Epilogue

3.6K 98 2
                                        

Akiexhia's POV

Life is full of surprises so you must be ready with it. Kaso ako hindi ako nakapaghanda eh. Sana man lang nagbigay siya ng sign na may mangyayaring gano'n edi sana nakapaglagay pa ako ng suporta sa puso ko at barrier para hindi masyadong nasira at nasaktan.

After ng confrontation namin wala na akong balita sa kanya. Nung pumasok kami doon ko na lang nalaman na umalis na nga siya. Ang sabi ni Ma'am Guzman sa Canada na daw mag-aaral si Steven. Seryoso nga talaga siya sa pagpunta sa lugar na wala ako, sa lugar na malayo sa akin.

Ang sakit pala. Yung tipong para kang isang babasaging baso, ipinatong ka sa pinakagilid ng mesa na konting tabig lang mahuhulog ka at mababasag pero malaki yung tiwala mo doon sa nagpatong sayo pero hindi mo alam siya rin pala yung tatabig sayo para mahulog at mabasag.

"Ready ka na Akiexhia?" tanong sa akin ni Mommy habang ipinapasok ni Daddy ang mga maleta namin sa sasakyan.

Tapos na ako ng Junior Highschool sa Australia na ako mag-aaral. After malaman nila Daddy yung nangyari sa amin ni Steven, siya agad ang nagsabi na sa Australia na kami titira, for good. Masyado lang daw kasing hindi naging maganda ang naging buhay ko dito kaya siguro daw mas magiging okay ako kung aalis kami ng bansa. At first hindi ako pumayag dahil ang OA lang ni Daddy pero napag-isip isip ko na kailangan ko din siguro ng distraction at malayo muna sa lugar na'to. Uuwi pa naman ako dito kaso hindi rin ako mags-stay.

"Mami-miss ka namin Asha, babalik ka ha? Hihintayin ka namin" sabi ni Ara, at dahil sa huling sinabi niya unti-unti na namang namuo ang luha ko. Hihintayin. Yan din ang sabi niya pero hinintay ba niya ako?

"Of course, babalik ako" sabi ko at niyakap silang dalawa.

After noon pumasok na kami sa Airport, kumaway na lang ako kila Ara at Chelsea for the last time.

Minsan naiisip ko masyado ba naming minadali ang feelings namin? Dapat ba siniguro muna namin ang feelings ng isa't-isa?

Ano ba talaga ang batayan ng pag-ibig?

Because of him, I realized na ang pag-ibig oo nga at hindi yan hinahanap dahil bigla na lang dumadating pero dapat sa pagdating nito intindihin muna nating mabuti ang sarili natin, make ourselves realize that love can cause too much pain.

Yung nararamdaman ko siguro para sa kanya parang prutas hinog sa pilit. Diba kapag gano'n ang prutas maasim o hindi maganda ang lasa? Sa akin naman, minadali kasi kaya ang ending? Nasaktan, nasaktan ako kasi hindi ako nag-isip, pero kasi ano pa nga bang iisipin mo kung umiral na ang puso?

Ang hugot ko ba masyado? Nahawa lang ako kay Ara, nadali kasi ng one sided love. Mag-bestfriend nga kami.

Siguro nga tama siya, Infatuation lang 'to mabilis ko din naman siguro 'tong makakalimutan.

"Hindi nga? Engaged na sila? Lalong yayaman ang pamilya nila, yung isa may ari ng isa pinakasikat na clothing line ngayon may bonus pa, ang ganda niya kayang model tapos yung isa naman may ari ng sangkatutak na bussiness sa iba't ibang bansa"

"Oo nga! Nabasa ko lang kanina yung article about sa kanila. Ang sabi 'Steven Ace Scott is now officially engaged with Kisses Monteverde'. Tapos may picture pa nga doon na sobrang sweet nilang dalawa" 

Halos nabingi ako dahil sa narinig ko sa dalawang babaeng nasa unahan namin. So that explains kung bakit hindi niya ako mahal. Engaged na agad sila?

Bakit naiiyak na naman ako? Diba nga infatuation lang 'to! Eh bakit naiiyak ako?

"Anak okay ka lang?"

"I don't know" hanggang sa makasakay kami sa eroplano wala pa rin akong imik.

Ms. Sungit And Mr. Yabang (COMPLETED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon