Akiexhia's POV
Monday na naman. Kung dati lagi akong solo kapag papasok ngayon hindi na.
Kung dati ang tahimik ko kapag papasok ngayon hin-Sh*+
"Hahahaha, look at her! She looks so gross!" ano ba 'yan! Kailan ba ako patatahimikin ng mga Monteverde. Kung yung Ate niya dress ko yung pinagdiskitahan, siya naman ahh! Kung hindi nga ba naman napakabait niya, haluan daw ba ng nabubulok na basura yung pintura at itapon sa akin pagpasok ko.
"You're right Lea, such a trash"
"She doesn't deserve the crown"
At kung ano-ano pang panglalait ang narinig ko. Chels accompanied me to the restroom while Ara- where's Ara?
Tumigil ako para tingnan kung nasaan si Ara. Nakita ko siya na kinuha yung balde na ipinambuhos sa akin tapos lumapit siya kila Lea.
"Alam mo, ako hindi pumapatol sa mga batang katulad mo lalo na kapag napaka-isip bata. Para kang ate mo ang kitid ng utak" panimula ni Ara ng nasa harap na siya nila Lea. Bumalik ako sa kanya para patigilin siya.
"Look who's talking, tinalikuran mo yung kapatid ko na bestfriend mo para sa isang basurang katulad niya? I don't care kung anak ka ng may-ari ng school na 'to, hindi no'n maalis na you stole the spotlight, I should be the queen and not you!" sabi niya sabay duro sa akin, magsasalita na sana ako ng may biglang sumingit.
"Lea ano ba 'to, gusto mo bang matulad sa ate mo?" panimula ni Kayden habang yung tatlo nasa tabi lang.
"You're out of this Kuya Kayden! It's just me and that bitch" singhal ni Lea sabay tulak sa pinsan niya. Magkapatid nga sila, concern na nga sa kanya yung pinsan niya nagmamatigas pa.
"Concern lang kami sa'yo bilang pinsan mo! 'Wag mong gayahin ang Ate mo!" sabat pa ni Hayden pero tinignan lang siya nito ng masama.
"Look what you did! Pati mga pinsan ko galit sa akin dahil sa'yo. Ate is right, YOU.ARE.SUCH.A.FAMEWHORE" sabi niya habang dinuduro ako. Nagpanting yung tenga ko sa sinabi niya. Most of all, ayoko sa lahat na ako yung sisisihin sa bagay na wala akong kasalanan, bakit ako ba yung nagsabi sa mga pinsan niya na magalit sa kanya? Ng makita ko yung baldeng hawak ni Ara kinuha ko 'yon, sakto may laman pa.
"Don't you dare to blame me, wala kang alam" sabi ko sabay lapit sa harap niya, bitbit yung balde.
"Ha-" hindi ko na siya pinatapos dahil ibinuhos ko na yung natitirang laman ng balde.
"O my gosh, Lea are you okay?"
"How dare you!" akma niya akong sasampalin pero napigilan ko agad.
"Alam mo, wala sa plano ko ang patulan ka pero nakakapikon na kayo ng Ate mo, nananahimik ako tapos ganyan ang gagawin niyo? Ang kitid nga talaga ng utak mo, yun lang bagay na 'yon nagagalit ka? Sawang-sawa na ako sa mga pinag-gagawa sa akin ng Ate mo kaya, ayoko na" saka ko siya tinulak.
Paalis na sana kami ng may biglang humigit sa buhok ko. Sabunot naman?
"Lea tumigil ka na!"
Wala na akong nagawa kung hindi gumanti, masyado naman yata akong mabait para magpalamang.
Nalimutan kong Monteverde nga pala 'to, she will always have back-ups.
Akala ko hindi na matatapos yung pananabunot niya, Ara and Chelsea are helping pero nadamay din sila.
May humigit sa akin mula sa pagakakahawak ni Lea.
"Tama na sabi eh" na siyang nagpatigil sa lahat.
Hawak na nila Kayden at Hayden sila Lea and her oh-so-bitchy-friends, habang si Gray nasa gitna naming lahat.
At sino pa bang hihila sa akin? Syempre yung hindi ko nabanggit.
"Bakit ba ayaw niyong tumigil?" tanong ni Gray sa aming lahat.
