Chapter Thirty-One

2.4K 90 2
                                        

Akiexhia's POV

Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari kanina.

Kinuha ko ulit yung letter na bigay ni Gray at binasa yon.

Hi Akiexhia!!

Siguro sa oras na binabasa mo'to nagtataka ka kung sinong magbibigay sa'yo ng isang love letter. Maniwala ka man o hindi maraming nagtatangka at gustong magbigay sa'yo ng letter pero nauunahan ng kaba, at isa ako doon for the past years na may gusto ako sa'yo palihim kung titigan kita. Ni hindi kita makausap ng maayos dahil nahihiya ako at natatakot na baka sungitan mo lang ako. Hindi ko alam kung gusto lang ba kita o ano, basta para sa akin mahalaga ka. Don't worry about Lea nakausap ko na siya, and I hope tumigil na din siya sa ginagawa niya. I hope nagustuhan mo yung binigay ko sa'yo. Always take good care of yourself, nandito lang ako kung kailangan mo ng tulong.

                Your Prince Charming

Haayy! Ano ba 'yan!!

Asi help me!! Speaking of Asi, hindi talaga ako makapaniwala na napulot ko yung keychain niya, posible kayang nandito din siya sa Pilipinas?

Alam niyo nung makita ko yung mga cards hindi ko alam kung bakit nadisappoint ako, sabi ko sa sarili ko, bakit ako madi-disappoint? Sino bang gusto kong magbigay sa akin ng ganoong bagay?

"Akiexhia saan galing 'tong sandamakmak na chocolates?" sigaw ni Mommy, mukhang nakita na niya!

Dali-dali akong bumaba para sagutin yung tanong niya.

"Ahh..Mom ganito kasi ya-"

"Hi Titaaaaaaaaa" sigaw ni Chelsea na pumutol sa sasabihin ko, kasunod niya si Ara na ngumiti lang sa akin.

"Oh hello mga iha" bati sa kanila ni Mommy.

"Tita, about po ba sa chocolates? Naku po, sa haba po kasi ng buhok ni Asha may dalawa po siyang mysterious admirers na siyang nagbigay ng mga yan" sabi ni Ara sabay hawak sa buhok ko.

"Ah! Gano'n ba? Eh sino yung naghatid sa'yo kanina?" tanong ni Mommy kaya napasapo na lang ako sa noo ko at napa-iling, ang daldal ni Mommy!

"Sino yon ah?" nang-aasar na tanong nila sa akin.

"Oo nga anak hindi mo manlang pinapasok, at tsaka galing ba yung teddy bear mo galing din ba do'n sa naghatid sa'yo?" tanong pa ni Mommy kaya lalo nila akong inasar.

"Mom talk to you later, guys tara sa kwarto ko do'n tayo mag-usap" sabi ko at hinila na sila papunta sa kwarto.

"So make kwento na dali, ay! Ang cute ng teddy bear mo ah!" sabi ni Ara sabay dampot sa teddy bear.

"Okay to sum it all up, kay Gray galing yung violet na ca-" hindi ko na natapos yung sasabihin ko kasi biglang tumili yung dalawa.

"Kyaaaaaaaah, sabi na nga ba! Umamin na ba as in may confession na bang naganap?" excited na tanong ni Chelsea habang inaalog yung balikat ko.

"Pwede bang tigilan mo muna yan Chels" saway ko sa kanya.

"Kanina, diba dapat si Ash ang maghahatid sa akin pauwi? Kaso pumunta muna kami sa Star City, then may naramdaman akong sumusunod sa amin. Nung nasa snow world kami may sasabihin dapat si Ash kaso may dumating at sinuntok siya, si Gray pala. At one more thing, kambal silang dalawa" sabi ko na nagpagulat sa kanilang dalawa.

Ms. Sungit And Mr. Yabang (COMPLETED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon