Chapter Forty

2.1K 64 4
                                    

Steven's POV

Sa isang linggong hindi ko nakakausap si Akiexhia, para akong ewan. Ngayon kasama ko ang boys dito sa likod ng building ng sophomore, naging favorite place ko na din 'to dahil kay Akiexhia. Ngayon I want to clear out things, between what I feel and what I want to feel.

"Anong problema mo at hindi ka namamansin nitong nakaraang linggo?" tanong sa akin ni Hayden.

"Bakit nag-I miss you at nag-I love you si Akiexhia sa'yo?" seryoso kong baling sa kanya.

"Lagooot!" sinamaan ko lang ng tingin si Kayden ng sabihin niya 'yan.

"May tinanong lang ako sa kanya. Don't be too paranoid, eto pakinggan mo" sabi niya at inihagis sa akin ang cellphone niya. I played his recorded phone call with Akiexhia. Peste, talaga 'tong gunggong na 'to.

"See, kahit naman kasi may gusto 'yan si Hayden kay Akiexhia kung wala namang gusto sa kanya si Akiexhia, wala din. Kung ako nga hindi pinapansin eh" sabi ni Gray.

"Anong connect?" makulit na tanong ni Kayden kay Gray kaya nabatukan lang siya.

"May gusto ka kay Akiexhia?"

"Binigyan pa nga niya 'yan ng regalo eh, chocolates at kung ano ano pa, pa secret admirer ang peg ng loko" natatawang sabi ni Gray kaya binato siya ni Hayden.

"Parang hindi mo 'yon ginawa, ikaw pa nga nagbukas ng locker niya, ikaw din kumausap kay Lea kaya nga biglang nanahimik 'yon at tinigilan si Akiexhia" balik ni Hayden.

"Parang hindi mo tinakot si Kisses para tumigil ano?" pabalang naman na sagot ni Kayden sa kakambal niya.

"Sandali nga, ano pang pinagbibigay niyo kay Akiexhia?" tanong ko sa kanila.

"SELOS?"

"Mga ugok! Nagtatanong lang ako!"

"Bakit ka deffensive?"

"I'm not" matigas kong sagot na lalong nagpangisi sa kanila.

"In-denial at defensive. Starter pack ng pagka-torpe Kuya?" natatawang sulpot ng kapatid kong kabute.

"Mga Kuya, pakipaliwanag nga sa Kuya kong IN-DENIAL at DEFENSIVE ang ibig sabihin nito, In order to UNDERSTAND you must ACCEPT FIRST" sabi niya sabay ngiti sa akin.

"Para mintindihan mo ang isang bagay kailangan no munang tumangap o matutong tumanggap?" uncertain na sabi ni Gray.

"Bakit anong hindi mo maintindihan Steven?" tanong ni Gray at humalumbaba sa harap ko.

Natameme naman ako doon. Ano nga bang hindi ko maintindihan? Ano ba 'yung mga bagay na gusto kong masagot?

Bakit awkward para sa akin ang presence ni Akiexhia?

Bakit nakakaramadam ako ng kuryenteng dumadaloy sa katawan ko sa tuwing magdidikit kaming dalawa?

Bakit sobrang saya ko kapag nandyan siya at sobrang nalulungkot kapag hindi ko siya nakikita kahit lagi ko siyang ka-text?

Bakit nagse-selos ako?

Bakit ang sensitive ko kapag si Akiexhia ang topic tulad kanina?

Bakit gusto ko......gusto ko ako lang ang makakarinig ng I miss you at I love you's ni Akiexhia?

'Yon ba?

"Ano Kuya natulala ka diyan!"

"Marami, marami akong hindi maintindihan!" frustrated kong sabi.

"Edi sagutin mo na lang 'tong tanong namin, tapos ang problema mo kapag sinagot mo 'to" sabi ni Gray.

"Ano ba 'yon?"

"Gusto mo ba si Akiexhia o more than pagkagusto?" seryosong tanong ni Gray sa akin.
"Ha? Kayo nahihibang? Bestfriend ko siya. Why would I feel that thing towards her? Isa pa baka confused lang ako" pagdadahilan ko pero hindi ako nilubayan ng mga mapanukso nilang tingin.

"That's the problem, ayaw niya kasing intindihin yung mga sinasabi ko tapos nag-gugumanyan" iritadong sabi ni Britney habang nakatingin kila Gray.

"In-denial nga Kuya mo" natatawang sabi ni Hayden.

"Kuya can't you just accept na posible mong magustuhan si Ate Akiexhia even though magbest-friend kayo!" inis na sabi ni Britney sa akin.

Natahimik naman ako dahil doon.

"Sandali nga bakit ba big deal sa inyo masyado 'to?" naguguluhan kong tanong sa kanila. Ano ba kasi sa kanila kung may gusto nga ako or more than that ang nararamdaman ko kay Akiexhia?

"Dahil involved si Akiexhia" sabi ng kararating lang na si Ara. Bakit ba parang mga kabute ang mga tao ngayon?

"Involved ang kaibigan namin. Pwede siyang maapektuhan ng kung ano man 'yang nararamdaman mo. Ang patunay? Ayun, tumakbo palayo habang umiiyak pagkatapos marinig sa'yo na BESTFRIEND mo LANG siya. Now tell me, paanong hindi magiging big deal sa akin, sa amin 'yang nararamdaman mo kung nasasaktan na si Akiexhia?!" inis na sigaw sa akin ni Ara.

Si Akiexhia umiiyak? Dahil sa akin?

"Sobrang un-easy niya nitong nakaraang linggo, kahit anong pang-aasar namin sa kanya hindi matinag sa iniisip niya. I started concluding that time, baka ikaw ang dahilan kung bakit sobrang pre-occupied niya" dagdag pa niya pero hindi ko na 'yon inintindi, may mas bumabagabag sa akin.

"U-umiiyak si Akiexhia? Saan naman tumakbo?" nalilito kong sabi sa kanya.

"I don't know, sinundan na siya ni Chelsea pumunta na agad ako dito para alamin ang puno't dulo ng usapan na 'yon, kakau-" hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya dahil tumayo na ako at tumakbo.

I dialed Akiexhia's phone pero walang sumasagot. Tinawagan ko na din si Chelsea para alamin kung nasaan siya habang tumatakbo ako papunta sa room namin.

"Nandito pa rin sa loob ng school hindi ko alam kung saan pumunta si Akiexhia" worried na sabi niya at pinatay ko na agad ang tawag. Pagpasok ko sa room hinanap ko agad ang bag ni Akiexhia pero wala na doon. Tinanong ko na din yung mga kaklase namin kaso hindi din nila alam kung nasaan si Akiexhia.

Saan ko ba siya hahanapin?

"S-sandali nga Kuya! Saan ka pupunta?" hinihingal na sabi ni Britney habang nakahawak sa braso ko, kasunod niya sila Gray na hinihingal din.

"Hinahanap ko si Akiexhia" sabi ko at tumakbo na ulit ako pababa. Nakasunod naman sila sa akin, tatakbo na ulit sana ako papunta sa kabilang side ng school ng sumigaw si Ara.

"Think about a place na pwede pang puntahan ni Akiexhia, paniguradong lumabas na 'yon ng school. Yung iba pa niyang haven o tambayan!" sigaw niya at automatic kong naisip ang palyground kung saan kami unang nagkakilala. Sumaludo na lang ako kay Ara at tumakbo papunta sa school gate.

'Wag ka ng umiyak Akiexhia, mali 'yung nasabi ko. Naiintindihan ko na, wait lang.

Akiexhia's POV

"Edi sagutin mo na lang 'tong tanong namin, tapos ang problema mo kapag sinagot mo 'to" sabi ni Gray.

"Ano ba 'yon?"

"Gusto mo ba si Akiexhia o more than pagkagusto?" seryosong tanong ni Gray.

"Ha? Kayo nahihibang, bestfriend ko siya. Why would I feel that thing towards her? Isa pa baka confused lang ako"

"Ha? Kayo nahihibang, bestfriend ko siya. Why would I feel that thing towards her? Isa pa baka confused lang ako"

"Ha? Kayo nahihibang, bestfriend ko siya. Why would I feel that thing towards her? Isa pa baka confused lang ako"

"Ha? Kayo nahihibang, bestfriend ko siya. Why would I feel that thing towards her? Isa pa baka confused lang ako"

His words lingered in my mind. Hindi naman ako dapat nasasaktan diba? Bestfriend ko siya diba, dapat ganoon lang ang nararamdaman ko pero bakit ako umiiyak dahil sa narinig ko?

Bakit?

------------------

Ms. Sungit And Mr. Yabang (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon