Akiexhia's Pov
I woke up still feeling sleepy, anong oras na kasi ako nakatulog kagabi, inaantok nga ako pero sa tuwing pipikit ako nawawala ung antok ko. Si Asi kasi eh ayaw iwanan ung utak ko.
Nag-aayos na ako ng sarili ko at bababa nalang ako sa dining para mag-breakfast, buti nalang hindi halata ung eyebags ko.
"Morning Princess/Good Morning Baby" bati sa akin nila mommy at daddy.
"Good Morning din mom at dad" I said and give them a kiss on their cheek tapos umupo na ako para kumain.
"Anong mukha yan Akiexhia ke aga-aga mukha kang pinagsakluban ng langit at lupa" puna sa akin ni mommy.
"Oo nga anak what's bothering you mind if you tell us" sabat naman ni daddy with worried face.
"Mom, Dad wala akong problema hindi lang po ako nakatulog ng maayos kagabi pinaalala niyo kasi si Asi ayan ayaw iwanan utak ko ayaw din akong patulugin" madrama kong sabi and I can't help but to pout because of it.
"Hey princess don't pout you look like a five year old girl that's begging for a lollipop act like a sixteen year old girl" natatawang sabi ni dad sa akin.
"Yes dad sige di na po ako magpa-pout, pero dad you and mommy are treating me like a baby I think that's way funnier than a five year old girl who's begging for lollipop" sabi ko sabay tawa.
"Oh siya sige na umakyat ka na ulit sa kwarto mo at magtoothbrush na para makapasok ka na" sabi sa akin ni mommy.
"Yes mom" I said and run towards to my room. I finished my morning rituals. Kinuha ko na ung bag ko at umalis na nagpahatid na ako sa family driver namin papuntang school.
I enter the school gate and scanned my i.d. Pumasok na ako sa room at nadatnan ko nanaman silang nagkakagulo as usual as ever ano pa nga bang aasahan ko sa section namin.
Hinayaan ko muna sila hanggang makaupo ako sa upuan ko. Naalala ko nanaman ung contest ano ba iyan dagdag pa iyan sa problema ko well wala naman akong ibang problema maliban sa pag-aaral ko. Naiinis na ako sa sobrang ingay nila sumasakit tuloy ulo ko kulang na nga sa tulog ganitong kaingay pa ang sasalubong sayo.
"Can you shut your mouths?" sigaw ko sa kanila when I can no longer take their noise. Kinuha ko na ung gamot ko sa migrane, lagi akong may dala nito incase na sumpungin ako ng migrane, nasosobrahan na kasi ata ako sa pagbabasa and hindi na ako nakakatulog ng maaga dahil dun.
"Sungit ano yang mukha mo ngayon, mukhang biyernes santo" bungad sa akin ng isang bwiset na nagkatawang tao. Nabuhay ba 'to para pestehin ako?
"Alam mo manahimik ka dyan baka masipa kita palabas ng classroom natin ng wala sa oras masakit ulo ko manahimik ka dyan sa isang tabi yabang" sabi ko sa kanya.
"Ikaw naman di mabiro, siguro kaya masakit ulo mo kasi di ka nakatulog at iniisip mo ako. Sabihin mo lang kung crush mo ako okay lang" nang-aasar na sabi niya.
And with that, nabatukan ko siya sa pagkapikon.
"Sa susunod kapag alam mong masakit ulo ko manahimik ka na lang kung ayaw mong maulit yan" inis kong sabi sa kanya.
Nanahimik nalang siya. Maya-maya dumating na yung teacher namin sa Science at nagdiscuss kaso nga since masakit ang ulo ko I can't put my whole attention to it.
"Miss Collins pay attention on our discussion mamaya ka na lang mag day dreaming dyan" puna ni Ma'am sa akin. If you'll just feel my pain ma'am, kung di lang 'to major subject mas pipiliin kong matulog na lang.
"Yes ma'am" sagot ko sa kanya. Favorite ko tong subject, pero ung teacher? No way.
"Okay Miss Collins can you answer my question, what is biotechnology?"tanong sa akin ni ma'am. Biotechnology? I think I already read that before.
"Biotechnology is a field of science and technology that deals with the use of microorganisms to convert raw materials into food,energy,chemicals,animal feed,medicines,and other products" sagot ko habang pilit kong ine-endure yun sakit ng ulo ko na bago pa lang nababawasan
"Okay one more, which of our traditional industries are biotechnology-based?" tanong pa ulit ni Ma'am na nagpabuntong-hininga na lang sa akin. Mind over body Akiexhia, keri mo 'yan.
"Vinegar,soy sauce,fish sauce,bagoong,cheese,and nata de coco are products of fermentation process involving microorganisms. And most of all they are biotechnology-based" sabi ko sabay upo.
"Impressive Miss Collins hindi ka parin pumapalya" tuwang- tuwang sabi ni Ma'am.
Pagkatapos noon binigyan niya kami ng quiz na hindi ko naman maintindihan kung anong ipinagsasagot ko.
"Okay here's your score, Collins and Scott got perfect score, Gimenez got 18, Davis 17, Monteverde 15, Watson 14, Perez' Twin 11, blah, blah, blah,blah" marami pang names ang binanggit si ma'am after that na hindi ko na nasudan pero infairness matalino din pala si yabang.
Steven's Pov
Totoo palang matalino 'tong si sungit.
Pagkatapos nung quiz umalis na si ma'am, nandito na ung teacher namin sa physics na class adviser namin na siya ring nagbigay sa amin ng punishment.
"Oh Collins, Scott mukhang hindi kayo nag-aaway ngayon ah, by the way inexcuse ko kayong dalawa mamaya para sa preparations para sa contest you only have 29 days" pakiramdam ko sumakit bigla tenga ko sa narinig ko, makakasama ko nanaman tong sungit na to mamaya.
"Ma'am mali kayo sa inaakala niyo na hindi kami nag-away binatukan niya nga po ulit ako kanina" sumbong ko kay ma'am, eto namang katabi ko ang sama ng tingin sa akin.
"Ma'am masakit po kasi ulo ko kanina kaya di ako nakapagpigil dito sa kayabangan nitong unggoy kong katabi" sabi niya habang nakaturo sa akin.
"Bahala kayong dalawa hindi ako makapagdiscuss sa inyo eh umayos kayo dadagdagan ko yang punishment niyong dalawa" wala akong nagawa kundi manahimik mamaya madagdagan pa lalo nang nagkanda loko-loko.
Nasurvive naman namin ni sungit yung dalawa pa naming subject ng walang bangayan sabi kasi ni ma'am physics, di ko tanda pangalan paki niyo ba.
Uwian na namin kaya imbis sa cafeteria ako dumaretso sa parking lot ako pumunta para umuwi at mag prepare daw.
Pasakay na ako ng kotse ng tawagin ako ni sungit. Sinabi niya na dapat magkasama daw kaming magprepare kasi partner daw kami sabi ni ma'am at may record kaya hindi ako nakapalag. Sabi niya iintayin niya nalang daw ako sa Starbucks pero hindi ako pumayag mamaya hindi sumipot yun kaya ang ending susunduin ko siya sa isang exclusive subdivision kahit labag sa loob ko.
Pupusta ako kahit magkano mas malamang ang bangayan na mangyayari sa amin kaysa ang mag prepare.
******************
Ano kayang mangyayari sa preparations nilang dalawa?Hope you like this chapter.
BINABASA MO ANG
Ms. Sungit And Mr. Yabang (COMPLETED)
JugendliteraturUNEDITED EXPECT ERRORS. Paano mo ba masasabing mahal mo talaga ang isang tao? Date Started: March 22,2017 Date Finished: May 29, 2018