Akiexhia's Pov
Nakakainis anong karapatan niyang sabihan ako ng ganoon ha?? Ni hindi nga ako kumakausap ng kahit sino dito sa school na ito tapos masasabihan pa ng famewhore. Peste kasi eh kung hindi lang dahil dyan sa punishment na iyan edi sana hindi ako ginugulo nung mga babaeng yun. Makapagsabi ng famewhore eh sila nga gusto nila nasa kanila lang yung spotlight.
At ito pa ang isang nakakainis umiiyak ako dahil doon wala naman akong kasalanan kaya bakit ako umiiyak minsan kahit sarili natin ang hirap intindihin alam ko sa sarili ko na dapat hindi ako umiiyak pero heto ako umiiyak. This is the reason why I hate that stupid popularity bukod sa yan lang ang habol sayo ng mga plastic mong kaibigan na katulad ng mga kaibigan ko noon mas nalalapit lang ako sa gulo tulad ng nangyari sa akin.
Kaya heto ako ngayon nandito sa powder room at nagmumukmok alam kong hindi ito ang usual kong ginagawa kapag may nakakaaway ako pero ngayon mas pinipili kong huwag nang lumaban alam niyo kung bakit kasi si Kisses,Ara,at Chelsea sila yung mga dati kong kaibigan na kahit kinalimutan at pinagtabuyan nila ako hindi parin mawala sa akin ung mag-alala sa kanila ung tipong ayaw ko silang masaktan. Siguro kung sasabihin ko ito sa iba walang maniniwala kasi kung daan-daanan nila ako ganun na lang pero galit man ako sa kanila deep inside concern parin ako kasi naging parte narin sila ng buhay ko naging kasama ko habang lumalaki kaya ganun nalang yung naging epekto sa akin nung iniwan nila ako.
Lumabas na ako ng powder room at laking gulat ko ng madatnan ko si...
Steven???? Anong ginagawa nitong ungas nato dito. Kung nabigla ako ng makita siya dito sa labas ng powder room mas nabigla ako ng............
Abutan niya ako ng panyo, anong gagawin ko dito.
"Ano titigan mo na lang yang panyo kunin mo na basang-basa ka na ng luha at pawis kanina ka pa iyak-iyak dyan sa loob" hala!!! Anong ganap, ANYARE.
"Anong nangyari sa'yo Steven nalason ka ba kaya ka biglang naging mabait sa akin o kaya naman baka sinasapian ka??" sabi ko na puno ng pagtatakha.
"Ewan ko sayo ako na nga itong concern tapos kung ano ano pang sinasabi mo wag mo pang kunin 'tong panyong ito at ako mismo magpupunas ng mukha mo" seryosong sabi niya wews..hindi ko parin kinuha yung panyo niya at maglalakad na sana ako palayo nang............................
Bigla niya ako hinawakan sa kamay at hingit palapit sa kanya sa sobrang gulat hindi na ako nakagalaw kaya hindi ko na namalayan na sobrang lapit ng mukha niya sa akin at pinupunasan na niya yung mukha ko gamit yung panyo niya.
"Sus itong si Akiexhia dapat sinabi mo na lang na gusto mong ako na lang ang magpunas ng mukha mo para hindi ka na nahirapan pang magpakipot" sabi niya with his arrogant voice. What the fudge mukha niya, LETCHE.
"Hahahaha nagpapatawa ka ba Steven may sarili akong kamay at panyo kaya hindi kita kailangan para punasan ang mukha ko" sabi ko sabay lakad palayo with matching flip hair pa akala niya madadaan niya ako sa mga kalokohan niya isang malaking NEVER may kasama pang malaking ❌❌❌.
Pumunta na ako sa classroom namin at ano pa bang aasahan niyo after ng palabas kanina syempre maraming nanuod kaya sikat na ang bida. All eyes of my claasmates are on me kaya napayuko na lang ako. Oo masungit ako pero hindi ko kayang idefend ang sarili ko lalo na't kahit tingin palang nila sa akin kinukutya't ipinagtatabuyan na nila ako. Palabas na ulit sana ako ng room ng may nagsalita.
"Oh anong tini-tingin tingin niyo ha" as usual si Steven na naman po iyan but iba ngayon seryoso yung pagkakasabi niya with his dark aura.
"Kami, we're looking dyan sa famewhore na nasa tabi mo" sabi ni Kisses habang nakaturo sa akin. Si Steven naman inisod ako sa may likuran niya kaya ang ending........
"Nasaan yung tinutukoy mong famewhore itong blackboard o itong dingding??" pabalang na tanong ni Steven.
"Don't defend that famewhore Steven lahat na ata ng estudyante dito sa University alam na famewhore yan si Akiexhia she's also a spotlight stealer ako kasi dapat yung muse kung hindi lang talaga siya papansin at sipsip" sabi ni Kisses habang nakataas ang isang kilay niya.
"Ano ba Kisses tumigil ka nga hindi porke't siya ung muse natin ngayon eh sasabihan mona siya ng ganyan may patunay ka ba ha??" sabat naman ni Kayden.
"Kita mo wala diba ni hindi ka makasagot" singit naman ni Hayden.
"Pwede ba Kisses tumigil na nga kayo inaano ba kayo ni Akiexhia kung makapagsabi kayo ng famewhore ni wala ngang kinakausap yan dito"sabi naman ni Gray.
"Grrrrrrrr, Hindi pa tayo tapos Akiexhia tandaan mo yan may araw ka rin sa akin" sabi niya at nag-walkout kasama ang alipores niya sabay bangga sa balikat ko kaya ayun natumba ako to the rescue naman sila Steven and if I say sila ibig-sabihin yung mga boys na nagdefend sa akin kanina.
Nag thank you nalang ako sa kanila of all people na tutulong sa akin sila pa na lagi kong sinusungitan I never thought na may tutulong at kakampi sa akin despite of my attitude.
Gray Watson's Pov
Siguro nagtatakha kayo kung bakit ko tinulungan si Akiexhia eh sobrang sungit niya at idagdag mo pa na never ko siyang kinausap. Despite of her attitude hindi parin tama yung sinasabi nila Kisses kaya hangga't alam kong tama ako at walang ginagawang masama si Akiexhia I will always be there to defend HER.
Hayden Ignazio's Pov
Katulad niyo nagtatakha din ako kung bakit ko ipinagtanggol si Akiexhia eh inis na inis ako sa babaeng yun dahil sa kasungitan niya pero ewan ko ba sa sarili ko at nakisabat ako dun sa kambal ko pero tama naman diba hindi niya pwedeng sabihing famewhore si Akiexhia hangga't wala siyang patunay. Kaya simula ngayon I will never let Kisses to harm Akiexhia kasi alam ko na walang ibang magtatanggol sa kanya dahil takot kay Kisses at wala siyang kaibigan.
Kayden Ignazio's Pov
Alam niyo kahit ang sungit sungit sa akin ni Akiexhia hindi ko parin hahayaan na awayin siya ni Kisses without valid reason.
***************
Another Chapter Done.Alam niyo napansin ko dito sa Chapter na ito gamit na gamit ang word na DEFEND. Sana may katulad nila sa totoong buhay.
Abangan ang Pov ni Steven sa next chapter.
🍀💖💖🍀💖💖🍀
💖💖💖💖💖💖💖
💖💖💖💖💖💖💖
🍀💖💖💖💖💖🍀
🍀🍀💖💖💖🍀🍀
🍀🍀🍀💖🍀🍀🍀

BINABASA MO ANG
Ms. Sungit And Mr. Yabang (COMPLETED)
Roman pour AdolescentsUNEDITED EXPECT ERRORS. Paano mo ba masasabing mahal mo talaga ang isang tao? Date Started: March 22,2017 Date Finished: May 29, 2018