Steven's Pov
Pagkauwi ko nagbihis na agad ako at pumunta na ako sa bahay nila sungit. Hinahanap ko yung puting bahay na may black na gate tapos may nakasulat na Collins ung cursive number 21 daw ung bahay nila.
Nasa number 20 na ako at nakita ko na ung 21 at tama nga may Collins na nakasulat sa gate wait hindi na to bahay mansyon na ito eh. Bakit parang walang nakakaalam sa mga kaklase ko nung nagtanong ako sa kanila kanina at nagpapasama dito.
Nag-doorbell na ako sa mansyon nila at pinagbuksan ako ng isa sa mga maid nila.
"Ano pong kailangan niyo?" tanong niya sa akin.
"Andyan po ba si Akiexhia?"sabi ko.
"Ah si ma'am ba nandito sya kausap lang sandali ang parents niya halika pasok ka dito mo na intayin si ma'am" yaya sa akin nung maid nila.
Pagpasok ko nakita ko agad ung family portrait nila solong anak nga siya kaya pala spoiled. Nandun din nakadisplay ung mga medals, trophies at certificates niya.
Wow lang ang masasabi ko halos takpan na nun ung pader nila pero hindi ko ipahahalata na hanga ako sa kanya baka lumaki ulo.
"Iho wait lang ha tawagin ko lang" pumunta na doon yung maid nila tapos pagbaba niya narinig ko na lang.
"Mom, Dad wag na kasi you don't need to see him kailangan lang namin 'to para sa preparations ng contest" boses ata yun ni sungit?
"Bakit ba princess may sasabihin lang naman kami" boses naman ata ng mommy niya.
"Fine basta wag niyo nalang sabihin ung sinabi niyo sa akin kahapon" wala na akong narinig pag sagot kundi tunong ng mga sapatos.
Nakita ko na si sungit ang sama ng mukha tapos ung parents niya nakakatakot.
"Good Afternoon po ma'am, sir" sabi ko habang kinakabahan ang sama ng tingin sa akin nung daddy niya.
"You must be Steven" sabi naman nung mommy niya.
"Mom Dad don't be too serious your making him afraid look at him he looks like a child that was scolded by his mother and punished by his father" sabi niya habang tumatawa. Nako lagot ka sa akin.
"Akiexhia umayos ka nga uhmm...iho pasensya ka na ha ganyan lang talaga yan sa iba simula nung iwan siya ng kanyang childhood bestfriend slash crush" sabi nung daddy niya.
Childhood bestfriend?
"Dad wag mo ng ungkatin ang past hindi nanaman ako makakatulog mamaya dahil sa kanya at tsaka don't mention his name anymore baka pagbalik niya magalit sa akin yun kasi ang daming natawag sa kanya ng nickname niya and by the way mom dad we have to go bacause I'm sure we can't finished this early and peacefully" sabi niya sa wakas dahil OP na ako dito. Pero tama siya hindi namin to matatapos ng maaga at mapayapa.
"Oh iho ingatan mo iyang anak ko baka mawala hindi yan marunong mag-commute at iuwi mo siya before eight siguro okay na iyong time para makapagprepare kayo" paalala nung dad niya spoiled nga talaga hindi pa marunong mag-commute.
"Don't worry po iuuwi ko po siya before eight at ako na po maghahatid sa kanya tutal sa akin naman po siya sasabay ngayon" sabi ko sa kanila.
"Okay ingat kayo ha, Akiexhia ingat baka hindi mo alam nandyan siya sa paligid magselos yun sige ka" sabi nung mommy niya pero hindi niya ito pinansin at lumabas na kami.
Pinagbuksan ko na sya ng pinto ng kotse ko at nagsimula ng magdrive.
"Hoy anong uunahin natiung damit o talent wait ano pa bang iba nating gagawin?" tanong sa akin ni sungit.
"Maka hoy ka may kasalanan ka pa nga sa akin kanina,damit muna tsaka na yung iba" sabi ko ng hindi nakatingin sa kanya.
"Ok saan tayo titingin ng damit?"tanong niya sa akin.
"Dun sa designer ko" sabi ko
na ikinakunot ng noo niya.
"Hindi dun tayo sa designer ko mas maganda doon" sabi niya habang nakataas ang kilay.
"Sa designer ko" sabi ko
"Hindi sa amin" sabi niya.
"Pangit dun,sa designer ko na lang" inis kong sabi sa kanya.
"Akin" sabi niya habang pinapalo ako. Kaya itinigil ko ung kotse baka mabangga kami.
"Sa designer ko nga sabi" sabi ko. Sobrang naiinis na ako.
At ayun nagbangayan na naman kami partida first day palang namin ng preparations at sa damit palang yan ha. Halos 30 minutes na ata kaming nagtatalo dito kung saan kami titingin ng damit namin pero hindi parin kami nakakapagdecide.
"Doon na nga lang sabi sa designer ko"sabi niya na parang naiinis.
"Hindi nga doon na lang sa amin"pasigaw kong sabi sa kanya.
"Hindi mo kailangang sumigaw,sandali may tatawagan lang ako" sabi niya sabay irap.
Akiexhia's Pov
Tinawagan ko sa mommy para humingi ng tulong na kumbinsihin itong pangit na ito sa designer na lang namin tumingin ng mga costumes namin.
["Hello mom can you please convince Steven na sa designer ko na lang tumingin ng mga damit namin"]sabi ko kay mommy.
["Princess i-loudspeaker mo nga yang phone mo kakausapin ko sya"]utos sa akin ni mommy
["Akiexhia,Steven i'm sure na parehong maganda ang mga damit ng mga designers niyo kaya I think it is much better kung puntahan niyo yun parehas at doon kayo mamili ng mga damit niyo at unahin niyo nang puntahan ang designer mo Steven dahil alam kong pagtatalunan niyo na naman kung sino ang uunahin so it's settled wala nag pagtatalunan kung kaninong designer at kung sino ang uunahin okay ingat na lang kayo, bye"]mahabang sabi ni mom sa amin.
"Oh narinig mo unahin ung sa designer ko at susunod ung sayo tara na at halos isang oras din ang na consume natin doon" he said using his arrogant voice.
"Oh siya sige na mag-drive ka na lang at huwag ng dumaldal pa at nakakadagdag ka lang sa air pollution bilisan mo dalhin mo na ako dun sa designer mo at nang makapili na tayo YABANG" cold kong sabi sa kanya.
Hindi na siya sumagot at nag-drive na lang kung saang lupalop ng maynila hindi ko na alam kung saan kami papunta hindi ko pa kasi ito napupuntahan dahil hindi naman ako mahilig gumala at isa pa wala din naman akong kasama kung gagala ako hindi ako marunong mag-commute at nakakabagot kapag may driver naman ako ang aga kung sunduin ako kesyo mag-gagabi na daw at hinahanap na daw ako nila daddy.
Sa dami kong iniisip inanantok na ako kaya matutulog muna ako. Siguro naman magigising ako bago kami makarating doon.
***********************
☁💟💟☁💟💟☁
💟💟💟💟💟💟💟
💟💟💟💟💟💟💟
☁💟💟💟💟💟☁
☁☁💟💟💟☁☁
☁☁☁💟☁☁☁
Hope you like this chapter. Enjoy reading. And Tnx.
BINABASA MO ANG
Ms. Sungit And Mr. Yabang (COMPLETED)
Novela JuvenilUNEDITED EXPECT ERRORS. Paano mo ba masasabing mahal mo talaga ang isang tao? Date Started: March 22,2017 Date Finished: May 29, 2018
