para saan?
"Ma'am ano po? Punishment?" tanong ko kay ma'am kasi naman nananahimik ako tapos parusa agad? Did I do something that violated the rules in the handbook?
"Ma'am first day ko pa lang po punishment agad, is there any problem?" reklamo naman ni Steven. Baka itong ungoy na ito pwede pang parusahan pero ako? Hustisya naman o.
"Dahil dyan sa mga attitude nyo highschool na kayo pero para kayong mga kindergarten sa pagbabangayan nyo! Akiexhia you know who you are, hindi ba dapat maging role model ka since you are the class' top student pero look at your attitude! Ikaw din Steven I only said na magpakilala ka at hindi ang magyabang at isa pa ke bago-bago mo nakikipagbangayan ka agad parehas kayong kilala at kaya ko ito gagawin ay para maiaayos ang mga ugali niyo para walang masabi ang mga tao, okay?" oh ayan na nagsimula na ang misa este pasyon ah hindi pala ang pangaral daw ni ma'am. Hindi pa naman sabihin ang parusa namin ng tapos na ito at naasiwa na ako sa pagmumukha nitong ungoy na katabi ko, oo tama kayo ng basa katabi ko sya lumalayo nga ako pero ayun pinaglapit kami ni ma'am kanina. Saya diba? Eto pa lang parusa na.
"Ang parusa nyo ay maging representative ng section natin sa darating Mr. And Ms. M.G. Univesity as muse at escort alam ko mabilis lang iyan dahil hindi yan ang ordinaryong punishmentfor students pero alam kong ayaw mo ng ganyan Akiexhia at ikaw Steven alam kong ayaw mong maging partner si Akiexhia lalo. I expect na manalo kayo kasi kung hindi sasayaw kayo ng isang romantic dance sa gitna ng auditorium na kita ng lahat ng estudyante. Ang contest ay sa July 15 so may one month pa kayo. Goodluck" Sabi ni Ma'am habang nakangisi sa amin. Like what the fudge? gagawin ko lahat wag lang yan.
"But/No" sabay naming sabi pero huli na umalis na si ma'am na naka ngisi pa.
"This is all your fault" I said and leave him standing inside our room. baka makipagsisihan pa siya sa akin, wala akong panahon para doon dahil wala na ako sa mood uuwi na lang ako.
As I see my car I immediately ride in. It only took few minutes before I arrived at our house.
Pinagbuksan ako ni Nanay Lusing ng pinto, wala ba sila Mom dito?
"Ma'am Akiexhia magandang hapon po" bati ni Nanay Lusing.
"Akiexhia na lang ho ang itawag niyo saakin, by the way po andyan po ba sila Mommy at Daddy?"
"Oo, Iha andyan sila nasa sala ang daddy mo at nasa kusina ang mommy mo" buti umuwi ngayon sila minsan lang kasi sila umuwi gawa ng bussiness.
"Oh princess what's with that face first day palang ng school naka busangot ka na sige ka papanget ka nyan" puna sa akin ni mommy na naglalagay ng icing sa mga cupcake. Why is she walking while doing those stuff?
"Right baby, what's your problem?" tanong naman ni Daddy. Ang corny ni daddy ano? May baby baby pang nalalaman.
"Don't call me baby dad, bad mood lang ako. I need to be the representative of our class for the coming Mr. and Ms. MGU, and I really hate it" Inis kong sabi dahil nakakafrustrate na talaga. Biruin mo first day na first day ng school ganito nangyari sa akin?
"That wasn't that bad naman anak. Kailan ba 'yan? Who's your escort?" tanong ni mom habang inaabutan ako ng cupcakes.
"Steven Ace Scott,July 15 po ung contest" I said before biting my cupcake.
"Hmmm, a Scott. I know some Scott, but I'm not sure if he came from the one I know. Siguro naman mabait 'yun. End that LQ of yours with him before the contest ha?" sabi ni Mommy sa paraang maasar talaga ako, at successful mas nainis talaga ako. Anak ba talaga nila ako?
"Mom are you serious? Ako at siya may LQ? Ano kami lovers? Baka enemies" pagsalungat ko sa gustong iparating ni Mommy, why are they pushing me into relationship?
"Okay calm down Istel este Cristel este Akiexhia just don't worry about that and just relax" Dad said while smiling foolishly.
"Dad don't call me on that name" Inis kong sabi sa kanila.
"Okay princess" they said while laughing.
I went to my room to give myself a rest. Why do they have to remind me about that?
Steven's Pov
Nakakainis naman oh kailangan ba yung punishment na iyon?
Papasok pa lang ako ng bahay rinig ko na si mommy. Kahit kailan talaga, sigurado akong si Britney na naman ang salarin niyan. Napa-iling na lang ako sa naisip ko.
"Britney Scott diba ang sabi ko ibaba mo na yung mga damit mong madumi para malabhan na ni Manang Telma hindi porket may kasambahay tayo nakaupo ka lang dyan galaw-galaw din" Inis na sigaw ni Mommy. Bakit ang pasaway ng mga bunso?
"Mom ako na lang po gagawa nun hayaan mo na muna si Britney"
"Nako Asi este Ace este Steven wag mong masyado i-spoiled yang kapatid mo kaya lumalaki ulo" Pang-iinis sa akin ni Mommy that made me frown, how many times did I already tell them na 'wag na akong tawagin sa ganung pangalan?
"Mom don't call me like that" Seryosong sabi ko dahil nagsisimula na akong mapikon.
I just go upstairs and enter my sister's room humiga na lang ako sa kama niya. Sanay na siya na ganito ako ibig-sabihin,
"Kuya you miss her am I right?" sabi niya sa akin ng nakataas ang kilay, she really knows me.
"Yes I miss her from the day she left, I always believe that she will come back. I always go back to that playground hoping that I will see her but I guess I may be hard to recognize her now. I'm sure that she changed too much after 12 years" Sagot ko sa kanya, at hindi ko alam kung bakit ba ako nalulungkot tuwing naalala ko siya.
"Don't worry kuya I'm sure you and her will meet someday" she said while sitting infront of me.
"I hope so"
I changed my clothes and bring Britney's clothes to Manang Telma.
Kailan kaya ulit kita makikita? O makikita pa ba ulit kita?
*****************
BINABASA MO ANG
Ms. Sungit And Mr. Yabang (COMPLETED)
Teen FictionUNEDITED EXPECT ERRORS. Paano mo ba masasabing mahal mo talaga ang isang tao? Date Started: March 22,2017 Date Finished: May 29, 2018
