Steven's POV
I don't know what came into my mind ng i-text ko si Akiexhia.
To: Akiexhia Sungit😒😒
Hoy! Maayos na yung paa mo?
Parang ewan yung text ko ano? Ewan ko ba sa sarili ko at kanina pa ako nangangati na malaman kung okay na ba yung paa niya.
Biglang nag-vibrate yung cellphone ko kaya nagulat pa ako.
From: Akiexhia Sungit😒😒
Maka-hoy ka na naman! 😡😡 Thank you na lang! Che!!
'Tamo 'tong babaeng ito ako na nga ang concerned sa kanya eh tapos ang sungit pa!
"Ayieee!! Concern si Kuya, sabi na nga ba eh! May pumalit na kay Ate Cristel diyan sa hearty-heart mo" nagulat ako ng magsalita bigla si Britney nasa likod ko na pala.
"Britney tumigil ka nga!"
"Hahaha, edi titigil as if namang kapag tumigil ako sa pang-aasar eh titigil na din ang hearty-heart mo sa pagtibok para kay Ate Akiexhia" sabi niya wearing her mocking face.
"Ate?"
"Yes Kuya, syempre diba Kuya kita, magiging ate ko siya kapag naging kayo na-" hindi na niya natapos ang kung ano mang sasabihin niya dahil nakisingit na yung mga bugok na 'yun, sino pa ba? Edi sila Kayden, Hayden, at Gray, mga makikitulog na din daw ang mga PG'ng 'to at inaantok na daw sa kabusugan. Sus!
"Sino yung tinutukoy mo na magiging ate mo kapag naging sila na ni Steven?" pangungulit ni Kayden kay Britney.
"It's Ate A-asdfghjkll" hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya dahil tinakpan ko na yung bibig niya.
"Britney doon ka na sa kwarto mo! Kung ano-anong sinasabi mo mamaya kung anong isipin nitong mga 'to" sabi ko sabay turo dun sa tatlo na feel na feel ang sofa namin, kapaaaaal!
"Fine! Lalabas din naman yan!"
"Sino yung Ate A?" sabay na tanong ni Gray at Hayden kaya napatingin ako sa kanila.
(Yung pagkakasabi ni Britney ng A ay A as in sa A E I O U na tagalog, gulo ko diba?-Author)
"Wala lang 'yon matulog na tayo" at ang mga PG'ng yon ay mas nauna pa sa akin sa pag-taas, bahay ba nila 'to?
Akiexhia' POV
Umaga na pala! Sandali bakit ang bigat ng katawan ko?
Pagtingin ko sa dalawang katabi ko, guess what? Ayun, si Chels naka-unan sa tiyan ko, si Ara nakadantay ang parehas na paa sa akin. Hindi sila magaan!
"Hey guys, wake up ang bigat niyo" gising ko sa kanila pero wala eh, puro hilik ang isinagot sa akin.
Pinagpi-pitik ko yung mga tenga nila para magising.
"Ano ba yan Sha? Ang aga pa eh" reklamo ni Chels sa mukha ko.
"Ang bigat niyo pong dalawa eh, nahiya pa ata kayong gumamit ng unan at ako ang inunan niyo"
"Sorry"
Nag-ayos na kami para makapag-breakfast na, pupunta na lang muna kami sa mall after nito since saturday naman.
*MALL*
"Sha try mo kayang i-post sa FB yung nawawalang keychain para mahanap natin si Asi, lagay mo Finding for my Asi, he own this keychain. Please contact me if you see this Asi" sabi ni Chels na talagang um-acting pa.
"Ayaw. At tsaka for sure walang papansin noon, and another thing hindi pa ulit ako nagbubukas ng facebook account ko nalimutan ko yung password ko"
"Tangek pwede pa yung buksan"
"Ayaw tinatamad ako"
"Ayaw mo ba siyang mahanap Sha?" tanong ni Ara para mapatingin ako sa kanya.
"Ara hindi sa ganoon, ayoko kasing maraming tao pa yung mainvolved, mas gusto ko yung, kung magkikita kami ulit family ko at kayo na lang ang makaka-alam, dadami ang susulsol sa amin" sabi ko at binigyan naman nila ako ng tingin na parang I-can't-believe-you.
"Daig mo pang in a relationship kayo ni Ace ah, pero kagabi naman akala mo din girlfriend ni Steven sa sama ng tingin sa fangirls, may eksena pang, titigan while singing, may pa-bridal style pang buhat. Ay! Grabe siya oh" sabi ni Ara habang ngumingisi.
"Tumigil ka nga! Pati mga maliliit na bagay binibigyan ng malisya" sabi ko sabay talikod sa kanila para pumasok sa isang boutique.
Bakit ganoon? Tumatanggi ako pero bakit parang ewan yung nararamdaman ko sa tiyan ko, hindi butterflies tulad ng sinasabi nila, wait-what? Butterflies in my stomach? Linyahan yun ng mga inlove ah!Hala! Nababaliw na ata ako?!Pero seryoso itinanggi ko man pero para akong kinakabahan, na parang may humihila sa hininga ko, na parang may umiipit sa tiyan ko na ewan tapos ang gulo eh hindi ko maintindihan.
Tumuloy lang kami sa pamamasyal, you know what noong nagkaayos kaming tatlo I realized something, when I'm with other people that I am not close with ang sungit ko, but when I'm with them nawawala 'yon akala ko kila Asi at Mommy at Daddy ko na lang maipapakita yung side na 'yon after noong nangyari sa amin. Pero bumalik yung dating Akiexhia, maybe hindi gaano sa ibang tao, specially Steven.
Speaking of that monkey, sarap hugutin mula sa cellphone ko kagabi eh, kabadtrip kung mag-text.
Tapos, parang ewan doon sa backstage after kong madapa, pati nung tinawag na siya as new Mr. M.G. University, aba ang St-
"Ay Steven" bago ko pa mabawi ang sinabi ko, nginisian na nila ako, manggulat daw ba? But wait, did I say Steven?
"Ahem, sabi nila kapag daw tulala ang isang tao gulatin mo daw, kung ano yung sasabihin niya yun ang iniisip niya. So what are you thinking about STEVEN?" tanong niya ng may diin sa pangalang Steven.
"What agad? Di ba pwedeng Why muna?" tanong ko and again ipinahamak ulit ako ng bibig ko, aish! Baka kung anong isipin nitong mga 'to eh. Santing ng ka-malisyosa nitong dalawang 'to eh.
"Why daw muna? So bakit mo siya iniisip? Ha?" tanong ni Ara sa akin at pinaningkitan pa ako ng mata.
Magsasalita na ulit sana ako ng tinawag ni Chels yung saleslady, anong trip nito?
"Miss, may tanong lang, curious kasi ako dito sa kaibigan ko eh" panimula niya, at hindi ko alam kung bakit parang ewan na naman yung tiyan ko. Ngumiti lang yung saleslady as a sign na tumuloy siya sa sasabihin niya.
"Miss para sayo, bakit mo naiisip o iniisip ang isang tao?" tanong niya at sandaling natigilan yung saleslady na parang nag-iisip.
"Para po sa akin kaya niyo po naiisip ang isang tao dahil may mga bagay o pangyayaring hindi mo makalimutan na connected o nangyari sa'yo kasama yung taong naisip mo, kapag naman po iniisip mo yung isang tao it means mahalaga siya sa'yo at kayo lang din po ang makaka-alam kung ano pa ang dahilan" sabi niya at ngumiti.
"May pinagkaiba ba yung naisip sa iniisip?" curious na tanong ni Ara. Yung isa past tense, then present tense yung isa.
"Alam ko ang nasa isip mo Sha, mamimilosopo ka lang" pigil ni Ara sa kung ano man ang iniisip ko. Tumingin ulit siya sa saleslady.
"Kung naisip mo siya, it means bigla na lang siyang sumagi sa utak mo, kasi nga may hindi ka malimutan tungkol sa kanya at kapag iniisip mo ang isang tao, alam niyo na po ang ibig sabihin non, nami-miss mo siya o talagang iniisip mo siya" sabi nito at nagpaalam na.
"So Akiexhia Cristel Collins, ano ba dun sa dalawa? Naisip mo si Steven o Iniisip mo si Steven?" sabay nilang tanong sa akin. Kailangan sabay pa talaga?
"Sumagi lang siya sa isip ko" pagdadahilan ko at tumingin na ulit ng mga damit.
"Hahahaha sabi mo eh" kahit kailan talaga 'tong mga 'to.
Bakit ba binibigyan nila ng malisya iyon?
Natural lang ba talagang mag-isip sila ng ganoon? Eh t-tinitigan lang naman niya ak- ay! 'Wag na ngang isipin 'yon may rambol na naman yata sa tiyan ko eh!
---------------
BINABASA MO ANG
Ms. Sungit And Mr. Yabang (COMPLETED)
Teen FictionUNEDITED EXPECT ERRORS. Paano mo ba masasabing mahal mo talaga ang isang tao? Date Started: March 22,2017 Date Finished: May 29, 2018
