Chapter Twenty Eight

2.4K 116 1
                                    

Chelsea's POV

Maaga kaming pumasok ngayon ni Ara dahil aalamin daw namin kung ano daw ba talaga ang totoo? Parang asawa lang na hinuhuli yung mister na nambababae ang peg ni Ara ano?

Pero, seryoso, may hinala na kami pero hindi pa din kami sigurado.

Pumunta na muna kami sa locker room, pagdating namin doon nagulat kami kasi nandoon yung susi ng locker ni Akiexhia. Akala niya kahapon naiwala niya, pero ngayon nandito nakasabit sa hawakan ng locker niya. Kinuha na lang namin 'yon at naglakad-lakad muna.

"Sa tingin mo sino yung babaeng tinutukoy niya kahapon?" tanong sa akin ni Ara, sasagutin ko na sana yung tanong niya ng may marinig kaming bungisngisan.

Pinakinggan muna namin ni Ara kung sino 'yon at tama ang hula namin, sila Lea yun!

Mukhang may plano na naman sila, well hindi niyo 'yan maitutuloy.

Biglang nawala yung mga boses kaya tiningnan namin kung anong nangyayari, nakita namin si Gray na kinakausap sila Lea kaso medyo malayo sa amin.

After nilang mag-usap padabog na tinanggal nila Lea yung timba ng tubig, harina at basura na nasa may gilid ng daan, hindi mo siya mapapansin kasi mukhang basurahan.

Maya-maya may lumapit pa sa kanilang mga lalaki, sandali sila yung nagbuhos nung pintura kay Akiexhia kahapon ah. Lahat sila umalis na may mga harina sa mukha, mukhang galit si Gray at siya ang nag-utos na gawin nila 'yon.

"Chels konti na lang, konting konti na lang mapapatunayan na nating may gusto yang si Gray kay Akiexhia" sabi ni Ara sa likod ko.

"Posible kayang sa kanya galing 'yung love letter na natanggap ni Asha kahapon?" tanong ko habang nakatingin kay Gray na naglalakad na papunta sa locker room- ano? Sandali makikita niya kami!

Dali-dali kaming napatakbo ni Ara para hindi kami makita ni Gray.

"Hoo! Akala ko mahuhuli tayo! Ano nga ulit yung tanong mo?" tanong niya sa akin habang nakahawak sa tuhod niya, nandito na kami ngayon sa room.

"Yung sa love letter" sabi ko at ipinakita sa kanya yung letter, nagulat naman siya kasi nasa akin 'yon.

"Naiwan 'to ni Asha kahapon, kaya kinuha ko" sabi ko habang may pilyang ngiti sa mukha ko.

"Grabe siya! Tingin nga, baka si Gray nga yung nagbigay niyan?" tanong niya sa akin, pero hindi eh may suspetya pa ako na may iba pang pwedeng magbigay nito.

"Ang ganda ng sulat infairness" sabi niya at binuksan na namin yung letter. So exciting!!

To: Akiexhia <3

Akiexhia, hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, I like you. I don't know when and how, it's just one day I woke up that I like you. Despite of your attitude I still believe that you have a good heart. Akiexhia masungit man ako sa'yo kung minsan at hindi ka ina-approach, that is because nahihiya ako, na baka matameme lang ako. The time na binully ka nila Kisses hindi ko alam ang pagtitimping gagawin ko dahil baka kung ano yung magawa kasi sinaktan ka nila, but don't worry hindi na 'yon mauulit. I will also talk to Lea para tigilan ka na, besides you really deserve the crown, because that night you are the most beautiful girl among the contestant. With or without make-up you are beautiful, with or without smile you are beautiful. I'm happy na okay na kayo nila Chelsea at Ara, finally nagka-ayos na kayo. I will always be here for you, I will always save and defend you, I'll guard you so no one can hurt you. Hindi mo man alam kung sino ako sa ngayon, you will know me soon.

                                 Always Yours,
                                 Your Knight In Shining Armor

Ay? Pa-mysterious effect pa siya oh!

