Kisses' POV
"So sa tingin niyong tatlo anong parusa ang nararapat para sa inyong tatlo dahil sa ginawa niyo? Hindi niyo ba nabasa sa Student's Handbook na ang bullying ay mahigpit na ipinagbabawal dito sa University pero anong ginawa niyo?" tanong sa amin ni Mr. Collins after niya kaming ipatawag kanina after lunch.
"Sinong may pakana nito?"
"It's Shiara, she's the one who told us to do that" sabi ko sabay turo kay Ara, ngayon bahala kayong dalawa.
"What? That's not true, siya po ang may pakana ng lahat sumasama lang kami ni Chelsea dahil wala kaming magawa"
"Yun po ang totoo siya lang naman po ang gumagawa at nagpaplano ng gagawin, tagasunod lang po kami" dagdag pa ni Chelsea. Mga t*ng* akala niyo ba basta basta ako magpapatalo sa inyo?
"Ano? So ngayon babaliktarin niyo ako, Ikaw Shiara ang sabi mo once na magkaalaman ikaw na ang bahala tutal ikaw ang nagplano eh bakit nanlalaglag kayo?" galit na sigaw ko sa kanila.
"What? Hindi lang pala makitid ang utak mo sinungaling ka pa!" edi ikaw na hindi nagsisinungaling, Shiara the Honest One.
"Enough. Ano ba talagang totoo ha? Kapag hindi niyo pa sinabi kung sino talaga lahat kayo ipapasuspend ko at ipapatawag ko ang parents niyo!" sus, suspension lang pala, bilis-bilis gawan ng paraan.
"Dad" oh! Ang napakabait na anak ng Admin, Akiexhia the Great. Sus papansin!
"Dad, you don't need to suspend the three of them, I am with someone who can tell the truth, kung sino ba talaga ang may pakana" ano? F*¢k this shit hindi pwedeng lumabas ang totoo.
Akiexhia's POV
Flashback
I was on my way to our classroom ng biglang may tumawag sa akin."Akiexhia, you need to see this"
At plinay niya yung video na ang laman ay sila Kisses, Ara and Chelsea."Just help me with this Shiara 'wag ka ng matanong pwede? All we need to do is to make that Oh-so-good-Akiexhia go away from this school, and then yun lang okay? after this bahala na kayo, kaya ko 'tong gawan ng paraan para hindi sumabit"
"Pero Queen wala namang ginagawa sa atin si Akiexhia, parang hindi naman maganda yung plano mo?" -Ara
"Oo nga, ano bang ginawa niya para magkaganyan ka? Sa huli baka tayo lang ang mapasama 'wag na natin itong ituloy"-Chelsea.
"Sa ayaw at sa gusto niyo papayag kayo, kung hindi magkalimutan na tayo, kalimutan niyo na FRIENDSHIP natin kung ganoon"-Kisses
So all along walang kinalaman sila Chelsea at Ara. Siya lang ang may kasalanan, pero bakit ganoon. Ang lakas naman ng loob ni Kisses para gamitin ang "friendship" daw nila.
"Where did you get that?"
"Narinig ko lang silang nag-uusap noon ng mag-cr ako, kinuhaan ko ng video kasi concern rin ako para kila Ara, mapapasama sila ng walang ginagawa"
"Dad needs to see this, come with me"
End Of Flashback
Pina-nood ni Dad yung video, while Kisses , hindi siya makapaniwala na matatapos na yung ginagawa niya kila Ara.
Mali pala ako, they still care for me, si Kisses lang ang dahilan kung bakit kami nagwatak-watak. Siya lang.
Maya-maya may tinawagan si Dad sa telepono.
"Mr. Monteverde come here in my office NOW, we need to talk... Yes it's about your daughter..okay"
"You can now leave, thank you Miss, I'm Sorry Ms. Davis, I'm Sorry Ms. Gimenez, you can now leave" sabi sa amin ni Dad kaya lumabas na kami, nauna na ako sa kanilang lumabas.

BINABASA MO ANG
Ms. Sungit And Mr. Yabang (COMPLETED)
Teen FictionUNEDITED EXPECT ERRORS. Paano mo ba masasabing mahal mo talaga ang isang tao? Date Started: March 22,2017 Date Finished: May 29, 2018