Walang sumagot at padabog na umalis sila Lea. Sinamahan naman nila kami sa restroom.
Habang naglalakad nagsalita si Steven.
"Bakit mo pa kasi pinatulan Akiexhia? Lalo mo lang pinalala yung sitwasyon!" sabi niya na nagpatigil sa aming lahat.
"Steven, tama na. Wala namang kasalanan si Akiexhia" sabat naman ni Gray.
"Eh hindi nga aabot sa ganon kung hindi siya pumatol" sabat ulit ni Steven.
"Steven yung pinsan namin ang may kasalanan, 'wag mong sisihin si Akiexhia dahil kahit sino man ang malagay sa ganong sitwasyon papatol at papatol 'yon!" pasigaw na sabi ni Hayden.
"Eh mas nakak-" hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita at nagsalita na ako.
"Kung sisisihin mo lang ako, umalis ka na! Hindi ko kailangan ng tulong mo, at tsaka bakit ka ba nagagalit? Ikaw ba yung naagrabyado? Hindi naman diba?" at umalis na kami.
Nilinis ko na yung katawan ko at nagpalit ng uniform.
"Okay ka lang?" tanong ni Ara pagkatapos ko. Tinanguan ko lang siya at lumabas na kami.
Sira na nga yung araw ko, dumagdag pa si Steven!
Pumasok muna kami para sa first subject namin, buti na lang at hindi pa kami pinapatawag sa guidance office.
Natapos ang dalawang subject namin at breaktime na. As usual bidang-bida na naman yung nangyari kanina.
After naming maka-order, naghanap na kami ng table kaso wala ng vacant.
Gray's POV
"Para kang t*nga Steven, si Akiexhia pa yung sinisisi mo" sabi ko sa kanya bago kami magsimulang kumain.
"Edi sorry!" pasigaw na sabi niya.
"Bakit sa akin kay Akiexhia!"
Tiningnan ko kung nandito din ba sa canteen si Akiexhia, sakto wala ng vacant dito ko na lang sila pauupuin tutal malawak pa naman 'tong table.
Nilapitan ko sila at nagulat pa si Akiexhia ng tinawag ko siya, ang ganda talaga niya kahit nagugulat.
Inaya ko sila na doon na sa table namin kumain, noong una ayaw nilang pumayag pero napapayag ko din.
Inilipat ko yung isang upuan papunta sa may tabi ko.
"Akiexhia dito ka na umupo" sabi ko na nagpalingon dun sa tatlo, mga pasimple pa.
"Oh bakit diyan mo siya pauupuin?" tanong sa akin ni Hayden, hahahaha mauuna pa 'to, halatado eh.
"Alangan namang kay Steven ko itabi" pagdadahilan ko.
"Oh bakit pwede naman ah!" sabat naman ni Steven.
"Upuan lang pinagtatalunan, dito ka na lang Akiexhia, para walang away" sabi ni Kayden at doon nga umupo si Akiexhia.
Wala na kaming nagawa kung hindi kumain na lang ng tahimik.
Sobrang awkward pero hinayaan ko na lang baka kako magsalita din yung girls pero sobrang tahimik din nila hanggang sa matapos silang kumain at makaalis.
Ng makalabas na sila, binato namin ni Hayden ng tissue si Kayden.
"Anong problema niyo?" tanong niya sa amin ni Kayden, pero hindi kami sumagot.
"Selos 'yang dalawa dyan daw kasi umupo si Akiexhia" ngingisi-ngising sabi ni Steven.
"ULUL" sabay naming sabi ni Hayden.
"Tamo parehas defensive" aba't mga loko.
Bumalik na kami sa room pero puro pang-aalaska lang ang ginawa nung dalawa. As usual si Hayden, poker face lang.
Hindi ko na lang sila pinansin at ipinagpatuloy yung ginagawa ko, siguro dagdagan ko din ng chocolates 'to?
Bakit ang hilig ng babae sa chocolates?
----------------
BINABASA MO ANG
Ms. Sungit And Mr. Yabang (COMPLETED)
Novela JuvenilUNEDITED EXPECT ERRORS. Paano mo ba masasabing mahal mo talaga ang isang tao? Date Started: March 22,2017 Date Finished: May 29, 2018