"Nasa inyo pala 'yan" nagulat kami ng biglang magsalita si Asha sa likod namin.

"Ah, naiwan mo kasi kahapon kaya dinampot ko na, nga pala yung susi ng locker mo na ito nakasabit sa locker mo" sabi ko at ibinigay kay Asha yung keychain at card.

"Samahan niyo ako, may kukunin ako sa locker ko" aya sa amin ni Asha kaya pumunta na kami sa locker room, nung naglalakad na kami nakita ko pa si Gray sa may likod nung puno sa may gate. Mukhang hindi nga natuloy ang plano nila Lea.

Pagbukas ni Asha ng locker niya, napanganga na lang kami sa nakita namin.

May isang box na kulay violet at isang box na kulay red, na kasing laki ng dalawang box ng shoes, my gosh Asha! Tapos meron pang love letter na kulay violet din.

"Haba ng buhok ni Ateng aba!" pang-aasar ko sa kanya.

"Kanino 'to galing?" tanong ni Asha at kinuha yung mga box at yung card.

"For sure magkaibang tao yan, tapos siguro yung nagbigay nung red na card na nakuha natin kahapon siya din ang nagbigay nitong red na box" sabi ni Ara.

"Infairness sa secrer admirer mo Sha, alam ang favorite colors mo"

"Heh tumigil ka nga, titignan ko muna kung may pangalan" sabi ni Asha at sinilip kung anong nakalagay.

"Yung sa red same nga lang dun sa red na card, tapos itong sa violet ang nakalagay, your Prince Charming" sabi niya na nagpahagalpak sa amin ni Ara.

"Hahahahahahaha, ang ko-corny ng mga admirers mo Sha! Buksan mo na yung box!" sabi ni Ara na natatawa pa rin.

Binuksan na nga namin yung mga box, inuna namin yung red.

Alam niyo kung anong laman? Chocolatesssssssss, at books, na puro favorite din ni Asha. Tapos yung mga chocolates, heaven sa dami.

Then yung violet naman, ang laman? Chocolatessssssss, may maliit pang teddy bear tapos sa ilalim may sweater pang kulay violet. Hanep!!

Yung chocolates talaga!! Cadbury, Ferrero Rocher, Kitkat, Kisses at kung ano-ano pang klase ng chocolate, meron dun sa mga box.

Akala namin yun lang kaso may kinuha pa si Ara na isang maliit na box mula doon sa red box, yaman nung nagbigay ah! May pa-bracelet.

"Mga rich kid admirers ni Asha"

Pagkatapos noon itinabi niya muna sa locker lahat dahil pino-problema pa niya kung saan niya ilalagay at paano iuuwi.

Bumalik na kami sa classroom at andun na pala sila Steven.

Umupo na lang kami at si Asha? Binabasa yung isa pang love letter.

Kayden's POV

Dumadamoves na pala yung dalawa, hahaha!

Gusto niyong malaman kung sino? Hahahaha, hintay lang. Malapit na yung mangyari.

His POV

Nakuha na siguro niya yung regalo ko para sa kanya.

Natapos yung buong araw na hindi kami nilubayan ng tingin nila Ara at Chelsea.

Lalo na nung natulog ulit si Akiexhia, talagang sa amin pa humarap. Ang aga ko namang mabibisto! Kakasimula ko pa lang eh.

Umuwi na kami ng sabay-sabay. Lagi nilang sinasabi na hindi kami magkakaibigan pero ang totoo we really treat each other as friends, pero hanggang kailan kaya?

----------------------

If nalilito po kayo sa story ko, sorry po cause it's still unedited. Aware po ako na may part na nakakalito na, but expect the coming revelation.

By the way,

HAPPY 2K READS!!!

Thank you po sa pagbabasa ng story ko, sa mga votes at comments thank you po!!

I hope until matapos ko 'tong story andyan kayo.

Thank you for reading!

Ms. Sungit And Mr. Yabang (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon