Chapter Thirty Three

2.3K 97 3
                                    

Akiexhia's POV

Masyado akong nawindang sa eksena nila kanina sa canteen kaya after ng lunch nagsolo muna ako. Nagpunta ako sa favorite place ko dito sa school.

Naalala ko yung favor na hinihingi ng kapatid ni Steven, so ibig sabihin whole day kong makakasama si Steven?

Dapat ba akong mainis o- Ah ewan!

But the tought of being with him makes me feel irritated, before. But now I don't know.

Kung nandito lang si Asi mapapayuhan ako no'n, kahit na sobrang babata pa namin noon akala mo matanda na siya kung maka-advice sa akin, kesyo matuto daw akong magpasensya pero siya naman hindi  niya magawa 'yon.

Nagulat ako ng may marinig akong kaluskos doon sa may gilid kaya tiningnan ko, pero wrong move, uso ba ngayon ang banggaan?

Nagkabanggaan ulit kami ng Steven at ang mas malala sobrang lapit namin sa isa't-isa, mas malala kesa kahapon.

This time kaming dalawa lang ang nandito, I-I don't know what should I feel, diba dapat itulak ko siya pero bakit tinitigan ko lang din siya sa mata katulad ng ginagawa niya?

Ilang segundo pa yung nakalipas bago kami maghiwalay mula sa pwesto namin.

"Sorry" tanging nasabi niya at umupo sa damuhan. Tinanguan ko lang siya at umupo ulit sa inuupuan ko, na ngayon ay kalapit ng inuupuan niya.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko out of the blue ng makaramdam ako ng awkwardness sa athmosphere namin. Bakit gano'n dati naman hindi ako nao-awkward-an sa presence niya ah?

"Papalamig ng ulo" maikling sabi niya at ipinikit ang mga mata na parang matutulog.

I just ignored this weird feeling inside me at nagbasa na lang.

"Nakakapanibago, dati kapag konting magkadikit lang tayo kulang na lang isumpa natin ang isa't-isa tapos ngayon, eto tayo magkasama at take note hindi tayo nagbabangayan" biglang sabi niya kahit nakapikit. Napatingin naman ako sa kanya, he's somehow right, pero nakakapanibago? I don't think so, hindi ko din naman maintindihan eh.

"Mukhang effective ang punishment ni Ma'am eh, hindi na nga tayo nag-aaway" sabi ko na lang na nagpamulat sa kanya.

"Oo nga ano? Hindi na tayo nagbabangayan, tapos hindi ka na din gano'n kasungit, hindi tulad na dati na akala mo pinaglihi ka sa sama ng loob" nang-aasar na sabi niya sa akin habang natatawa pa.

"Sira. Inis lang ako sa presence mo" sabi ko sa kanya at tsaka siya binato ng tuyo't na dahon.

"Eh ngayon? Ano na? Inis ka pa rin sa presence ko?" mapang-asar na tanong niya na nagpatigil sa akin, I don't know what should I say, ano na nga ba?

"Natigilan ka? Bakit ha? Crush mo na ako ngayon ano?" malokong tanong niya na nagpakunot ng noo at siya naman humagalpak ng tawa.

Pinagbabato ko na lang siya ng tuyo't na dahon at ng hindi ako makuntento pinaghahampas ko siya, pero ang loko tawa pa rin ng tawa.

"Hahahahahaha, ang sarap mong asarin, pikon!" sabi niya habang nakaturo pa sa akin.

"Pikon, pikon!" ulit pa niya kaya dinampot ko yung libro ko at akmang ihahampas na sa kanya kaso tumakbo siya.

"Humanda ka sa akin! 'Wag na 'wag ka talagang papahuli sa akin, sira ka talaga!" inis na inis kong sabi habang hinahabol ko siya.

"Hahahahaha, sige habulin mo ako kung kaya mo!" parang bata niyang sabi at nagtatakbo ulit.

Kahit kailan talaga!

His POV

Mukhang hindi mali si Gray, ang sabi niya baka sa akin daw siya mahirapan kapag nanligaw na daw kami kay Akiexhia pero mali siya.

Base sa napapansin ko, may iba eh! Mas mahihirapan kami kasi mukhang may umuukopa na sa puso ni Akiexhia.

Sa simpleng bagay ang saya niya, ang saya nila. Nung nagkabanggaan sila, ang sakit sa matang titigan yung pagtititigan nilang dalawa.

Pero mas masakit ngayon, masaya silang naghahabulan kahit na nag-aasaran parin sila.

Habang tumatakbo sila biglang bumagsak si Akiexhia at parang natapilok pupuntahan ko na sana siya kaso nauna na si Steven.

Inalalayan niyang tumayo si Akiexhia at tsaka tininingnan yung paa niya.

"Bakit parang laging paa mo yung nadadali ha?" nakangiwing tanong ni Steven kay Akiexhia.

"Aba! Ikaw diyan eh pahabol ka pa kasi!"

"Ikaw kaya yung naunang nanghabol!"

Singhalan lang sila ng singhalan hanggang sa hinampas na naman ni Akiexhia si Steven, ibang side na naman ni Akiexhia yung nakita ko, pero hindi naman niya sa akin ipinakita talaga. Ngayon ko lang siyang nakitang ganyan, na kahit inis na inis na napapatawa parin, oo sa mga kaibigan niya ganyan siya pero iba 'to eh, hindi naman sila close ni Steven diba nga magka-away silang dalawa?

"Dalhin kita sa clinic?" tanong ni Steven habang pinupulot niya yung ibang gamit ni Akiexhia na nahulog mula sa libro niya.

May pinulot si Steven na isang keychain at tinitigan itong mabuti.

Bakit gano'n yung reaksyon niya?

Third Person's POV

Kasabay ng pagpulot ni Steven ng keychain ay ang pangingilid ng luha niya, hindi niya maitago ang saya na nararamdaman dahil sa posibilidad na nahanap na niya si Istel.

"S-sayo ba 'to?" nauutal na sambit ni Steven habang hawak ng keychain na pagmamay-ari niya.

Gulat namang napatingin sa kanya si Akiexhia dahil sa inasal nito.

"Hindi, sa bestfriend ko 'yan" naguguluhan man sumagot parin si Akiexhia, ngunit mas nagulat siya sa sunod na nangyari.

Bigla na lamang siyang niyakap ni Steven habang may mga luhang nagbabadyang tumulo sa kanyang mga mata.

"Iyo 'to d-diba?" nauutal pa ring sambit ni Steven sabay pakita ng isang keychain na kaparehas din ng nakita niyang keychain sa gamit ni Akiexhia.

Dahan-dahang tumango si Akiexhia kasabay ng pag-tulo ng luha niya, sa wakas matapos ang mahabang panahon, nahanap na din niya si Asi.

"Istel?" tawag ni Steven at ngumiti lang si Akiexhia.

"Asi?"

"Ikaw nga! Ikaw nga" sigaw pa ni Steven at muli niyang niyakap ang dalaga.

Gayon pa man hindi niya parin maintindihan, kung dala lang ba ng saya ang nararamdaman niya o may iba pang dahilan.

Gayun din kay Akiexhia, andyan man ang sinasabi niyang "weird feeling" hindi na lang niya ito pinansin, ang mahalaga para sa kanya sa oras na 'to ay nakita na niya si Asi.

Sa kabilang banda, nasasaktan man sa nasasaksihan hindi umalis ang binata sa kinatatayuan niya at pinanuod pa rin ang dalawa.

"All along connected pala sila, ano ba 'yan? Buti pa siya may connection na kay Akiexhia eh ako? Hanggang nakaw na tingin na lang ako" nasambit na lamang niya sa kanyang sarili at umalis na sa lugar na 'yon.

Gustuhin man niyang maging masaya para sa dalaga pero hindi niya magawa, isipin man niyang magkaibigan lang ang dalawa hindi niya pa rin maiwasang masaktan lalo na sa napapansin niya sa dalawa.

Totoo nga naman na "LOVE HURTS"

---------------------

Ms. Sungit And Mr. Yabang (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon