Chapter Thirty Two

2.4K 98 3
                                        

Steven's POV

Umuwi akong nanlalata na naman sa hindi malamang dahilan.

Dumaretso ako sa kama at nahiga. Kinuha ko 'yung keychain ni Istel at tinitigan yung mukha niya.

"Istel kung nandito ka, sana may nagpapayo sa akin. Naguguluhan na ako eh! Ang gulo gulo!" sabi ko at bigla na lang akong napa-upo ng may bigla akong maisip.

Kinuha ko agad yung cellphone ko at nag-compose ng message. Sandali, bakit ko siya ite-text?

"I-text mo na" nagulat ako ng biglang mag-salita si Britney na nakatayo na pala sa likod ko. Bakit ba lagi kong nakakalimutang isara yung pinto ng kwarto ko?

"Alam mo kuya, in order to understand you must accept first" sabi niya na nagpakunot ng noo ko. Ano bang sinasabi niya?

"Ha? Ano bang sinasabi mo?" takang tanong ko sa kanya at tinignan siya.

"Find it out by yourself kuya" sabi niya at lumabas na ng kwarto ko.

Ano bang pinatutungkulan niya?

One Message Received

Tiningnan ko kung sino yung nagtext.

From: Akiexhia Sungit😒😒

About dun sa sinabi mo kanina, what time ba?

Yun lang? Sandali nga, bakit ano bang inaasahan mong iba pang sasabihin niya?

Alam mo kuya, in order to understand you must accept first

Alam mo kuya, in order to understand you must accept first

Alam mo kuya, in order to understand you must accept first

Oo na! Hindi ko din naman magets, anong kailangan kong intindihin at ano yung dapat i-accept?

Mareply-an na nga lang si Sungit.

To: Akiexhia Sungit😒😒

9:00, is it okay with you?

Pagka-send ko kinuha ko ulit yung keychain ni Istel, sana hindi tuluyang nawala yung keychain ko, sana may nakapulot kaso malabong maisauli sa akin 'yon.

Akiexhia's POV

9:00? Pwede na din siguro tutal wala naman akong gagawin dito sa bahay.

Nireply-an ko na lang si Steven ng okay tapos dapat matutulog na ako.

Ang kaso kada ipipikit ko yung mata ko yung eksena kanina yung rumerehistro sa utak ko.

Yung pagsalo niya sa akin, yung pagkakatitig, yung....yung....yung kung ano na naman sa tyan ko.

Akala ko wala lang 'yon kasi most of time hindi ko naman yun nararamdaman pero why does when it comes to Steven, everything seems so different?

Ano ba yan? Ba't ganon?

Asi help meeeee!

Diba dapat si Asi yung pinagtutuunaan ko ng pansin, diba dapat siya yung hinahanap ko.

Tapos dagdag pa si Gray at yung isa pang nagbigay ng red na box at card.

Buti na lang tumigil na din si Lea mukhang ginawan na nga ng paraan nila Gray, mukhang kailangan kong mag-thank you sa kanila kaso, sino ba yung isa? Bakit di kasi magpakilala.

THE NEXT DAY

Inaantok pa ako! Ano ba'yan!

"Hindi ka natulog kagabi ano?" nagulat ako sa kung sino mang nagtanong sa akin. Wala pa naman sila Ara kaya sinong kakausap sa akin.

"May sakit ka ba? Nasapian? O kaya naman may taning na yang buhay mo at concern ka sa akin?" tanong ko sa unggoy na nasa harapan ko, alam niyo na kung sino 'yon.

"N-nagtatanong l-lang, a-at t-tsaka hin-di ako co-concern sa'yo, baka kako lang eh iniisip mo naman ako kaya hindi ka nakatulog, di ba crush mo ako?" lakas talaga ng apog nitong lalaking 'to aba.

"Yabang mo talaga ano? Pero kanina naman nauutal!"

"Anong sabi mo? Ako nauutal? Ha! Bakit naman ako mauutal ha, bakit sino ka ba sa akala mo?" tanong niya sa akin pero hindi ko na lang pinansin mas kailangan ko ng tulog.

Itinaas ko na lang yung kanang kamay ko at itinapat sa mukha niya, "Talk to my hand" sabi ko at natulog na lang, bago ako maidlip narinig ko pa yung buntong hininga niya at yung padabog niyang paglalagay ng bag.

"Oh Steven, bakit para kang pinagsakluban ng langit at lupa?" rinig kong tanong ni Kayden kay Yabang.

"Ang bakla mong magtanong! Manahimik ka na nga lang!" tapos wala na akong narinig kung hindi yung impit na tawa ni Kayden.

"Nagme-menopause na ata si Steven, nagagalit ng walang dahilan!" pabiro pa niyang sabi kaya napapigil din ako sa tawa ko. Oo nga naman nagagalit ng walang dahilan!

"Asha anyare?" bungad sa akin ni Ara pagkatunghay ko.

"Saan?" tanong ko, aba malay ko ba kung anong tinatanong niya!

"Sa'yo, kay Steven, nag-away kayo? Nakabusangot yung isa ikaw naman dine-deadma lahat, kami nga hindi mo din napansin eh!" sabi niya na nagpakunot ng noo ko.

"Wala akong ginagawa diyan, sabi nga ni Kayden nagme-menopause na yan si Steven kaya nagagalit bigla ng walang dahilan" natatawang sabi ko.

"Ha?" nagtatakang tanong nilang dalawa pero pinagkibitan ko lang sila ng balikat.

Lunch Break

"Akiexhia pasabay mag-lunch" tawag sa akin ni Ash na kararating lang.

"Half day ka na nga hindi ka pa nag-lunch sa inyo" sabi ko sa kanya at sumunod na kila Ara papunta sa canteen.

"Eh gusto kitang kasabay" sabi niya kaya napakingon ako sa kanya at pinagtaasan ng kilay.

"Kung sasabay siya sa'yo sasabay din ako" sabi ng nakapamulsang si Gray habang cold na nakatingin sa kakambal niya.

"Kami din ni Kambal" makulit na sabi ni Kayden sabay hatak sa kakambal niya.

"Kung kasama sila, sasama din ako. Ayokong kumain mag-isa" sabat naman ni Steven.

At ako? Eto nganga, gusto ko ng mapayapang lunch tapos sasabay sa amin itong mga kumag na 'to?

Hindi na ako naka-angal dahil nauna pa sila sa akin, pagdating ko sa canteen kasama na nila sila Chels at Ara sa table. Now tell me how can I have a peaceful lunch if I'm with this annoying guys?

"Akiexhia dito ka" aya sa akin ni Gray pero dahil naiilang pa ako gawa nung isang gabi napangiwi na lang ako ng kaunti.

"Ayaw niyang tumabi sa'yo, dito ka na lang" sabi ni Hayden at lumipat sa upuan na in-offer ni Gray para doon ako umupo sa upuan niya.

Uupo na sana ako ng may bwiset na nagsalita!

"Ang gulo niyo upuan lang eh" sabi ni Steven at kinuha yung upuan at inilagay sa tabi niya.

"Oh ayan dito kana umupo" sabi niya pagka-ayos nung upuan.

No choice ako, umupo na lang ako sa tabi niya. Wala ng space sa tabi nila Ara para mailipat ko yung upuan, at ang mga loka mukhang siyang may pakana nito.

Um-order na yung boys ng pagkain namin at nagulat ako sa dami ng dala nila.

"Anong meron? May fiesta?" sarcastic kong tanong pagkalapag nila ng pagkain.

"Kumain ka na lang ng marami" sabay-sabay na sabi ng boys except kay Kayden na naiwan kasama namin ng um-order sila.

So, anyare?

----------

Anyare daw? Hahahaha

Thanks for reading.

Ms. Sungit And Mr. Yabang (COMPLETED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon