A/N: Thank you sa votes fjhgffd.
Love lots. Keep reading.
💜💜💜💜💜💜💜💜💜💜💜
Akiexhia's Pov
Arghhhhh.... Asan na yung keychain ko na may pictute namin ni Asi?
Hawak ko pa iyon kanina noong nasa playground ako tapos biglang umulan tapos......tapos..........ahhhhhh, naiwan ko ata doon sa playground.
Ano ba iyan yun na nga lang yung natitira at kaisa-isang picture namin.
"Ano ba iyan nakakainis naman!" pasigaw kong sabi.
Nakakainis naman kasi talaga, bakit kasi ang burara ko kung iningatan ko yun edi sana hindi nawala.
"Akiexhia anong problema mo bakit basta basta ka nalang sumisigaw?" worried na sabi ni mommy pagpasok niya ng kwarto ko kasunod niya si daddy na mukhang nagulat din dahil iisa lang yung suot niyang slipper mali pa pang kanan yung suot niya eh nasa kaliwa naman yung slipper.
"Eh mommy nawawala yung keychain ko na may picture namin ni Asi" sabi ko habang nakayuko. Naiiyak na kasi ako.
Sabihin niyo ng O.A ako bahala kayo pero kung kayo yung nasa posisyon ko at nawala yung bagay na iniingatan mo,yung kaisa-isang bagay na ala-ala mo doon sa taong matagal mo nang hinahanap hindi ka ba malulungkot?
"Paanong nawala saan ka huling pumunta o saan mo yun huling inilabas?" tanong sa akin ni mommy.
Bihira ko kasi yun ilabas pero lagi kong dala. Ayaw ko nga kasing mawala pero hayyy..nawawala na.
"Doon po sa playground located doon sa subdivision kung saan po tayo dati nakatira" sabi ko habang iniisip kung saan bang parte ng playground ko iyon inilabas.
"Doon po sa favorite bench ko" pagpapatuloy ko na siyang dahilan kung bakit ako nabuhayan ng loob. Yes!! Mahahanap ko na din sya.
Sana nga naandoon pa yung keychain ko.
"Akiexhia hurry up sasamahan kitang hanapin ung keychain mo" sabi sa akin ni mommy na siyang nagpalaki ng ngiti ko.
"Hihintayin ko na lang kayong dalawa sa baba" sabi ni dad.
Palabas na sana si Daddy ng kwarto ko ng tawagin ko siya.
"Talaga mommy,daddy sasamahan niyo po ako baka po busy kayo, makakaabala lang ako sa inyo" sabi ko while looking at them.
Lumapit sa akin si Daddy at niyakap ako,ganoon din si mommy.
"Kahit kailan hindi ka magiging abala sa amin,anak ka namin kaya kahit ano gagawin namin ng mommy mo para hindi ka malungkot" sabi ni daddy.
"You're dad is right, ayaw naming nakikita ang prinsesa namin na malungkot gusto namin lagi kang nakangiti" sabi ni mommy while combing my hair with her fingers.
"I love you mom and dad" I said and I kissed them on their cheeks.
I really love my parents. Lahat ginagawa nila para hindi ako malungkot ayaw nga kasi nila na umiiyak ang prinsesa nila. They treated me as a princess because....because ayaw na raw nilang mawalan ng anak. Hindi talaga ako solong anak, I have an older brother but nasa fifth month palang si mommy something bad happened and my kuya died inside mommy's womb. Then noon namang ipinanganak ako my mother almost die kaya they decided na huwag na lang akong bigyan ng bagong kapatid.
Ikinuwento nila yon sa akin when I was eight years old noong una medyo nagtampo ako pero nawala din kasi ipinaliwanag nila yon sa akin.
Iyon ang story kung bakit prinsesa ang turing nila sa akin.
BINABASA MO ANG
Ms. Sungit And Mr. Yabang (COMPLETED)
Teen FictionUNEDITED EXPECT ERRORS. Paano mo ba masasabing mahal mo talaga ang isang tao? Date Started: March 22,2017 Date Finished: May 29, 2018
