Chapter Thirty Five

2.5K 96 5
                                        

Steven's POV

Sabado na pala. Susunduin ko pa nga pala si Akiexhia. Hindi na ako sanay na tawagin siyang Istel, mas nakasanayan ko kasing Sungit o Akiexhia ang tawag ko sa kanya.

Pagbaba ko nagulat ako kasi nasa sala na siya at kumakain kasama si Britney.

"Akala ko ba susunduin kita?" tanong ko sa kanya at tsaka umupo sa tabi niya.

"Isang oras na kasi akong naghihintay sa Starbucks kaya nainip ako, tumawag na lang ako kay Britney para sa directions" sabi niya kaya tiningnan ko yung oras sa cellphone ko at 10:15 na pala, tinanghali na pala ako ng gising.

"Let's start na kuya kanina pa kami nababagot ni Ate Cristel dito" reklamo ni Britney at pumunta na sa study room sa taas.

"Tara na at inaantok na ako sa tagal mo" reklamo din ni Akiexhia at sumunod na kay Britney. Okay na sana si Britney eh, pero yung kagaya ni Akiexhia na kaugali ng kapatid ko? Sabog ang utak ko, dalawang Britney? Tapos pareho pang spoiled? Ewan ko na lang.

Nagsimula na kaming mag-aral at mabilis namang nakuha ni Britney yung mga itinuro namin, nasa sala lang kami ni Akiexhia ng umalis si Britney.

"Masaya ka ba?" biglang tanong ni Akiexhia sa akin.

"Oo naman, bakit mo natanong? Hindi ka ba masaya na nagkita na ulit tayo?" Kasi ako sobrang saya ko to the point na hindi ko na maintindihan kung bakit, gusto ko sana yang idagdag kaso baka lalo lang siyang maguluhan.

"Masaya, kaso diba dati magkaaway tayo tapos ngayon nalaman nating magbestfriends pala tayo noon, medyo parang may awkwardness pa sa atin" ganoon din ba siya? Akala ko ako lang, kasi kapag malapit siya naiilang ako tapos kapag mag-aaya siya na magmeryenda sa school nae-excite ako then kapag magkasama na kami naiilang na ako. Ang gulo diba?!!

"Paanong awkward?" hinarap ko siya para mas magkaintindihan kami.

"Kasi parang pakiramdam ko iwas ka sa akin kaya, naiilang ako" sabi niya sabay kibit ng balikat.

"Ganoon ba? Siguro naninibago lang tayo" sabi ko sabay ngiti sa kanya.

Nagmeryenda na lang kami habang nagkukwentuhan kasi wala pa yung sundo niya.

"Uwi na ako, see you on Monday" sabi niya sabay kaway bago siya tuluyang umalis.

Hindi ko alam kung bakit parang ang bigat sa pakiramdam na parang ang lungkot ng feeling ko, ang gulo gulo! Hindi ko maintindihan, oh sige given the fact na magkaibigan kami at na-miss namin ang isa't isa kaya normal 'to, diba ganoon ang magkakaibigan? pero why do I feel so different? Hayy, Steven magkaibigan kayo, bestfriends, that's it kaya ka ganyan!

"Kuya remember, in order to understand you must accept first" seryosong sabi ni Britney na nasa tabi ko na pala at nakatingin sa dinaanan ng sasakyan ni Akiexhia.

"Ilang beses mo na yang sinasabi pero hanggang ngayon hindi ko pa rin maintindihan kung anong ipinahihiwatig mo" naguguluhan kong sabi at tsaka siya hinarap ng may nakalilitong tingin.

"Alam mo kuya, ang mga tao sa paligid mo hindi bulag, I can see kung paano ka tumitig, I can see every emotion of yours, sa isang tingin marami na agad mako-conclude about sa'yo, lalo kapag tumingin sa mata mo na nakatitig sa kanya" sabi niya at umalis na sabay hawi sa buhok niya.

ANO DAW?

Hindi ko talaga siya magets, may pinaghuhugutan ba yung kapatid ko?

Pumasok na lang ako sa loob at dumiretso sa kwarto ko. Napatingin ako sa kalendaryo sa gilid ng kama ko at napabalikwas ako ng makita kung anong date na ngayong araw, birthday na ni Akiexhia sa Lunes!

Nag-chat agad ako kila Chelsea at Ara para magpatulong, gusto ko siyang isurprise.

