His POV
Alam niyo hindi ko maiwasang mainggit kay Steven. Paano ba naman siya kata-transfer pa lang tapos siya nahawakan na yung kamay ni Akiexhia, nabuhat na siya, nginitian na din siya si Akiexhia pero ako never pa yang nangyari sa akin.
Gustong-gusto ko na ako yung laging nandyan para kay Akiexhia sa tuwing kailangan niya ng tulong kung baga parang knight in shining armor niya at siya yung prinsesa ko. Pero malabong mangyari iyon ni umamin nga sa kanya hindi ko magawa eh, baka mailang lang yun sa akin kapag masyado kong in-express ang feelings ko. Naguguluhan na din ba kayo kung sino ako? Tanong niyo sa nanay ko.
Unknown POV
I wish I can be the one who will always be by her side.
Steven's POV
"Eto masakit?" tanong ko kay Akiexhia habang hawak ko yung paa niya.
"Hindi, ito lang talaga yung masakit" turo niya.
"And our new Mr. M.G. University is.....
Steven Ace Scott" rinig kong announce nung judge pero wala akong balak iwan dito si Sungit.
"Hoy tawag ka na dun, pumunta ka na. I can handle myself" sabi niya sabay kuha ng paa niya kaya napangiwi siya.
"I can handle myself tapos nung kinuha yung paa, umaaray"
"Eh sa masakit ah, doon ka na nga"
"Dito muna ako, hindi naman masakit ang paa noon kaya okay lang, ikaw yung napilayan kaya dito na lang ako" napakunot noo si Sungit ng sabihin ko yun, bakit may nasabi ba akong ma- ay shet! Baka kung anong isipin nito! Bago pa ako makapagsalita nagsalita na siya.
"Ang bait mo ata sa akin ngayon, anyare? Ikaw ba talaga si Yabang?" tanong niya sabay hawak sa baba ko para tingnan ang mukha ko, tinanggal ko naman agad 'yon dahil parang bigla akong kinilabutan.
"Ewan ko sa'yo, ano dalhin muna kita sa ospital para matingnan yung paa mo?" tanong ko habang tinitingnan maigi yung paa niya, hindi ko kasi pwede 'tong galawin.
"Mamaya na lang sila Dad na, pumunta ka na doon baka hinahanap ka na" sabi niya sabay tulak sa akin.
"Dito nga muna ako, besides patapos na naman" sabi ko at ng may maisip akong kalokohan natawa na lang ako ng palihim, sakto at hindi siya nakatingin.
Nilabas ko ang cellphone ko dali dali siyang kinukahaan ng picture, nung mapansin niyang tumatawa ako tumingin siya sa akin na nanlalaki ang mata, kaya lalo akong natawa sa mga nakuha kong pictures.
"Hoy tigilan mo nga 'yan!" sabi niya at akmang kukuhanin ang cellphone ko pero iniwas ko agad at dahil hindi siya makatayo no choice si Sungit.
Tuloy-tuloy lang ako sa pagkuha ng pictures habang tumatawa pa rin napatigil lang ako ng tumayo siya at kukuhanin pa rin yung cellphone ko ng biglang na-out of balance siya buti na lang nasalo ko siya.
"Ang kulit kasi eh, alam ng hindi kaya pipilitin pa" sabi ko habang hawak ko parin ang bewang niya at naka-tingin sa kanya.
Ilang segundo o minuto pa ang lumipas at nasa ganoon pa rin kaming posisyon ng biglang may magsalita.
"Sabi sa'yo mamaya na tayo pumunta eh nagmo-moment pa yung dalawa eh" sabi ng nakangising si Ara sa amin.
Napabitaw naman agad sa akin si Sungit pero napakapit ulit siya sa braso ko dahil masakit pa nga yung paa niya.
"H-hoy tumigil nga kayong dalawa!" sita niya doon sa mga kaibigan niya na lumapit na sa kanya para tulungan siyang umupo.
"Babalik na ako doon Akiexhia may kasama ka naman eh" sabi ko at lumabas na.
BINABASA MO ANG
Ms. Sungit And Mr. Yabang (COMPLETED)
Teen FictionUNEDITED EXPECT ERRORS. Paano mo ba masasabing mahal mo talaga ang isang tao? Date Started: March 22,2017 Date Finished: May 29, 2018
