Steven's POV
"Hindi nga? Ikaw talaga si Ace na childhood bestfriend ni Akiexhia?" gulat na tanong ni Ara sa akin matapos naming i-kwento ni Akiexhia yung nalaman namin.
Kasama din namin sila Gray, Kayden, Ash at si Hayden na parang badtrip.
"Oo nga, hindi ko nga din akalain, ang layo kasi sa dating Ace" singhal sa akin ni Akiexhia na nasa tabi ko. Inakbayan ko siya kaso tinanggal ko din agad dahil sa weird feeling nung lumapat ang braso ko sa balikat niya, idinaan ko na lang sa pang-aasar yung weird na naramdaman ko.
"Hindi mo talaga ako nakilala? Wala naman akong pinagbago ah, gwapo pa rin ako. Ay hindi pala mas gumwapo pala ako kaya hindi mo ako nakilala" kantyaw ko sakanya kahit na nakakaramdam ako ng konting pagka-ilang.
"Sus! Tigilan mo ako, utak mo puro hangin!" bulyaw niya sa akin.
Nauwi sa asaran ang usapan namin, natigil na lang ng dumating yung subject teacher namin.
After ng class dumaretso kami sa bahay para sa konting celebration.
Alam na din ng parents ni Akiexhia dahil tumawag siya kanina sa kanila at nagpaalam kasi nga pupunta siya sa amin.
Sa akin na din siya sumabay.
"Anong kakainin natin sa inyo?" tanong sa akin ni Akiexhia pagka-start ko ng makina.
"Hindi pa nga tayo nakaka-alis pagkain agad ang nasa isip mo?" kantyaw ko sa kanya na nagpabusangot sa mukha niya. Inihilamos ko yung kamay ko sa mukha niya na lalong nagpabusangot sa kanya.
"Tigilan mo na yan, ang panget mo" sabi ko sa kanya at sinimulan ng mag-drive.
"Wow! Nagsalita ang hindi panget"
"Bakit hindi naman talaga ako panget ah, gwapo ako. GWAPO. At ako ang dahilan kung bakit nauso ang salitang hearttrob" sabi ko sabay kindat. Tiningnan naman niya ako na parang hindi siya makapaniwala at para pang nandidiri.
"Ano 'yan parang Jeydon Lopez lang na noong ipinanganak siya at tsaka naimbento ang salitang gwapo? Kuya wag ako, wag si Ate Cristel, ang layo mo kay Jeydon" masungit ni sabi ni Britney na nasa backseat nga pala, nalimutan ko.
"Ano ka ngayon? Supalpal!" kantyaw sa akin ni Akiexhia dahil sa pambabara ni Britney sa akin.
Nakarating kami sa bahay na puro pang-aasar nila Britney at Akiexhia ang nakuha ko.
Nauna ng umakyat si Britney sa kwarto niya kaya naiwan kami ni Akiexhia dito sa sala.
"Steven if you don't mind can I ask you a question?" biglang sabi ni Akiexhia habang nakatitig sa family picture namin. Tumango lang ako sa kanya.
"Where's your Dad?" tanong nito dahilan para matigilan ako.
"He past away, five months ago nag-crash yung sinasakyan niyang eroplano he supposed to surprise me dahil birthday ko that time pero ako yung nasurprise, yung birthday ay yung date kung kailan nawala si Dad, since that day hindi ko na pinaalis si Mommy ng bansa. Kaya pala pinag-promise ako ni Dad na alagaan kong mabuti sila Britney at Mom kasi.. mawawala na siya. Pero sabi nga life must go on, masakit man tinanggap namin dahil kailangan at yun ang magpapasaya kay Dad at tsaka kung magiging mahina ako sinong magiging sandalan nila Mom at Britney" sabi ko at tuluyan ng bumagsak yung luha ko, pero agad ko 'yong pinunasan.
Naramdaman ko agad yung yakap ni Akiexhia, at kahit na parang may kung anong dumaloy sa balat ko ng yakapin niya ako, pakiramdam ko sobrang comforting ng yakap niya.
"Hindi ko alam na gano'n pala yung nangyari sa'yo, I know your Dad is proud of you, naging matatag ka but now let yourself rest from being the tough Steven for your family, I'm here to be your strength, kung dati ikaw ang kinukuhaan ng lakas, ngayon ikaw ang kukuha ng lakas, I'm always by your side Asi, because that's what friends are for" sabi niya nagpangit sa akin, nakayakap pa rin siya sa akin hanggang ngayon napabitaw na lang siya ng dumating ang mga kumag, ine-enjoy ko pa yung yakap ni Akiexhia eh!
"Oh ano, simulan na ang celebration!" sigaw ni Kayden at Chelsea, ang pinaka-makulit sa amin.
Kainan, kwentuhan, asaran, at kantahan 'yan ang ginawa naming lahat, hindi na nga namin namalayan yung oras, mag-a-alas dyes na pala.
Napagkasunduan naming mag-uwian na. Ako na din yung mag-hahatid kay Akiexhia.
"Goodnight Istel, sweetdreams" sabi ko at hinalikan si Akiexhia sa noo sabay ngiti, hinintay ko muna siyang makapasok sa bahay nila bago ako umalis.
Pagdating ko sa bahay, dumaretso na ako sa kwarto ko at naabutan ko si Britney na nakahiga sa kama ko.
"You happy?" tanong niya sa akin pagkalabas ko ng banyo.
"Naman!" sabi ko at tinabihan siya sa kama.
Yumakap naman siya sa akin at tsaka nagsalita.
"Kuya hindi mo napapansin ano?" tanong niya sa akin kaya napakunot ako ng noo. Ano ba yun?
"Never mind kuya, just remember what I told you, in order to understand you must accept first" sabi pa niya.
"Ano bang tinutukoy mo?" lito kong tanong sa kanya.
"You are the only one who can know that thing. Night night kuya, Love you" sabi niya at tuluyan ng natulog.
Somehow kahit pasaway si Britney para siyang mas matanda pa sa akin kung magsalita.
"Miss ko na yung dating ikaw, Sweetdreams little sis" sabi ko at inayos yung kumot niya.
After Dad's death everything changed, but even that happened we are still making our family strong.
Thanks si Istel, she gave me strength. Behind my attitude is a weak Steven, and Istel is the only one that can make me strong.
His POV
Mukhang masaya talaga siya. I think I need to make my move, kahit na hindi ako magpakilala sa kanya, as long as alam niyang may iba pang nagmamahal sa kanya. Sana lang 'wag umiral ang pagiging bitter ng lalaking 'yon.
Akiexhia's POV
Sobrang saya ko! Okay na kami ni Steven tapos siya pala si Asi.
Kanina habang yakap ko siya sobrang weird ng pakiramdam ko pero despite of it sobrang comforting ng feeling na yakap ko siya.
Hindi na din namin pinagpalit yung keychains namin, nasa akin yung kanya at nasa kanya yung akin.
But one thing just ruined my toughts. It's the idea that crossed my mind nung hindi pa kami okay dalawa. Bakit ngayon parang hindi ko na lalo maintindihan ang sarili ko?
-----------------
BINABASA MO ANG
Ms. Sungit And Mr. Yabang (COMPLETED)
Teen FictionUNEDITED EXPECT ERRORS. Paano mo ba masasabing mahal mo talaga ang isang tao? Date Started: March 22,2017 Date Finished: May 29, 2018