Agad naman silang nag-agree. Tinanong ko na din si Gray kung gusto niyang tumulong dahil na-wrong send ako sa kanya, ayaw ko sana siyang isama sa plano ko eh, pati na rin yung kambal pero hayaan na, atleast may mga tutulong.

Pagdating nila dumiretso kami sa poolside para doon mag-usap.

"So anong plano mo Steven? Tutal ikaw ang may pinakang may pakana nito" panimula ni Ara sabay kagat sa cookies na dala ni Mommy.

"Surprise birthday party kay Akiexhia, diba 16 na siya sa Monday?" tanong ko sa kanila at tumango lang silang lahat.

"Steven sabihin mo muna sa parents niya yung plano mo baka mamaya may party na silang inihanda" suggest ni Ara na sinang-ayunan ng lahat.

Kaya tinawagan ko na sila Tita para magpaalam, okay lang naman daw sa kanila, buti nga daw at tumawag na ako kaagad dahil tatanungin na daw dapat nila si Akiexhia kung gusto niya ng party.

"Saan muna ang place?" tanong ni Hayden sa akin.

"Sa kanila na lang para hindi maghihinala si Akiexhia" sagot ni Kayden sa kakambal niya.

"Oo nga tapos, batiin niyo siya kaagad, benta na yung hindi pagbati tapos may surprise sa huli, yung girls ipapasyal muna si Akiexhia habang kami inaayos yung lugar" sabi ko na nagpatango sa lahat.

Nag-usap na kami kung anong foods, at kung ano pang gagawin namin.

In the end napagkasunduan namin na violet and red ang color ng baloons, cake at iba pa, since favorite niya iyon.

Kinausap ko na si tita about sa plano namin, sa garden namin yun gagawin.

I hope magustuhan niya yung plano ko.

Akiexhia's POV

Tatanda na naman ako. Pero ito yung unang beses na hindi nagtanong sila Mommy kung gusto ko ng party, pero okay lang yun, ngayong okay na kami nila Chelsea at nandyan si Steven para sa akin ngayong taon ang pinaka masayang birthday ko so far.

"Kapag ba may kaibigan kang lalaki kailangan may boarder sa gitna niyo?" narinig kong sabi ng vlogger sa pinapanuod ko, it's about the thing about having a boy bestfriend.

"Para sa akin yes, kasi hindi naman lahat ng napo-fall sa bestfriend na niya eh nasasalo, karamihan one sided lang, hanggang sa kahit yung friendship niyo nawala na dahil sa feelings mo" Bakit parang nay biglang may kumurot sa dibdib ko? Kailangan ba yung "boarder" na sinasabi nila? Do Steven and I need that?

Pero in the first place bakit ko ba 'to iniisip? Alam ko namang magkaibigan lang kami diba?

Pero ano yung nararamdaman mong kuryente kapag nagdidikit ang balat niyo?, ano yung weird feeling mo sa tiyan mo kapag magkasama kayo?, ano yung kakaibang saya mo kapag andyan siya sa tabi mo?

Ha? Bakit bigla ko 'yong naisip? Pati ba utak ko ayaw akong paniwalaan?

Binuksan ko yung facebook ko na naging dahilan ng pagbilis ng tibok ng puso ko.

Britney Scott

You cannot fool yourself. Kahit na anong gawin mong pagpapaniwala sa sarili mo, kokontrahin ka pa rin ng utak at nararamdam mo lalo kung mali ang pinaniniwalaan mo.

Okay, bakit tinatamaan ako kahit hindi ko alam kung bakit.

I immediately dialed Shiara's number para papuntahin silang dalawa ni Chelsea dito dahil gusto kong i-distract yung sarili ko.

Nagkita na lang kami sa mall at nagulat na lang ako ng kasama nila si Britney na sobrang seryoso ng mukha.

"Bakit parang wala ka sa mood Britney?" tanong ko sa kanya ng maiwan kaming dalawa ng um-order sila Ara ng Ice Cream.

"Wala lang 'to Ate, I'm just thinking about something kaya ako nagkakaganito, madalas lutang. Kaya ikaw ate kung alam mo na sa sarili mo yung totoo 'wag mo ng pahirapan pa yung sarili mo sa pag-iisip, aminin mo na" sabi niya sabay ngiti sa akin.

Bakit parang lalo akong nalito?

-----------

Ms. Sungit And Mr. Yabang (COMPLETED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon