Kisses' POV
F*¢k this sh!t, pakana siguro ito ng lintik na si Akiexhia.
"Yes Ma'am" sagot nila Ara at Chelsea sa tanong kanina.
"Mr. Monteverde you may now leave mamaya tayo mag-usap" utos ni Mr. Collins kay Daddy.
"Kailan pa ito nagsimula?" mahinahon pero super creepy ng pagsasalita ng daddy ni Akiexhia.
"Bakit hindi ka nagsasabi sa amin Akiexhia?" nagsisimula ng maging seryoso ang boses ng daddy niya na nakadadagdag sa awkward athmosphere.
"I'm sorry Sir-"
"Don't call me like that I'm your father" what? Kapag ako kailangan Sir ang tawag kay Daddy tapos siya Kahit ano okay lang? UNFAIR!
"You're out of the rules from now on" dagdag pa ni Mrs. Collins
"I'm sorry Dad, I thought I can handle it by myself kaya hindi ko na sinabi at tsaka ayaw ko pong dumagdag pa sa problema niyo alam ko pong intindihin niyo rin ang business natin" sus! Arte lang yan, paawa effect porket andyan ang magulang.
"The two of you may alam ba kayo dito?" baling naman nila doon sa dalawa ni Hayden at Steven.
"Hindi lang po kami marami po, pero apat po kaming laging nakakakita sa ginagawa nila" ano 'to? Tatawag pa ng back-up wag nilang sabihing pagtutulungan nila kami.
"Then call the other two. Ngayon na" pasigaw na sabi ng Daddy ni Akiexhia that send creeps down to my spine. So creepy!
Maya-maya dumating na yung dalawa.
"Tell us the story"
"Nagsimula po ang lahat dahil sa pagmamaktol ni Kisses dahil dapat daw po siya ang napiling representative ng section namin kung hindi dahil kay Akiexhia"
"Noong una po ay through words lang po si Kisses pero later on po, kapag hindi niya sasabunutan si Akiexhia, itutulak niya o sasampalin"
"Ipinapahiya din po niya si Akiexhia sa gitna ng quadrangle at sinasabihang famewhore, malandi at kung ano-ano pa"
"At kanina lang po sinira po nila ang dress ni Akiexhia"
"Gaano na yan katagal?"
"Almost One month p-"
"One month and no one tell us, isang buwan? Anak ka ng isang teacher then ganyan ang attitude mo Ms. Monteverde. And Akiexhia kahit gaano kami ka-busy, you should atleast tell us. Isang buwan kang sinasaktan ng mga yan at hinahayaan mo lang" sigaw ni Mr. Collins na nagpatahimik sa aming lahat. Pilit siyang pinapakalma nila Akiexhia.
"I want to talk to your parents, the three of you!"
"But you should atleast listen to our explanations" sagot ko ng hindi na ako makapag-timpi.
"Explation? About what? Na sadyang makitid ang utak mo" biglang sabat ng magaling kong pinsan na si Hayden
"I'm not talk-"
"He's right, so you don't have any right to protest about what I said, now all of you get out! Except you Akiexhia" sabi pa ng daddy niya at umalis na kami.
"Queen what are we gonna do baka ipatawag nga nila sila mommy and worse baka ma-expel tayo. I don't want that to happen" pagmamaktol pa ni Chelsea. Ang arte bwiset.
"Pwede ba wag na kayong dumagdag sa init ng ulo ko!" bulyaw ko sa kanila.
"And now you're yelling us! Noong humihingi ka ng tulong sobrang lambing mo then now na sasabit kami sa kalokohan mo ni hindi mo kami matulungan" sumbat sa akin ni Ara.
"I don't care Shiara, um-oo kayo kaya wag mo akong sisihin"
"Um-oo kami kasi mapilit ka, um-oo kami kasi hindi ka namin mahindian dahil kaibigan parin ang turing namin sa'yo but it looks like na wala lang kami sa'yo, buti na lang talaga at hindi na napasama sa'yo o sa'tin si Akiexhia, you're just a piece of shit compared to her" sabat naman ni Chelsea.
Now they are against me, edi magsama silang lahat.
"Wag na wag mo akong kakausapin ng ganyan Chlesea, bakit ano bang ipinagmamalaki niyo ha?"
"Ito" sabay turo ni Ara sa sintido niya. What now? Are they telling me na bobo ako?
"Aminin mo man o hindi, kaya ka nasa pilot section ay dahil sa daddy mo and because of cheating, akala mo hindi ko alam na kaya gustong-gusto mo na ikaw ang maghatid ng test papers sa office ng mga teachers natin ay para kumopya at palitan ang sagot mo, it's either sa akin, kay Chelsea, o kay Akiexhia galing ang sagot" h-how do t-they k-know? Hindi pwedeng may ibang makaalam.
"Th-that's not true" sabi ko at pilit na pinapatahimik si Ara.
"Wag mo ng itago, elementary palang tayo ginagamit mo na si Akiexhia para makapasa sa mga test, pero generally you're an idiot, much more stupid than those who are in lower section"
"How dare you bitch" akmang sasampalin ko na si Ara ng may pumigil sa kamay. Sino pa ba? Edi si Akiexhia the great.
"Don't you dare Kisses" at pabato niyang binitawan ang kamay ko.
Hinigit na niya yung dalawa palayo sa akin. That traitors! Kung mae-expel ako I will make sure na kasama kayong dalawa.
Akiexhia's POV
I pull Chelsea and Ara away from Stacey.
"Ahhmm... Akiexhia thank you" sabi sa akin ni Ara.
"Don't thank me Shiara, just stay away from that brat kung hindi niyo na yun matiis wala ako lagi para harangin ang sampal niya"
With that, I walked away from them. Gustuhin ko mang yakapin sila pero hindi pwede, kapag nakarating kay Kisses na nagiging okay na kami pag-iinitan din silang dalawa.
Steven's POV
"Pre puntahan kaya natin si Akiexhia baka abangan yun nung tatlo" biglang sabi ni Kayden na nagpalingon sa aming tatlo.
Magkakasama kaming apat ngayon dito sa green house dahil wala kaming klase, may meeting yung mga teachers kasama ang admins.
"Maka-tawag ka ng pre ah, close tayo?" singhal ko sa kanya sabay batok.
"Ay ganyan ka eh, hindi ba tayo close ng ganitong lagay, kapag nga may vacant tayo lagi tayong magkaka-sama ano yun na-timing-an lang?" sabi niya sabay tingin doon sa dalawang akala mo'y pipi, parang si Akiexhia ang dalang magsalita.
Pero, sabagay may point si Kayden, lagi nga naman kaming magkakasama pero siya lang naman ang dumadada, taga-tango at tawa lang kaming tatlo, close na ba kami pag-ganon?
"Trip lang talaga natin magsama-sama" ngingiti-ngiting sabi ni Gray.
"Speaking of trip, anong trip nating apat at nag-aala superhero tayo kay Akiexhia?"
"Ewan ko, pero naiinis lang ako doon sa pinsan kong spoiled brat kung sino-sino pinagti-tripan, but somehow I think may iba pang dahilan" Sagot sa akin ni Kayden.
"Ako? Inis din ako kay Kisses at tsaka ano pa ba? Secret na lang" ngingisi-ngising sabi ni Gray.
"Ay gag*han nagtatanong nga tapos secret?" sabat ni Hayden sabay bato kay Gray ng pinagkainan niya.
"Pero ako, there is something na nagsasabi sa akin na tulungan siya, balewala naman sa akin kung mabangasan si Kisses eh katangahan din pinapaiiral noon lagi eh" natatawang sabi ni Hayden.
"Ang sama sa pinsan eh, pero ano ba iyang something at secret na sinasabi niyo?" tanong ko sa kanilang tatlo.
"SECRET" sabay sabay nilang sigaw sa akin.
"Sandali- baka naman may gusto kayo kay Sungit?" I eyed them seriously at natawa na lang ako sa facial expression nilang tatlo.
"ULUL" sabay sabay ulit nilang sabi sabay sapok sa akin. Ang bayolente eh.
Kung ako ang tatanungin kung bakit ko tinutulungan si Sungit, I don't know the answer either.
------------
BINABASA MO ANG
Ms. Sungit And Mr. Yabang (COMPLETED)
Teen FictionUNEDITED EXPECT ERRORS. Paano mo ba masasabing mahal mo talaga ang isang tao? Date Started: March 22,2017 Date Finished: May 29, 2018
