Chapter Thirty Nine

2.1K 91 0
                                        

Steven's POV

Bwisit. Pagdating ko sa bahay dumiretso agad ako sa kwarto para magshower, baka sakaling mabawasan ang init ng ulo ko.

Ano bang relasyon ni Hayden at Akiexhia at may pa-I miss you at I love you na sinasabi si Akiexhia habang kausap ang gunggong na 'yon?

Bakit ba ako nagagalit? Eh ano naman kung sila nga? Anong pakealam ko? T*nga Steven may pakealam ka! Bestfriend mo si Akiexhia. Tama Bestfriend ko siya kaya ako ganito.

Lumabas na ako ng banyo at naabutan ko si Britney na nakahiga sa kama ko.

"Akala ko ba buburahin mo na 'tong mga pictures ni Ate Akiexhia sa phone mo?" tanong niya sa akin habang hawak hawak ang cellphone ko.

"Ano naman kung andyan 'yan? Bestfriend ko naman si Akiexhia" sabi ko at kinuha ko sa kanya yung cellphone ko.

"Pero, nung sinabi mo na buburahin mo na 'yan hindi mo pa alam na si Ate Akiexhia at si Ate Cristel ay iisa, after one week mo pa 'yun nalaman. Ano 'yun sa loob ng isang linggo hindi no man lang nabuksan ang gallery mo?" sabi niya sa akin habang nakataas ang kilay niya.

"Anong pinaparating mo?"

"Bakit ang bad mood ka?"

"Wag mo akong sagutin ng tanong Britney?" inis kong sabi sa kanya.

"Bakit ka nga kasi bad mood kuya?" pangungulit pa niya pero hindi ko na siya nasagot dahil biglang tumawag si Kayden.

Sasagutin ko na dapat ng biglang inagaw ni Britney 'yung cellphone ko at tumakbo sa loob ng banyo at nag-lock.

"Britney 'yung cellphone ko!"

"Ayaw mong sabihin yung dahilan kung bakit ka bad mood edi itatanong ko na lang"

"Hello, Kayden?" bungad niya sa tawag.

"Edi si Britney!.... Si Kuya?.....Andun sa labas bad mood.......Bakit nga pala 'yun bad mood? Nag-away kayo?........Talaga?.......Anong sabi ni Ate Akiexhia.........Hahahaha, okay sige, pass muna si Kuya kakausapin ko muna. Bye!" sabi niya at lumabas ng banyo sabay hagalpak ng tawa.

Halos gumulong na din siya sa sahig dahil sa kakatawa.

"Kuya, ikaw may sapak o baliw?" tanong niya sakin ng mahimasmasan siya. Isinara niya din yung pinto ng kwarto ko at ni-lock.

"Bago mo sagutin 'yan, eto muna. Anong pinoproblema mo? Wala namang makakarinig, sabihin mo na!" sabi niya sa akin sabay sundot sa tagiliran ko.

"Wala, lumabas ka na. Ikaw ang baliw" sabi ko.

"Eh bakit ka nagseselos?"

"Sinong may sabi sayong nagseselos ako? Kanino naman?" inis kong singhal sa kanya.

"Sabi ni Kayden" sabi niya.

"Kanino naman ako nagseselos?"

"Bakit ako tinatanong mo? Pero sige dahil nga in-denial ka, sasabihin ko. Selos ka daw kay Kuya Hayden, minura mo pa nga daw sa phone" sabi niya, my jaw clenched ng marinig ko 'yon at maalala yung usapan nila kanina ni Akiexhia. Peste!

"Sandali nga, bakit hindi mo tinatawag na Kuya si Kayden? Anong meron doon sa gunggong na 'yon?" tanong ko sa kanya na nagpataas ng kilay niya.

"Kuya utak mo ha! Masyado lang siyang isip bata kaya hindi bagay sa kanyang matawag na kuya. Sandali nga nililihis mo 'yung usapan natin eh" singhal niya sa akin kaya natawa na lang ako.

"Kuya isang tanong isang sagot. Ano para sayo si Ate Akiexhia?" seryosong tanong niya.

"Bestfriend" totoo naman eh, bestfriend ko naman talaga siya.

"Anong pakiramdam kapag magkasama kayo?"

"Awkward?"

"Anong feeling kapag nagdidikit kayo o kaya naman kapag niyayakap mo siya?"

"Parang nakukuryente?"

"Anong naramdaman mo nung narinig mong nag-I love you si Ate Akiexhia kay Kuya Hayden?"

"Nagalit, bwi-"

"Isang tanong isang sagot lang, no explanation needed. Ngayon ano para sa'yo si Ate Akiexhia?"

"Paulit-ulit? Bestfriend nga sabi!"

"Bakit sa tingin mo ganoon ang nararamdaman mo kapag magkasama kayo?"

"Ano bang klaseng mga tanong 'yan?"

"Sumagot ka na lang kasi!"

"Aba, eh malay ko kung bakit!" siya ata ang baliw eh, kung ano-anong tinatanong.

"Kuya alam mo, kagaya nga ng post ko noon, you cannot fool yourself. Kahit papaniwalain mo ang sarili mo sa isang bagay kokontrahin ka lang ng utak at nararamdaman mo lalo na kung mali ang pinaniniwalaan mo" seryosong sabi niya at eto na naman kami, kung ano-anong sinasabi niya hindi ko naman maintindihan. Pinag-kunotan ko na lang siya ng noo dahil hindi ko talaga siya magets.

"Hindi mo kasi iniitindi yung nga sinasabi ko sa'yo eh. How many times do I need to tell you Kuya na in order to understand you must accept first!" sabi niya na lalong nagpakunot sa noo ko.

"Ngayon ano ulit para sa'yo si Ate Akiexhia?"

"Bakit ba ang kulit mo?"

"In-denial ka kasi Kuya, maiinis ka kay Kuya Hayden tapos hindi mo alam kung bakit, minura mo pa! Think about it kuya" sabi niya at lumabas ng kwarto ko.

"Ang hirap makipag-usap sa in-denial!" sigaw pa niya pagkalabas.

After One Week

Isang linggo ko ng pinag-iisipan kung ano 'yung mga sinasabi ni Britney. Sa loob din ng isang linggong 'yon tahimik lang ako, halos hindi ko na din kinibo si Akiexhia at ang iba pa. Nakakainis. Pati si Akiexhia hindi ko makausap dahil sa pesteng isipin na 'to!

Bakit ba lahat sila pinapalabas na may gusto ako kay Akiexhia? Hindi ba nila maintindihan na BESTFRIEND ko siya, yun lang 'yon!

Akiexhia's POV

Isang linggo na akong hindi kinakausap ni Steven. Nagta-try akong kausapin siya kaso parang laging badtrip. Isang linggong badtrip?

Ni text o tawag wala. Sandali why am I acting like his girlfriend? Nah, yes I'm his girl friend, babaeng kaibigan at normal lang naman siguro 'to diba?

At hanggang ngayon kinakantahan pa rin nila ako, walang ara-

"Oh girl manhid ka, manhid ka, walang pakiramdam" like what I'm saying bago sila umentra ng kanta nila, walang araw na hindi nila ako kinantahanan niyan.

Hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung bakit nila ako kinakantahan niyan. Bakit nga ba?

Tapos pati yung kwintas ko na bigay ni Hayden, pinapakealaman pa din nila. Kesyo, wala daw ba talaga akong idea kung anong meaning ng kwintas as a gift from a guy at kung ano-ano pa.

Hindi ko na masyadong pinagtutuunan ng pansin yung mga kung ano-ano nilang sinasabi dahil masyado na akong pre-occupied dahil kay Steven.

Bigla na lang siyang naging cold sa akin, sa aming lahat. Hindi man lang niya ako makausap kahit sandali kapag naman tatanungin ko siya kung may problema puro iling lang ang sagot niya sa akin tapos biglang magwo-walk out. At higit sa lahat bakit ba ganito ang nararamdaman ko? Akiexhia, don't overthink, okay! Kaibigan ka niya kaya ka concern okay!

Pero hindi eh, hindi talaga ako mapakali ng ganito, yung hindi niya ako kinakausap parang wala na lang ako sa kanya. Hindi na ba ako mahalaga sa kanya para i-ignore niya ng ganito?

Am I not worth of his attention?

Pero in the first place, bakit ang O.A ko magtanong?

------------------

I just like to inform you guys na malapit ng matapos 'tong story, maybe six chapters na lang ang natitira and I hope mabigyan ko ng hustisya ang sinimulan kong story.

Thank you sa lahat ng readers. Thank you sa lahat ng nagbo-vote at sa mga comments nyo. I appreciated every single read, vote, and comment.

Feel free to comment your reactions.

Ms. Sungit And Mr. Yabang (COMPLETED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon