Chapter Twenty Two

2.5K 99 1
                                        

Steven's POV

"Candidates mag-ready na kayo, the pageant will start in five minutes"

Lalo tuloy akong kinabahan doon, tapos etong katabi ko parang walang pake sa nangyayari.

Parang ang laki na naman ng problema aba! Pero sandali bakit ba pinoproblema ko kung ano man ang iniisip niya?

After five minutes nagsimula na nga ang first part ng pageant. Ipinakilala muna ang judges dapat ang admin daw ang judge kaso tumanggi daw.

Next ng tatawagin yung mga candidates at dahil nasa section A kami, kami ang unang tatawagin.

"So now, alam kong hinihintay niyo na rin ang paglabas ng mga nag-gagandahan at nag-gagwapuhang contestants natin para sa ating Search For Mr. And Ms. M.G. University, hindi ko na patatagalin pa" panimula nung emcee at sandaling tumigil, hindi na daw patatagalin pero kung ano-ano pang sinasabi.

"So now let's give a big round of applause for the representatives of Section A, Mr. Steven Ace Scott and Ms. Akiexhia Cristel Collins!!"

At lumabas na kaming dalawa ni Sungit.

"Hey, ngumiti ka naman kahit kaunti" bulong ko sa kanya at hinawakan ko muna yung kamay niya bago kami umakyat sa stage.

The moment we step on the stage.....

"Wahhhhhhhhh!!!! Go! Akiexhia!" isang napakalakas na sigaw ang sumalubong sa amin. Mukhang hindi sila students dito ah!

"Introduce yourself please"

"Good Evening everyone, I am Steven Ace Scott and I proudly represent our section, Section A" I winked at the audience after saying those words. Shet! Sa sobrang kaba ko nalimutan ko yung sasabihin ko talaga.

"Good Evening, I am Akiexhia Cristel Collins from Section A, believes that a pretty face is nothing when you have an ugly heart, Thank You" hindi ba talaga siya kinakabahan? After ng ilang shot ng picture, tinawag na yung iba.

Dapat kasi thirty kaming lahat na contestant kaso napagkasunduan nung ibang section per year na isa na lang ang kukunin nila kagaya sa amin, bawat year kasi sa amin may five sections, ang kumuha talaga ng bukod na contestant ay section A at B yung C,D,E isa na lang ang kinuha nila.

Natapos na yung pagpapakilala ng mga contestant. At ngayon kinakabahan na naman ulit ako dahil sunod na ang talent portion namin although kami naman ang mahuhuli kinakabahan pa rin ako.

"Wag mo kasi masyadong isipin yung mga taong nanunuod sa'yo, 'wag mong pairalin yang kaba mo kasi kapag nangyari yon kahit gaano ka kagaling mame-mental block ka na, katulad kanina" nagulat ako ng magsalita bigla si Sungit mula sa likod ko.

Inaayos na niya yung gitara niya kaya inayos ko na rin yung pagkakatono nung akin mamaya magkamali pa ako.

Nung nakapagbihis na kami nag-isang pasada lang muna kami, napagkasunduan din namin na gumamit pa rin ng minus one in case na magkaaberya.

"Last but definitely not the least, syempre papatalo ba naman ang section A, Mr. Scott and Ms. Collins"

And again ang lakas na naman ng hiyawan nila, hindi ko alam kung dahil ba sa suot niya pero maayos naman yung suot niya, baka..baka? Ah ewan.

Pagtungtong namin ng stage biglang may lumipad na pie daretso sa mukha ni Akiexhia dahilan para magkagulo ang audience.

"WHO THROW THAT F**KI*G PIE?"

Sumenyas lang siya na okay siya pero alam kong hindi.

"Masakit ba?" tanong ko pero hindi niya ako sinagot. Kinausap ko muna yung emcee para pakalmahin niya yung audience at isingit na muna yung intermission number ng elementary.

Dinala ko muna si Akiexhia sa backstage.

"Hey, answer me. Masakit ba? Patingin nga ako" sabi ko sabay hawak ng baba niya para tingnan yung mukha niya.

Hindi ko alam kung bakit pero kahit na halos matakpan na ng pie yung mukha niya para sa akin ang ganda niya parin pero hindi nakaligtas sa paningin ko yung luha na nangingilid sa mata niya.

Pinunasan ko muna yung mukha niya para matanggal yung pie.

"Akiexhia sumagot ka nga, naiinis na ako. Okay ka lang ba?"
Inis na tanong ko sa kanya.

"Sa tingin mo okay lang ako? After that freaking punishment nagsimula lahat ng ito, yung pambubully ni Kisses tapos hanggang dito, she's the one who threw that pie. Kung ikaw yung nasa posisyon ko kanina anong mararamdaman mo ha? Hindi ako robot Steven para hindi makaramdam ng hiya sa sarili ko dahil sa nangyari then you will ask me if I'm okay na ganyan pa yung tono mo? Tapos ano after this ikaw pa yung magagalit kasi ganito yu-"

Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita dahil umiiyak na siya.

I hugged her.

Hindi ko alam kung bakit ko 'to ginagawa pero pakiramdam ko naapektuhan ako sa lungkot niya.

"I'm Sorry, tumahan ka na. Sa ngayon oo hindi kita maintindihan pero alam kong may sarili kang dahilan kung bakit ka nagkakaganyan. I didn't know what you been through kaya wala akong karapatan na magalit kung ganyan ang nasasabi mo. Now tell me gusto mo pa bang tapusin 'to?" tanong ko sa kanya habang hinahagod ko yung likod niya para kumalma siya pero ayaw eh.

"You know what? Minsan nasasabi ko sa sarili ko na ikaw yung pinagmulan nitong lahat pero alam ko naman na wala ka din namang kasalanan" sabi niya sabay bitaw sa akin.

"Sorry sa drama ko ha! Nagkapatong patong na kasi yung mga iniisip ko eh dumagdag pa si Kisses. Mas nakakahiya kung hindi tayo tutuloy. Lilinisin ko lang yung mukha ko" sabi niya sabay ngiti sa akin, a genuine one.

Alam niyo hindi ko alam kung paano namin natagalan yung kanina, nakita ko naman yung side niyang iyon. Pangalawang beses na.

Natapos na siyang mag-ayos at..at... Okay! I admit, ang ganda na niya.

Umakyat na ulit kami sa stage dala ang gitara namin. Parang walang nangyari kanina kung makangiti si Akiexhia pero mas maganda yung ngiti niya sa akin kanina, ang sarap sa feeling pagmasdan. Oh kayo ha! Wag niyong sasabihin doon sa sungit na yon ang mga sinasabi ko, mamaya kung ano isipin noon.

"I'm sorry about earlier, but now I'm here again. Minsang nadapa pero muling babangon" sabi niya sa mic bago kami magsimula kaya nagtawanan ang audience.

"Ngayon humanda na kayong kiligin sa talent portion nila Mr. Scott at Ms. Collins, let's give them a round of applause.

Then nagsimula ng mag-play yung music at nagstrum na rin kami.

Tumingin ako kay Akiexhia before I start singing.

Ng magsimula na akong kumanta lalong umingay ang audience, pero parang hindi ko naman sila naririnig dahil ang focus ko nandito sa babaeng kaharap ko.

Hindi nga maitatangging maganda ang boses ni Akiexhia, sobrang sarap pakinggan.

Kisses' POV

Letse talaga yung babaeng iyon masyado talagang pabida. Ako dapat yung pinapalakpakan hindi siya. Akin dapat ang spotlight na yon, akin.

His POV

Nung makita ko si Kisses sa may bandang likod ng Auditorium nagmadali akong puntahan siya.

"Ano bang problema mo? Bakit mo siya binato ng pie?" tanong ko sa kanya habang hawak ko ang braso niya.

"How great? Ano ba talaga sa inyo yang babaeng yan at ganyan kayo umasta when it comes to her?"

"Tinatanong mo kung ano siya sa amin? Sa kanila hindi ko alam pero para sa akin, MAHALAGA siya para sa akin at ayokong nakikitang nalulungkot o nasasaktan siya, kasi kapag nangyari 'yon kahit ikaw hindi ko palalampasin"  sabi ko at iniwan na siya doon.

-----------------

Ms. Sungit And Mr. Yabang (COMPLETED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon