Akiexhia's POV
Kanina pa kami paikot-ikot dito sa mall, mga isa't kalahating oras na ata kaya ang sakit na ng paa ko.
Come to think of it, nag-aya silang mag-mall tapos wala naman silang binili, puro tingin pa sa cellphone nila akala mo may kung anong urgent call na inintay.
"Really?" tanong ni Chels sa kausap niya at tumingin kay Ara as if nag-uusap silang dalawa.
"Asha, we need to go na. Hatid ka na lang namin since diba nasiraan yung car mo" sabi ni Chels pagkababa niya ng phone. Isa pa 'yon. Nasiraan yung kotse ko.
At ang pinaka malala sa lahat, wala man lang bumati sa akin. Mukhang nalimutan nila na birthday ko.
Pagdating namin sa bahay, bumaba agad sila at tsaka ako tinulak papasok, este diretso sa garden namin. And there, Boom!
"Happy Birthday Akiexhia!" sabay-sabay na sigaw nila Steven, Gray, Ara, Chelsea, Mom, Dad at yung kambal kasabay ng pagsabog ng party poppers.
Napasimangot naman ako dahilan para mawala ang ngiti nilang lahat.
"Akala ko kinalimutan niyo na birthday ko ngayon eh!" sabi ko na nagpalito sa kanila at nagtinginan silang lahat.
"Walang bumati sa kanya?" tanong ni Steven at nagsimula na silang magpasapasahan.
Ha? Bakit nagtatalo sila?
"Enough. Ano bang nangyayari?" tanong ko.
"We supposed to greet you para hindi ka makahalata na may surprise para sa'yo, kasi diba bentang-benta na yung walang babati tapos at the end of the day may surprise. Eh mukhang nalimutan naming lahat" kakamot-kamot na sabi ni Steven, kaya napangiti ulit ako.
"Awww, thank you guys" sabi ko at lumapit sa kanila. Tiningnan ko yung buong garden at halos natakpan na yun ng baloons at flowers na dinecorate nila.
Sa harap may pa-tarpaulin pa. Ang dami ding foods.
"You guys planned for this?" tanong ko sa kanilang lahat.
"Yep. Nagustuhan mo?" sabi ni Steven ng nakangiti. Out of nowhere I found myself hugging him. And that moment I felt that kaming dalawa lang 'yung nando'n sa mga oras na 'yon. It's kinda weird because of the unusual feeling na parang may kuryenteng dumaloy sa akin the moment I hugged him but I'm too happy to think about that.
"Thanks Asi" sabi ko habang nakayakap parin. He hugged me back before he answered.
"Anything for you" sabi niya at napahiwalay kaming dalawa ng umubo bigla si Ara sa likod sabay pakita ng camera.
"Picture tayo guys!" sigaw niya at sinet-up yung camera. Nagpaalam muna sila Mommy at sinabing bahala na muna daw kami at mag-enjoy. Ito pala ang dahilan kung bakit hindi sila nagtanong kung gusto ko ng party.
After picture taking, kinuha na nila 'yung cake, at infairness ang ganda ko 'don sa mga pictures.
"Make a wish" sabi nilang lahat after nila akong kantahan at nasa harap ko na 'yung cake.
I closed my eyes before I make a wish.
"I wish to have more birthdays to come, maging healthy kami ng family ko at ang mga kaibigan ko. And more happiness" I opened my eyes and blew the sixteen candles. After that I eyed them seriously.
"Wala kayong balak patayin ako 'no? Labing anim na kandila? hindi ako hiningal, hindi talaga" sarcastic kong sabi pero tinawanan lang nila ako.
Syempre pakatapos noon ay kainan. Tuwang-tuwa syempre si Chelsea. Kain kung kain si bes, buti nga hindi masyadong bumibilog eh pisngi lang!
BINABASA MO ANG
Ms. Sungit And Mr. Yabang (COMPLETED)
Roman pour AdolescentsUNEDITED EXPECT ERRORS. Paano mo ba masasabing mahal mo talaga ang isang tao? Date Started: March 22,2017 Date Finished: May 29, 2018
