Chapter Forty Three

2.3K 68 0
                                        

Akiexhia's POV

Being true to his words, niligawan nga ako ni Steven, malapit ng mag two months. At hanggang ngayon hindi pa rin niya alam na mutual ang feelings namin, pero sa actions ko towards him, I doubt it.

"Labas tayo, ka-boring eh" reklamo ni Ara habang kumakain ng popcorn. Sabado ngayon at nakagawian na namin na tumambay dito sa bahay.

Sa loob ng isang buwan mas naging close kami sa boys. Unlike before na poker face lang si Hayden, ngayon improving na nakikipag-asaran na sa amin. Si Kayden mas lalong kumulit. Si Gray laging asar-talo lalo na kapag kaming tatlo ang nang-asar. Si Ara mukhang inlove, mukha lang di ako sure eh. Su Chelsea kikay as ever. At si Steven mas naging corny at sweet towards sa akin, sa kanila madalas siyang nambabara. At ako, happy.

"Saan naman tayo pupunta?" tanong ko, halos napuntahan na namin lahat ng pinaka-malapit na malls dito.

"Road trip tayo, isang van na lang. Yung violet na van" sabi ni Ara sabay tingin sa akin.

"Who will drive" walang ganang sabi ko at bigla na lang silang sumigaw at tumakbo na palabas, except Steven.

"Okay ka lang? Ayaw mo bang sumama? I can stay with you" sabi niya sa akin.

"Sasama ako 'no, baka sasakyan ko 'yon" sabi ko at natawa na lang siya saka ako hinila sa kamay.

"Akala namin hindi na kayo sasama at magla-loving loving na lang kayong dalawa eh" kantyaw sa amin ni Kayden. Pakiramdam ko nangangamatis na naman ako.

"Nagliligawan pa lang ba talaga kayo? Bakit daig niya pa ang in a relationship sa ka-sweet-an?" pahabol pa niyang tanong.

"Aalis ba tayo oh ano?" sabi ko at bigla na lang silang nagsi-pasok sa loob.

"Mom, we're going" sabi ko kay Mommy sabay pakita ng susi. Tinanguan na lang niya ako at sumakay na kami ni Steven. Sa pinaka-likod kaming dalawa. Driver namin ngayon si Gray, palit-palitan lang naman ang boys kapag may roadtrip kami eh.

"Bili muna tayong foods" pa-sigaw na sabi ni Chelsea.

"Again, Again"

"Agaian and Again and Again" kanta namin ni Ara habang natatawa.

"Bakit ba kayo ganyan?" maktol ni Chelsea kaya natawa na lang ako.

"Saan niyo ba napulot yang tono niyan ha! Kaasiwa!" inis pa niyang sabi.

"Barbie and the Popstar" sabay naming sabi ni Ara.

Napuno ng asaran ang van dahil kay Chelsea.

"What do you want, ako na lang bibili dyan ka na lang at masyadong mainit" sabi sa akin ni Steven ng tumigil kami sa 7-eleven.

"Heh! Ka-sweetan niyong dalawa over na, pati tuloy langgam nagka-diabetes" asar sa amin ni Ara.

"Hahaha, don't worry Ara, hindi matutulad do'n ang bestfriend niyo, low in sugar 'to kasi ayaw kong nagkakasakit si Akiexhia kaya nga nagtataka ako kung bakit nagka-diabetes yung langgam. Ganoon na ba ka-sweet mag-mahal ang isang Steven Ace Scott, Akiexhia?" painosenteng tanong niya na nagpatili sa bestfriends ko at nagpahalakhak sa boys. Patulan daw ba ang kalokohan nila Ara.

"Bumili na nga lang kayo, dami niyo arte eh" sabi ko at isinara na ang pinto ng van, naiwan kaming tatlo kaya nagisa na naman ako ng pang-aasar nila.

"Gaano ba talaga KA-SWEET mag-mahal si Steven?" malokong tanong sa akin ni Ara.

"Sa akin na lang 'yon" sabi ko at pumikit para magkunwaring natutulog.

"Ang damot!"

Ilang minuto ko pang narinig ang pang-aasar nila bago bumukas ang pinto ng van.

"Gaano nga kasi ka-sweet Akiexhia?" pangungulit pa nila Ara.

Napatawa naman doon ang katabi ko, sino pa ba?

"Tinatawanan mo ako?" tanong ko sa kanya.

"Hindi ah, yung tanong ang tinatawanan ko" sabi niya pero inirapan ko lang siya.

"Ikaw na nga lang Steven, gaano ka ka-sweet?"

"Ewan, dapat si Akiexhia sumasagot niyan. Hindi ko naman kasi alam eh, ginagawa ko lang kasi kung ano ang sinasabi ng puso ko" sabi niya kaya napuno na naman ng halakhakan ang buong van.

"Kailan ka pa naging corny 'pre?"

"Since the day na minahal ko siya. Tama ba ako Akiexhia?" sabi niya sabay lapit ng mukha niya sa mukha ko.

"Umayos ka nga, di ka lang corny. Landi mo na din" sabi ko sabay tulak palayo ng mukha niya.

Hindi ko alam kung saan kami pupunta dahil ang tahimik ng driver namin ngayon.

"Inaantok na ako, nasaan na ba tayo?" tanong ko pagkatapos kong humikab.

Walang sumagot sa akin dahil mga tulog na sila. Mula sa nasa front seat hanggang katabi ko tulog. Ni si Gray ayaw sumagot. Roadtrip, tapos mga tulog?

Nabigla na lang ako ng hinila ako ng katabi ko at isinandal ako sa balikat niya.

"You can sleep" sabi niya at tsaka ako inakbayan para mas maging maayos ang pagkakasandal ko.

Napangiti na lang ako sa action niya. Paano nga ba naman naka-diabetes ang langgam?

Eh sa akin siya sweet!, assumerong mga langgam! Sila ba ako?

Hayden's POV

Ang sakit pala. Alam kong wala akong karapatan na magreklamo kung nasasaktan man ako sa nakikita ko pero ang sakit lang talaga.

Kahit na hanggang friends na lang ang pwede naming maging ugnayan, pinatos ko na. Nakaka-gag* naman kasi, magmamahal na lang ako doon pa sa may mahal na.

Nasasaktan ako the mere fact na wala man lang akong kahit anong nagawa para iparamdam sa kanya na mahal ko siya. Kung bakit daw ba kasi saksakan ako ng torpe!

Ang dami kong pinagsisisihan. Ang daming what if's. Tngn*ng pag-ibig kasi 'yan! Kung sana kasi noon pa ako umamin baka may nagbago pa.

"Pre tanggapin na lang natin na sadyang hindi para sa kung sa sino sa ating dalawa si Akiexhia. May reasons 'yan pre. Baka nakilala natin siya para malaman natin ang meaning ng love, pagpaparaya" sabi sa akin ni Gray na seryosong nagmamaneho. Alam pala niyang gising ako.

"Nagi-guilty ako sa usapan niyo!" nagulat kami kay Steven ng magsalita siya habang nakatingin sa rear view mirror. Ang sakit sa mata. Parang sila na talaga kung titingnan sila ngayon.

Nakasandal si Akiexhia sa balikat ni Steven, habang si Steven nakaakbay o mas tamang nakayakap habang nakasandal ang ulo sa ulo ni Akiexhia.

"Sige lang maguilty ka" pabirong sabi ni Gray. Nilagay niya yung headphones niya kay Akiexhia at tsaka sumagot sa amin.

"Just tell me kung medyo nao-awkward-an na kayo sa mga ginagawa ko. Kaibigan ko pa rin kayo at ayaw kong magkasira-sira tayo dahil sa nararamdaman natin" sabi pa niya.

"Drama mo" sagot sa kanya ni Gray.

"Inggit ka lang eh" sabi ko sa kanya.

"Nagsalita ang hindi inggit!" napatawa na lang kami dahil sa usapan namin dahil sa paggalaw ni Akiexhia na parang naiingayan. Lagyan daw ba ng headphones. Pero mas napatigil ako ng makita kong napayakap na din si Akiexhia sa kanya. Napailing na lang ako.

"Oh paano ba 'yan wala akong ginagawa ah, tulog eh" pabirong sabi ni Steven at tsaka kami natawa ulit.

Tumatawa kahit masakit. Kabading ang pucha!

------------

Two chapters to go!!!

Ms. Sungit And Mr. Yabang (COMPLETED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon