Steven's Pov
Ano ba iyan nakakainis hindi ako makatulog. Ginawa ko na lahat ng pwedeng makapagpaantok sa akin pero hindi ako dalawin ng antok bakit ba kapag siya ang iniisip ko hindi ko na siya maalis sa isip ko. Naalala ko tuloy ulit kung paano kami nagkakilala.
Flashback
Nakaupo ako sa swing dito sa park ng village kung saan ako nakatira. Pinagmamasdan ko lang yung mga batang naglalaro but one girl caught my attention she is sitting on a bench while embracing her knees and crying I approach her.
"Hey why are you crying?" I asked her.
"Who are you I don't talk to strangers that was mommy told me" sabi niya habang pinupunasan yung mga luha nya.
"Don't worry I won't hurt you I'm a good boy, I won't hurt. Daddy always tell me na huwag mananakit ng babae " I said while smiling.
"Okay if you are a good boy what's your name?" she asked while sitting straight.
"I'm Ace how about you?" I asked her.
"I'm Cristel nice to meet you" sabi niya habang tumatawa, ang cute niyang magsmile.
"By the way mind if you tell why are you crying a while ago?" tanong ko sa kanya.
"I'm lost kasama ko kanina si nanay lusing pero nahiwalay ako sa kanya and now I can't find her" sabi niya na halatang malungkot.
"Okay lang ba sayo kung samahan muna kita para hindi ka malungkot habang inaantay mo yung yaya mo na mahanap ka?" tanong ko na siyang ikinatuwa niya.
"That would be great wait let's buy ice cream my treat and also to thank you for comforting me and staying with me" sabi niya habang nakaturo sa isang naglalako ng ice cream. Teka napapansin ko puro english to hindi ba siya marunong magtagalog.
"Wait hindi ka ba marunong magtagalog puro english ka, nasa pilipinas naman tayo" tanong ko habang hawak ko yung kamay niya para bumili ng ice cream baka mawala na naman siya at umiyak.
"Marunong ako syempre tumira kasi kami ng halos one or two years sa Australia gawa ng business nila dad dun narin kasi ako nagfirst birthday pati second" sabi nya.
"Ahh, so may business din kayo by the way ilang taon kana?" Tanong ko habang ibinibigay ung ice cream niya.
"Four yrs. old palang ako ikaw how old are you" tanong niya habang inaabot ung bayad.
"Ganun din ako four palang din ako" sagot ko sa kanya.
Nag-ikot ikot lang kami dito sa park at nagkwentuhan din sa sandaling oras na iyon nagkapalagayan kami ng loob agad.
"Ma'am akiexhia andito lang pala kayo kanina pa kita hinahanap saan ka nagpunta?" worried na tanong ng yaya yata niya.
"Okay lang po ako sinamahan naman po niya ako kaya okay lang"
Sagot niya sa yaya niya.
"Ah ganoon ba tara na umuwi na tayo at mag-gagabi ikaw din iho baka hinahanap kana ng mga magulang mo" sabi nung yaya niya sa akin.
"Okay bye Ace ingat pag-uwi" she said with a smile.
"Bye Cristel nice meeting you" I shouted and she looked at me with a smile.
End of Flashback
Makatulog na nga lang inaantok na ako kaaalala nung mga iyon I miss you na Istel. Nagtataka kayo kung sino si Istel well saka ko na ikukwento inaantok na ako may pasok pa ako bukas.
Akiexhia's PoV
Anong oras na gising parin ako kasi sila mommy pinaalala pa sa akin yung name na iyon eh naalala ko tuloy kung paano nabuo ang nickname naming dalawa hindi sa ayaw kong maalala pero kasi,
Flashback
After kong mameet si Ace sa park that time lagi ko na siyang nakikitang nakatambay doon at naglalaro din.
"Hey Istel tulala ka dyan?" biglang sabi ni Ace. Kaya nagtaka ako,sinong kausap nito.
"Sinong Istel?" inosente kong tanong sa kanya.
"Ikaw,balak ko Cristel o Istel na galing parin sa name mong Cristel, So alam mo na Istel ako lang ang tatawag sayo ng Cristel o Istel ha?" sagot niya sa akin that sounds so funny isn't it?
"Ah okay pero ayokong ako lang ang may nickname gusto ko ikaw din kaya ang itatawag ko sayo ay from Ace ay ahm....... Aha alam ko na ako si Istel ikaw si Asi" I answered.
"Asi sounds cool so bestfriends na tayo simula ngayon ha?" tanong niya sa akin.
"Oo naman ako si Istel ay bestfriend na ni Asi" I said while smiling.
"Ako si Asi ay bestfriend na si Istel from this day" sabi niya habang nakataas yung kamay niya na parang nanunumpa.
End of Flashback
Kapag naalala ko iyon namimiss ko si Asi. I miss you.
Kailan kaya ulit kita makikita. Marami na rin akong gustong ikwento sayo, gustong gusto kong ikwento sa'yo na sabi ko sa sarili ko I will never love someone na hindi mo katulad kasi I really love your character.
At isa pa nagtaka ako kasi kapangalan ni unggoy si Asi parehas silang Ace pero malabong mangyari na si Unggoy at Asi ay iisa never as in never.
Tama na nga yang kaiisip ko makatulog na nga lang may pasok pa ako bukas.
******************
Hays. Nakapag-UD rin.
Hope you like this chapter.
BINABASA MO ANG
Ms. Sungit And Mr. Yabang (COMPLETED)
Teen FictionUNEDITED EXPECT ERRORS. Paano mo ba masasabing mahal mo talaga ang isang tao? Date Started: March 22,2017 Date Finished: May 29, 2018
