Akiexhia's POV
3 pm. Gaya ng text niya pumunta ako sa playground ng subdivision namin.
Bakit parang ang bigat ng pakiramdam ko?
Pagdating ko doon halos walang katao-tao, nag-aalisan na nga din yung ibang batang naglalaro eh. Anyare?
Nakita ko siyang naka-upo sa isang swing at nakatalikod sa direksyon ko kaya hindi niya ako nakita.
"Steven?" tawag ko sa kanya, at sa sandaling lumingon siya parang biglang nanlambot ang tuhod ko.
The way he stares at me. Kung dati love and admiration ang nakikita ko sa mga mata niya, nagyon it's pure coldness. Wala ng iba. Despite of that lumapit pa rin ako pero tumayo na agad siya at gumawa ng distansya sa pagitan namin. Normal bang nasasaktan ako dahil sa mga ginagawa niya?
"Akiexhia, let me get straight to the point. I'm leaving" sabi niya habang nakatitig sa akin ng walabg kabuhay-buhay.
"Ha? Saan ka pupunta?"
"Somewhere far from you!" matigas na sabi niya na dahilan kung bakit unti-unting namuo ang luha ko.
"Far from me? Why are you going away from me?"
"Intindihin mo na hindi lang sa'yo umiikot ang buhay ko!" pasigaw na sabi niya sa akin.
"Eh bakit nga? All of a sudden ang sweet mo then naging sobrang cold tapos ngayon aalis ka? Bakit nga kasi?" naiiyak na ako! Bakit pakiramdam ko may hindi magandang mangyayari?
"You don't care. And stop caring for me!"
"How?! Bakit ka ba nagkakaganyan?"
"I don't love you" sabi niya na dahilan kung bakit isa-isa ng nagpatakan ang luha sa mga mata ko.
"Y-you told me that you love me! Bakit all of a sudden hindi na?" umiiyak na sabi ko. Umiwas lang siya ng tingin at tsaka sumagot.
"People change Akiexhia. We're too young, siguro nga infatuation lang ang naramdaman ko para sayo" walang kagatol-gatol na sabi niya.
"What? How-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil tumalikod na siya sa akin.
"Bakit ba ganyan ka? Is it my fault dahil never kong nasabi sayo na mahal kita? Is it my fault na hindi kasing sweet ang actions ko kumpara sa actions mo towards me?" sigaw ko na nagpatigil sa kanya.
"Maybe yes, lalaki ako maghahanap at maghahanap ako ng sweetness at never ko 'yong naranasan sayo. What do you that I'll do? Magpakatanga kahit parang pinapaasa lang ako? Mas okay na nga siguro ang ganito, mas maaga kong narealize na hindi naman talaga kita mahal" sabi niya habang nakatalikod pa rin sa akin.
"Pinapaasa? Hindi kita pinaasa Steven! Mahal kita! I'm just waiting for the right time hanggang sa maging handa na tayong pumasok sa isang relasyon, hindi kita pinaasa!"
"I don't give a damn anymore!"
"Steven nasasaktan na ako sa sinasabi mo! If you're just playing tricks on me please stop, masakit na Steven, hindi ako nagbibiro. Oo hindi ako sweet sayo, oo never akong nag- I love you sayo pero God knows how I love you. Maybe yes, it's my fault na hindi ko inamin yung feelings ko pero masisisi mo ba ako kung ang dami kong what if's sa utak? I never doubted your love for me. Please Steven, stop playing tricks on me, you win. Masakit masyado 'yang mga jokes mo" pinipilit kong pasiglahin ang boses ko kahit na nanginginig ba ang mga labi ko.
"Sana nga joke lang 'to. But it's not. I don't love you. Aalis na ako" Sabi niya at naglakad na palayo.
"Sabi mo you'll wait for me hanggang sabihin ko sayong mahal din kita pero bakit aalis ka na! Bakit sinasabi mong hindi mo ako mahal! Ikaw ang paasa, you made me believe na mahal mo ako. I thought you won't hurt me kasi 'yon ang pinapakita mo sa akin noon, pero Steven sobra na akong nasasaktan!" sigaw ko pa ulit sa kanya pero tumuloy lang siya sa paglalakad hanggang sa hindi ko na siya makita.
Napa-upo na lang ako habang humahagulhol. I never imagined that love will be this painful.
Infatuation? Eh para saan yung pagpapaulan niya masabi lang niya yung feelings niya? Para saan lahat ng sweetness na ipinakita niya sa akin?
You're not the same Asi anymore. People change, yes at isa na siya doon. Kung siya pa rin si Asi he won't let me cry, he's not the Steven that I love. Hindi na siya yung lalaking kaya akong pangitiin kahit sa pinakamaliit na bagay.
Does Tadhana find me entertaining? Na trip na trip niya akong saktan kasi nakakatuwa akong umiyak? Bakit?
Sabi niya he'll wait. I thought he will really wait for me. O ako talaga ang may kasalanan?
Kung ba sinabi ko agad sa kanya may magababago? Dadating ba kami sa point na 'to?
Umuwi ako sa amin na lutang, dumaretso ako sa kwarto only to find Ara and Chelsea waiting for me.
Their smile vanished ng makita ako. The moment na maisara ko ang pinto, napayakap na lang ako sa kanila at umiyak.
"He doesn't love me. Ang sakit. Mahal ko siya eh, sa mismong bibig niya nanggaling na hindi niya ako mahal. Ang sakit dahil ako nahulog na. Sabi niya handang-handa siyang saluhin ako eh bakit binitawan niya ako? Kasalanan ko din ba dahil hindi ko sinabi sa kanya? Bakit ba ganito?" umiiyak na sabi ko sa kanila habang umiiyak.
Hinayaan lang nila akong umiyak hanggang sa pinauwi ko muna sila para makapag-isa ako, kahit sila Mommy hindi ko muna pinapasok sa kwarto ko.
Bakit ganito? Noon mga assignments ko lang ang pinoproblema ko ngayon siya na. Okay lang ba na sa edad ko nagkakaganito ako dahil sa love? Pero ano bang pakealam nila? Sa nasasaktan ako eh! Sa pakikialam ba nila mawawala ang sakit? Hindi naman diba.
Is this one of Tadhana's Game at ako ang napili niyang player?
Sabi nila sa ganitong edad kalokohan pa yang pag-i-pag-ibig na 'yan. Pero kalokohan ba 'tong nararamdaman ko?
Steven's POV
"Gago ka!" isang malakas na suntok ang natanggap ko pagka-alis ko sa park. Hindi na ako gumanti I know I deserve that punch.
"Akala ko ba mahal mo siya, isinantabi ko ang feelings ko dahil ayaw kong maguluhan pa siya dahil alam kong mahal ka na din niya! Pero bakit ang gago mo? Bakit mo siya pinaiyak?" galit na sabi sa akin ni Hayden, at nasundan na naman ang una niyang suntok. Napangisi na lang ako.
"Wala kang alam" sabi ko kaya sinuntok na naman niya ako na nagpatumba sa akin.
"Oo wala akong alam pero hindi 'yon dahilan para saktan mo siya! Sabihin mo nga minahal mo ba talaga si Akiexhia? O pinaasa mo lang?"
"Wala ka ng pakealam, kasi kahit ano namang piliin kong gawin masasaktan at masasaktan siya" sabi ko at sumakay na sa kotse ko at umalis.
Masasaktan at masasaktan pa rin siya.
Incoming Call from Ara..
"Nasaktan mo na siya masaya ka na? Napaiyak mo na siya, wasak na wasak na siya"
"I know"
Pinatay ko na ang tawag at dumaretso sa airport.
For the last time tiningnan ko paligid ko.
Until we meet again, Akiexhia.
----------
Here comes the Epilouge.

BINABASA MO ANG
Ms. Sungit And Mr. Yabang (COMPLETED)
Teen FictionUNEDITED EXPECT ERRORS. Paano mo ba masasabing mahal mo talaga ang isang tao? Date Started: March 22,2017 Date Finished: May 29, 2018