Chapter Eleven

3.2K 116 3
                                        

Akiexhia's Pov

"Tatay Berting pwede po bang dumaan muna tayo doon sa playground located sa dating subdivision na tinirahan namin?" sabi ko sa driver ko. Pansin nyo ba na puro nanay or tatay ang tawag ko sa driver or kasambahay namin.

Nakasanayan ko lang tsaka I treat them as a family. Ano ba yan ang daldal ko naman ngayon.

"Sige po ma'am pero sandali lang tayo doon ha?" sabi ni tatay berting.

"Ano ba Tatay Berting Akiexhia nalang po wag ng ma'am sige kayo tatanggalin ko kayo sa trabaho pag tinawag niyo akong ma'am" biro ko kay Tatay Berting.

"Syempre joke lang po yun wala na akong mahahanap na katulad niyo basta huwag niyo na po akong tawaging ma'am, okay po?" sabi ko. Matagal na rin kasi sa amin sila Tatay Berting bata pa lang ako nandyan na sila kaya close na close na ako sa kanila tapos sila mommy at daddy palagay na ang loob sa kanila kaya kahit saan ako magpunta it's either si Nanay Lusing or si Tatay Berting ang kasama ko.

"Akiexhia, iha andito na tayo bago magdilim dapat makakauwi na tayo ha?" paalala niya sa akin. Tatay talaga, kahit wala sila mommy andyan sila na nagbabantay sa akin hindi naman to the extent na bantay sarado pwede naman akong mamasyal yun nga lang ayaw ko.

"Huy Akiexhia hindi ka pa ba bababa ng kotse gagabihin tayo" tawag sa akin ni Tatay kaya nabalik ako sa realidad. Napasobra ata yung pagde-day dreaming ko.

So ayun na nga pumunta na ako doon sa playground sa loob nitong isang subdivision. Pinapasok naman ako nung guard kasi kilala na ako dito at tsaka kami yung may-ari nito secret lang yun ha.

Kaya kami lumipat kasi masyadong malayo ito sa school ko, sa office nila dad at maraming umaaway sa akin dito but thanks to Asi kasi simula nung nagkakilala kami hindi na ako masyadong inaaway nung mga bata dito.

At kaya naman nawalan na ako ng balita kay Asi simula nung lumipat kami kasi umalis narin sila kami naman bumalik sa Australia halos tatlong taon sin kami doon.

Ngayon papunta na ako sa playground wait hindi ako pumunta dito para maglaro pumunta ako dito kasi nagbabakasakali akong makita ko ulit sya dito but hindi parin yun nangyayari kaya bumabalik parin ako dito.

Umupo ako dun sa bench kung saan ako unang nakita ni Asi na umiiyak. Pinagmasdan ko lang yung kabuuang playground. Walang ibang naglalaro dito kasi nag-request ako kila dad at mom na magpagawa na lang ng bagong playground at huwag ng babaguhin itong playground na ito. Pwede parin naman maglaro dito ung ibang bata pero limited time lang o kaya naman kapag magse-celebrate ng anniv. nitong subdivision but madalas walang tao dito.

"Asi I wish you were here by my side, hindi lang para may magtanggol sa akin kundi para bumalik ung isa sa dahilan ko para maging masaya. Paano ako magiging masaya kung wala ka sana one day magkita tayo but I know na hindi na kita makikilala at ako din hindi mo na makikilala" sabi ko habang nakatingin sa kaisa-isang picture namin ni Asi na nakalagay sa isang heart shape na keychain.

Hindi ko na namalayan na tumulo na ung luha ko. Asi is one of my weakness. Ganito talaga ako kapag nandito ako sa playground madalas kausap ko itong picture na ito at umiiyak.

"Arghh, badtrip naman oh" sabi ko ng biglang bumuhos ung ulan.

No choice ako kundi ang tumakbo palabas ng subdivision.

Third Person's Pov

Habang tumatakbo palabas ng subdivision si Akiexhia ay siyang pagdating ni Steven na papunta din sa playground.

Hindi narin namalayan ni Akiexhia na naiwanan niya sa bench na inuupuan niya ang picture nila ng bestfriend niya.

Hindi nila napansin ang isa't isa dahil natakluban ng payong ang mukha ni Steven at si Akiexhia naman ay sinalubong ng driver niya.

Ms. Sungit And Mr. Yabang (COMPLETED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon