Unknown POV
"Ayusin mo ang pakikipag-usap sa akin okay! Mas matanda ako kesa sa'yo" singhal ko kay Lea ng pabalang siyang sumagot sa akin.
"So what? I don't care! Tsaka bakit ba ganyan niyo na lang ipagtanggol yung babaeng 'yon? Ano mo ba siya?"
"Mahalaga siya para sa akin, tapos!"
"Bahala ka na nga! Basta hindi ko gagawin yang gusto mong mangyari. I won't stop till I get what I want!" at iniwanan na niya ako dito.
Kinausap ko kasi si Lea na tigilan na si Akiexhia, dinala ko siya dito sa likod ng building ng sophomore para makausap ng maayos pero walang nangyari.
Magkapatid nga sila parehas hindi marunong sumunod.
Dumaan na lang muna ako sa locker room para idaan yung gamit ko.
I hope she will like this.
Ara's POV
"Ay Sha ano 'to?" tanong ko kay Akiexhia ng may makita akong, love letter? Di nga? Tapos nakapatong pa sa upuan niya.
"Ano yan?" takang tanong niya.
"Tangek dapat ang tanong mo muna, Sinong nagbigay niyan?" sabat naman ni Chels. Infairness ang bango nung ginamit niyang paper ha.
"Bakit alam niyo ba kung sinong nagbigay?" pagsusungit niya sa amin.
"Sungit nito! Meron ka Sha?" tanong ko pero hindi niya ako pinansin at kinuha nalang yung letter, nakibasa na din syempre kaso may isang malaking damuhong peste ang sumita sa amin.
"Pati love letter ng iba binabasa niyo" cold na sabi ni Hayden sa amin sabay upo sa upuan niya.
"Bakit ha? May reklamo ka? Sa'yo ba 'to nanggaling at ganyan ka maka-react?" tanong ko sa kanya pero hindi man lang ako pinansin.
"Bakit may dahilan ba para bigyan ko siya ng ganyan?" edi wow! Yabang din nitong isang 'to eh.
"Anong sabi Sha?" excited na tanong ni Chels.
"Secret" sabi niya at sumubsob na lang sa table niya at itinago yung letter. Damot!
Wala na kaming ibang nagawa kung hindi ang tumunganga.
Kung sabi nila sobrang nakaka-boring tumunganga, ha! Nagkakamali kayo! Sobrang exciting kaya lalo na kapag hmmmm!
Kapag may mga magnanakaw-Magnanakaw ng tingin.
"Wag katitigan si Akiexhia baka matunaw, sige ka mawawalan ka ng Akiexhia" parinig ko sa kanya.
Gusto niyong malaman kung sino? Hahahaha, tsaka na! Hahanap pa akong ebidensya eh.
Buti na lang parang nakatulog na si Asha kaya hindi niya rinig yung sinabi ko.
Mukhang na-gets na ni Chels yung sinabi ko. Maya-maya may sinabi na din siya.
"Oh naku lagot ka! Selos yung isa, wag mo daw titigan si Akiexhia" sabi niya na nagpahagalpak sa akin ng tawa.
"Hahahahaha, sino Chels?" tanong ko sa kanya, at sumenyas na lang. Sabi na nga baga eh!
'Wag kayong mainip, isang araw lang ang kailangan namin para mapatunayan kung totoo ba yung suspetya namin! Sa isang araw alam na namin yan.
His POV
Muntik na ako kanina! Akala ko sasabihin nila na ako yung tumititig kay Akiexhia, buti na lang hindi ako yung una nilang napansin.
After class namin, pumunta muna ako sa C.R at inintay ko munang maka-alis silang lahat bago ko ilagay yung ibibigay ko kay Akiexhia.
Nung papunta na ako sa locker room may nakita akong lalaking may inilalagay din sa locker ni Akiexhia.
"Hoy" tawag ko sa kanya at nagulat kami sa isa't isa ng humarap siya.
May inilalagay din siya sa loob.
"Paano mo nakuha yung susi niyan?" tanong ko sa kanya at inilagay din yung ibibigay ko kay Akiexhia. Buti na lang magka-iba ang kulay nung box naming dalawa.
"Pasimple ka pa kanina" sabi niya sa akin.
"Kesa naman sa'yo, masyadong papansin"
"Mas okay na 'yon, kesa naman sa katulad mong saksakan ng torpe!"
"Nagsalita ang hindi torpe!"
Hindi na siya sumagot at isinara na yung locker pagkatpos. Isinabit na lang niya yung susi sa may hawakan nung locker.
"Wag mong sabihing kinuha mo kay Akiexhia 'yang susi?"
"Hindi ah! Napulot ko lang kaninang umaga pagkatapos nung away nila, kaya nahuli ako sa paglalakad"
"Mga diskarte nito"
"Gwapo kasi ako!"
"Ulul"
At lumayas na yung lalaking 'yon. Akalain mo nga naman parehas pa kami ng nagustuhan.
Alam ko gusto niyo ng malaman kung sino ba talaga ako, malapit na. May hinala na bestfriends niya eh.
Steven's POV
Umuwi akong latang lata. Para akong pagod na pagod kahit na wala ako masyadong ginawa, para akong may sakit kahit wala.
Tapos nagtataka din ako, isang buong araw ay isang beses lang kami nag-away ni Sungit.
Umakyat na lang ako sa kwarto ko. Isa pang problema ko yung keychain ko naman yung nawawala, nasa akin nga yung keychain ni Istel yung akin naman ang mawawala.
Ang dami-dami kong isipin.
Tapos kanina hindi ko maintindihan yung sarili ko kung bakit parang bigla akong nawala sa mood kanina nung sinabi nila Ara na may tumititig kay Akiexhia, binalewala ko na lang yun kasi baka gutom lang ako.
Binuksan ko yung cellphone ko at aksidente kong nabulsan yung gallery. Parang bigla akong kinabahan na ewam nung bumungad agad sa akin yung mga stolen pictures ni Akiexhia nung gabi ng contest, hindi ko pa pala nabubura.
"Sabi na nga baga eh! Tatanggi pa ayan na ang pruweba! Bakit puro pictures ni Ate Akiexhia yang phone mo?" pang-aasar na NAMAN sa akin ni Britney. Hindi matatapos ang isang araw ng hindi niya ako naasar.
"Pinagtripan ko lang siya noon kaya may ganito sa cellphone ko, buburahin ko na din naman" sabi ko at akmang buburahin na nung inagaw niya sa akin yung cellphone ko.
"Buburahin? Kung buburahin mo 'to dapat pagka-uwi pa lang natin nung biyernes binura mo na, tsaka kung pinagtripan mo lang siya bakit hindi mo agad tinanggal sa phone mo? Ha!"
"Nakalimutan ko okay, akin na yung phone ko, bilis na Britney at pagod ako" sabi ko pero tinignan niya lang ako na parang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.
"Kuya wag ako, nasa iisang school tayo, dalawang floor lang ang pagitan ng room natin kaya alam ko na wala naman kayo masyadong ginawa. 'Wag mong sabihing napagod ka dun sa ginawa mo nung umaga?"
"Lumabas ka na nga! Istorbo ka lang eh!" sabi ko at pinagbuksan ko na siya ng pinto.
"Eh baka naman kaya ka nagkakaganyan kasi hindi ka na ulit kinakausap ni Ate Akiexhia after nung away nung umaga, narinig ko kaya yung usapan niyo nung papunta kayong restroom andun ako!" ang kulit din eh.
"Pero kuya, seryoso na, hinahanap mo pa din ba si Ate Cristel?" natigilan ako sa sinabi niya.
"A-ah, s-syempre hinahanap ko parin, naging busy lang ako lately" bakit ako nauutal?
"Ahhh, okay akala ko, nalimutan mo na gawa ni Ate AKIEXHIA"
"Britney tumigil ka na okay! Never kong makakalimutan si Istel, hinding-hindi mahanap ko man siya o hindi" pagkatapos no'n, pinagsaraduhan ko na siya ng pinto.
Bakit nga ba parang nawala sa isip ko 'yon? Ang hirap naman kasi niyang hanapin eh.
Makatulog na nga lang, nanlalata pa rin ako eh.
------------------
BINABASA MO ANG
Ms. Sungit And Mr. Yabang (COMPLETED)
Teen FictionUNEDITED EXPECT ERRORS. Paano mo ba masasabing mahal mo talaga ang isang tao? Date Started: March 22,2017 Date Finished: May 29, 2018
