Chapter Seventeen

2.7K 97 2
                                    

Steven's Pov

Maaga akong gumising para pumunta sa bahay nila sungit, oh baka sabihin niyo excited akong makita yung babaeng iyon nagmamadali lang talaga ako, pero bakit nga ba ako nagpapaliwanag sa inyo.

After ilang almost thirty minutes nakarating na ako sa subdivision nila Sungit as usual ayaw ulit akong papasukin nung guard.

"You can call Akiexhia para masigurado kayo" sabi ko doon sa guard at agad naman niyang tinawagan si Akiexhia.

"Ah sige po Sir pasok na po kayo, pasensya na po at hindi po kasi ako na-inform ni Ma'am" sabi nito sa akin.

Tinanguan ko na lang siya at tumuloy na. Alam nang pupunta ako sa kanila tapos di manlang in-inform yung guard, alam niyang hindi agad ako pinapa-pasok dito.

Malapit na ako sa kanila ng makita kong may kotseng papasok din sa kanila. Baka parents niya.

Nung makita ako noong kasambahay nila agad na niya akong pinapasok.

"Ahhh Sir intayin niyo na lang po si Ma'am Akiexhia tatawagin ko lang po dyan po muna kayo sa sala" habang iniintay ko si Akiexhia biglang nagring yung phone ko.

"Yes?" bungad ko doon sa kung sino mang tumawag sa akin.

"Hindi ka talaga nausuhan ng hello ano? By the way Scott I already see Istel again, ang ganda pala talaga niya ano?" sabi ng kung sino mang tumawag sa akin and by just listening to his voice I can say that he's smirking.

Tiningnan ko kung sino 'yung tumawag at nakakainis dahil number lang.

"Who the f*¢k are you? At anong sinasabi mong Istel ha? Where did you see her?" pigil na pigil ko yung pagsigaw ko sa kausap ko dahil kung hindi kanina ko pa 'to napagmumura.

"For me to know and for you to find out Scott" at pinatayan na niya ako ng tawag. Kung ako nga hindi ko pa ulit nakikita si Istel tapos siya nakita na niya ulit at nakikitawag pa ng Istel, wag niyang sabihing pinag-nanasaan niya si Istel kung hindi kahit nasaan man siyang lupalop hahanapin ko siya.

"Hoy Kanina ka pa dyan" nagulat ako sa nagsalita sa may likod ko.

The moment I turn my head it seems that my world stopped at the same time. She was standing infront of me with her serious face and she looks good with her blue dre-

"Done checking me?" what? Am I staring at her? The heck!

"What are you saying? Ako tititigan ka? Bakit maganda ka ba?" tanong ko sa kanya while smirking.

"I don't care kung hindi ako maganda para sa paningin mo, maganda ako para sa sarili at sa pamilya ko. And one more thing kung sasabihan mo ang isang tao na hindi siya maganda make sure na yun nga ang pinapakita mo, tatanungin mo kung maganda siya tapos titig na titig ka" pambabara niya sa akin.

Hanep din talaga 'tong babaeng ito eh, kung masungit na siya sa school dumodoble kapag kami lang magkasama.

"Princess maiwan muna namin kayo ha, magpaluto ka na lang kay Mae ng meryenda at sa isang buwan pa ata ang balik ni Nanay" napaayos ako ng upo ng dumaan sa harap namin ang mommy at daddy niya.

"Ok mom" wait- totoo ba ito ngumiti si Sungit? Aba anong nakain nito at ngumiti?

Umalis na nga ang parents niya at as usual daig ko pa ang may kasamang pipi, para nga akong mag-solo dito dahil hindi naman siya nagsasalita. Hanep! Magpa-practice DAW kami.

"Follow me" nagulat na lang ako ng bigla biglang nagsalita si Istel.

Sinundan ko na lang siya hanggang sa second floor ng bahay-este ng mansion nila.

Ms. Sungit And Mr. Yabang (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon