Chapter Twenty Nine

2.4K 94 0
                                    

Steven's POV

Miyerkules na agad, malapit na pala yung birthday ni Istel, sa July 25 na, sa Lunes.

Nag-ayos na ako para pumasok, sumabay din sa akin ni Britney.

"Kuya?"

"Problema mo na naman!" singhal ko pero nginitian lang niya ako at lumapit pa sa akin, may hihingin 'to pustahan tayo!

"Can you ask Ate Akiexhia kung pwede akong mag-paturo sa Science?" what? Bakit siya?

"Andito naman ako ah, bakit siya pa" gusto kong mainis kaso hindi ko magawa I don't know kung bakit, if it's because of Britney's look or the idea that came in to my mind.

"Eh kasi Kuya, nabalitaan ko na magaling talaga siya sa Science at tsaka 'wag kang maarte, ikaw magtuturo sa akin ng English, this Saturday lang naman eh, one day lang. Please?" pagmamaka-awa niya. Sabi na nga ba. Pero si Sungit makakasama ko ng isang buong araw as in straight? Ano yun torture? After nga nung contest hindi na ako kinakausap noon eh, after nung nagkasigawan kami nung Lunes deadma na. Wait? Why do I care?

Nakarating na kami sa school at nagpark na ako.

"Try kong kausapin si Akiexhia" sabi ko at pumunta na sa classroom.

Nung magsisimula na yung first period namin which is Math si Ma'am Guzman ang pumasok, di ba physics siya?

"Okay class, alam kong nagtataka kayo kung bakit ako nandito eh hindi naman ako ang teacher niyo ngayong oras. I just want to introduce your new classmare. Iho come in, introduce yourself" sabi ni Ma'am at pumasok ang isang lalaki.

"Goodmorning Ash Pelongco, 16 years old" sabi niya sabay ngiti ng pilit, parang si Gray din pala 'to o kaya naman si Hayden.

Pinaupo na siya ni Ma'am sa dati kong upuan, lumipat kasi ako sa tabi nila Gray.

Tinignan lang siya ni Akiexhia hanggang sa maka-upo siya.

After no'n umalis na si Ma'am para makapag-start na yung klase namin.

------

After ng ilang subjects lunch break na.

"Akiexhia sabay-sabay na tayong mag-lunch"  rinig kong aya ni Ash kay Akiexhia.

"Oo nga Sha, diba magkakilala na naman kayo? Since bago siya ikaw pa lang kakilala niyan, sinong kasabay niyang kumain kapag hindi ka pumayag?" sabi pa ni Chelsea, magkakilala sila?

"Sa amin sasabay sila Akiexhia" cold na sabi ng katabi ko, si Gray.

"Ako yung naunang nag-aya sa kanya" mayabang na sabi ni Ash, at si Gray naman ayaw patalo. Ang kulit kasi ng abong yan sinabi ng sa amin sasabay si Akiexhia nagpipilit pa. Pero sandali nga, may napag-usapan ba kaming sa amin sila sasabay ngayong lunch?

"Eh anong pakealam ko? Kesyo nung isang taon mo pa siya niyaya sa amin pa rin siya sasabay!" maangas at inis na sabi ni Gray sabay lapit kay Ash.

"Woah! Wait lang, para walang away, sabay-sabay na lang tayong lahat" singit ni Chelsea habang nakatayo sa gitna nung dalawa.

Napagkasunduan ng lahat na sabay-sabay na nga kaming kakain. No choice ako, pero bakit gano'n diba dapat naiinis ako kasi kasabay kong kakain si Sungit na kaaway ko? Aish! Ang gulo ko!

Si Sungit naman parang walang pakealam. Akala mo may sariling mundo.

"Akiexhia anong order mo?/Akiexhia i-order na kita" sabay na sabi nila Ash at Gray kaya sila Ara at Chelsea na naghihintay kay Sungit para um-order umalis na.

"No need" walang kagana-ganang sagot ni Akiexhia at tumayo na para um-order. Baling tahimik ata nung kambal?

"Sabay na ako sayo Akiexhia" sabi ni Hayden at tumayo na. Pinanuod lang namin silang pumila.

Ms. Sungit And Mr. Yabang (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon